15. It's Just The Start

557 142 11
                                    

Happiness is a choice. It is found only with in ourselves 😊☺

Archie Mendez

PINAGPAWISAN talaga ako nang malapot. Ilang juice ba naubos ko para mawala ang anghang sa dila ko?

Apat? Tsk walang hiya ang naglagay ng pampa-anghang sa pagkain namin, 'di tuloy ako nabusog. Nakakaasar talaga!

"I guess it's real, her revenge is real," ani Denim habang nagpapahid ng pawis sa kanyang noo.

"Kainis! Hindi dapat ganito, dapat makabawi tayo," asar na wika ni Hemming.

"Got plans?" Denim asked Liam. The latter looked at us in an annoyed manner. Namumula kasi ang mga pisnge nito dahil sa kinaing maanghang.

"She seems to be always ahead of us," he stated deliberately. Knowing Liam, ayaw niyang nalulugi lalo na sa sarili nitong teritoryo. Ma-pride siya but not to the extent na malaki ang ego.

"But Lavender, her friend is not,"came a pointed reply from Hemming.

So ibig sabihin? Sa barkada niya kami babawi?

"It seems to be unfair." Denim's comment was openly skeptical.

"Oo nga naman,"pagsang-ayon ni Darren.

"Any other option?" Hemming asked.

"So titigilan na natin si Xyriel tapos magfo-focus na lang kay Lavender?" tanong ko sa kanila. Parang gano'n kasi ang lumalabas sa usapan na ito.

"No, we do both. If ever Xyriel could avoid our plans,well, I'm certain Lavender could not," wika ni Liam at nauna na itong naglakad papasok ng gate.

Sumunod naman kaming apat sa kanya.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin, nagkukumpulang mga estudyante na agad ang tumambad sa aming harapan. They are all facing the field. Lugar kung saan nagpa-practice ang mga soccer or softball players.

"Ano na naman kaya 'yan?"Darren asked.

"One way to find out," Denim said, flatly. Aba ha? Nagiging madaldal na siya ngayong araw. Pakainin ko nga lagi 'to ng maanghang.

"Tabi!" maangas na sambit ni Hemming nang marating namin ang mga nakatumpok na estudyante. Agad naman silang nagbigay daan.

"Fvck!" Malutong na mura ang kumawala sa bibig ni Liam nang makita niya kung ano ang mayroon doon.

Si Justin at Melvin  ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante ngayon. Nakatayo silang dalawa habang nakatali ang mga katawan sa pole, wearing a panty ONLY. They are wearing an underwear for a WOMAN. Nakabusal ang mga bibig nito pero wala namang pasa ang kanilang mga katawan. Beside them is a tablet playing different videos, may sa Plaza, harap ng school at iba't ibang lugar pa kung saan pinapasayaw sila ng naka-panty lang habang tinatapunan ng kung ano-anong pagkain. Shit, uploaded pa sa facebook pero unknown ang account.

Sa katawan ni Justin nakasulat ang mga katagang 'JUST THE START"

At sa katawan naman ni Melvin ' NO ONE SHALL TAKE THEIR BODIES DOWN EXCEPT LIAM AND HIS MINIONS. DON'T DARE, I'M WATCHING YOU'

"Take them down," Liam ordered. Pero walang gumalaw at halatang natakot sa mensahing ipina-abot ng may gawa.

"NOW!" At agad-agad na kumilos ang grupo ng mga lalaki para kalagin ang tali sa katawan ng dalawa.

"Who did this?" galit na tanong ni Liam nang makuha ang busal sa mga bibig nila.

"H-hindi namin alam, nakamaskara sila," takot at nanginginig pang sambit ni Melvin.

Played Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon