Jess POV
Papunta nako sa bar nila lucas kakatapos kolang rin ihatid sila lyka at ang mommy niya sa bahay nila mabuti nalang medyo naging okay si tita inatake kasi siya nang highblood dahil sa kuya ni lyka na pasaway -.-
Mabuti nalang nadala agad sa hospital sabi nang doctor, marami rin ang nireseta kasama na dun ang mga bawal at dapat gawin, pero ang pinaka mahigpit na bilin ay iwasan madepress at mapagod muna
Bakit kaya sila nasa bar? Siguro nandito sila kagabi kaya hindi ko sila macontact humanda talaga sila sakin mga pasaway kahit kelan -.-
Pagkarating ko sarado pa ang bar pero kilala naman nako kaya pinapasok nako sabi nang katiwala niya naka leave si nica.
Nasa taas daw sila kaya umakyat nako huminga muna ko nang malalim dahil alam ko may kalokohan nanaman silang ginawa -.-
Kinatok ko yung unang pintuan, nung walang lumalabas mas nilakasan ko
JL: Sh*t kakatulog lang ano ba?
Ako: So minumura mo ako jon lucas?
JL: Ayy joke lang hehe hello tol napapunta ka?
Ako: Gisingin mo yang kapatid mo tska kayo bumaba NOW..
Nataranta siyang ginising si tripp bahala sila ginusto nila yan
Sunod kong kinatok ung pangalawang pinto pero nagbukas rin agad nakita ko si bryle
Bryle:Dude kamusta? Kanina kapaba?
Ako: May paparusahan lang ako, gisingin mo yang isa tas bumaba kayo
Bryle: Tol si sizzie mamaya munalang gisingin para makapag-pahinga
Ako: Walang exempted, bumaba na kayo agad at gusto kong marinig ang lahat. Alam ko naman wala siya kagabi pero sasama din naman siya
Dahil ayaw niyang magbukas pinakuha kopa yung susi -.- kahit kelan talaga kung hindi kolang pinsan
Pagbukas ko aba anlalim pa nang tulog, pasensyahan tayo pasaway ka
Ako: BRAT TATAYO KA DYAN O TATAWAGAN KO SI TITA AT SASABIHIN KO ANG PINAG GAGAWA MO?
Brat: Jess shut up mamaya kana magtrip ansakit nang ulo ko please..
Ako: Ikaw ang umayos, pagbilang ko nang tatlo at hindi ka bumangon bahala ka hindi ako nagbibiro.
1.......2..... Tat...Brat: *,)*:3#*#95# ETO NA SH*T NAMAN PUTCHA OO NA TATAYO NA LAKAS NANG TAMA MO BADTRIP KA HAYS halos magwala siya pabangon.
Ako: Good girl :) bumaba kana nag aantay na sila.. Tinulak kuna siya palabas matigas bungo neto.
Nagmamartya siya pababa nang hagdan, nakita ko ang busangot na mukha nila, oo malakas trip ko pero para ang magtino mga to -.-
Lucas: Jess ano bang tinira mo at ang aga mong mag trip hah? Ilang oras palang akong natutulog tsk
Tripp: Oo nga naman jess maawa kanaman samin huhu.
Ako: Wala nabang violent reaction?
Narinig ko ang mahinang pagmumura ni brat habang nakasandal sa lamesa
JL: Ano bang meron tol? I mean ang aga pa kasi hehe
Ako:Mag ready kayo mag ppicnic tayo
Halata sa mukha nila ang pagtataka, tingnan natin ang tibay nyo lalo kana brat anlakas mo magtrip.
Bago ako umakyat nakausap kuna ang ilan sa staff kaya may idea nako kung anong kalokohan ang ginawa nang mga to, bakit damay si JL at lucas? Simple lang kasama rin sila. Eh bakit pati si bryle? Alam ko naman na hindi siya mahihirapan dito
Halos 30mins nang matapos silang mag ayos, pinabilan ko nalang sila nang tag iisang masusuot para hindi na hassle umalis
Wala namn talaga akong plano kanina, bigla kolang naisipan un para magtanda sila lalo natong pinsan ko, akala ko panaman medyo bumalik na siya sa dati pero hindi pala -.-
Isang sasakyan nalang ang ginamit namin pasalamat nga sila ako pa nang drive, malamang mahal kopa buhay ko.
Habang nasa byahe tahimik lang sila, si bryle lang ang matino ang itsura
Kitang-kita mo yung dalawa na nagsusuffer sa hangover sino ba kasing isat kalahating gag* na titira nang madaming tequilla? Masakit sa ulo magkaron nang pinsan na brat
--------------------------------
BINABASA MO ANG
JERK VS BRAT
Teen FictionWhy do I FALL for someone I really hate. We start as a enemy why should we end up As a lover? Yung totoo End of the world na ba???