09. Bad Girl

665 173 53
                                    

Liam Ford Fortalejo

Papunta na akong paaralan kahit na maaga palang.

Pagkarating ko, nakita ko kaagad ang kotse ni Hemming na nakaparada. Maging kay Archie,Denim at Darren ay naroroon na rin.

"Bro," bati ni Denim.

"Liam, nasapian ka ba? Ang aga na naman natin a," bungad sa'kin ni Darren. I gave him a glare which made him close his mouth. Wala namang kibo si Hemming. I looked at him and he just displayed a faint smile.

Hindi ko na tinanong pa kung ano ang problema niya. He would willingly say it if he like.

We started walking. Mas nauna akong naglakad at nakasunod naman sila.

"Watch it!" Napalingon ako dahil sa sigaw ni Hemming. Nabangga yata siya ng lalaking pamilyar sa'kin. Yeah, I think it's Josh, from the Engineering Department,ang pinakabully sa lahat pero walang magawa pagkaharap na si Hemming.

The latter pushed Josh sideways. Medyo may kalakasan ito at muntik pa siyang matumba. Ang swerte niya, 'di siya nakatikim nang masarap na suntok mula rito.

Lalo na't iritado talaga ang mukha ni Hemming.

Tumungo na kami sa room at wala pa roon si Miss Cortes. Makatulog na nga lang muna. Medyo hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Nangalumbaba ako sa desk at pinikit na ang mga mata.

"Sabi ko, paabot ng ballpen!" Napamulat ako sa malakas na sigaw ni Hemming. Sino na naman ba ang kawawang nilalang na sinisigawan nito.

Napatingin ako sa likod kung saan siya naroroon.

Oh.

Si Xyriel ang inuutusan niya. But the woman just keep on staring at him. Parang wala lang sa kanya ang mga nanlilisik na mata ni Hemming.

"I'm not your maid," Xyriel said flatly.

Napaayos ako ng upo dahil doon. That was a very wrong move.

Biglang tumayo si Hemming at akmang susuntukin si Xyriel pero natigilan ito. His arm was still on the air.

"Tsk, bwesit!" he said harshly and turned away heading outside. And as he was about to go out, he let go of the punch he had been holding back and it landed on the door. Kawawang pinto.

I returned my gaze to Xyriel, parang wala lang ang nangyari sa kanya. She isn't scared nor shock.

Binawi ko na ang tingin at itinuon sa harapan.

Nakakaantok talaga.

I keep on glancing at my watch every now and then.

Alas-otso bentena at wala pa rin si Ma'am Cortes. Isang subject lang kami ngayon tapos bakante na dahil wala si Mr. Foster. He attended a seminar according to our classmates.

Maya-maya ay tumayo na si Xyriel at lumabas. Tsk, hindi na siguro darating 'yong guro namin.

"Let's go," I told my friends na kagaya ko ay naghihintay lang din na lumipas ang oras.

"Sa'n tayo?" Archie asked while getting his bag.

"Canteen?" Darren replied.

"Oo," I responded and we started walking.

"Sa'n kaya si Hemming?" Darren inquired. Nasa hallway na kami ngayon at naglalakad papuntang cafeteria.

"Nagpapahangin lang siguro," Archie said. Somewhat he might be right, minsan kapag mainit kasi ang ulo ng barkada namin, he needs a peaceful place to stay. Para kalmahin ang sarili niya.

Played Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon