33. Memories

576 84 28
                                    

Dedicated to Liana_Lj2004

*************************************************************************************

Leen Xyriel Deverine

Two weeks have past since that day and I'm quite glad of the outcome. Right now I'm walking at the corridor, some students are smiling at me, some are not.

Madami na rin ang nagbago, the weak started to fight back. Malakas na ang loob nila because they know that we are here.

And Josh, he told me about that someone na nag-uutos daw sa kanya para bantayan kami. He asked for my help and I assured him that it will be ok.

Things are now slowly happening according to my plan.

Sa caf, all who are with us sits on the right side while those who are against us, placed themselves on the left side.

Uy Lex!"Jed's voice pulled me back from my thoughts.

"Lex! You're spacing out. Kanina pa kita tinatawag," dagdag pa nito.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"May sasabihin daw si prof makinig ka kasi," sagot pabalik nito.

"Class, we will be having our fieldtrip,"our prof informed us. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.

"Saan prof? Sa NewYork?" excited na tanong ni Jaime.

"Or sa Singapore?"another woman said.

"Kaya naman somewhere in Europe?"

"Class quiet. We are not going outside the Philippines," sambit ng professor namin. It made the students' growl in disappointment.

"Eh saan tayo?"

"The owner of the school decided to conduct an educational fieldtrip dividing each years. Ang first years will attend a one week seminar sa ibang school and they will stay there during the period. The third year will be visiting 10 largest company's in the philippines for five days. The fourth years, sila ang pupunta sa ibang bansa para mag attend ng seminar and visit na rin sa mga kompanya doon. The second year which is kayo, will be going on a camping for three days," mahabang paliwanag nito.

"Camping? What the? Anong gagawin natin? Magbabahay-bahayan gano'n?" Reklamo ni Darren. Sumang-ayon naman ang ibang mga studyante sa kanya.

"Teka, where ba kasi tayo magka-camping?" Jaime asked again.

"Sa isang probinsya."

"PROBINSYAAAAAAAA?!" Halos sabay sabay na tugon ng mga kaklase ko. I could tell they are not happy about it.

"Yes class. Now, Lower your voice. Para kayong mga baka na nawalan ng ina," ani ng professor namin.

"Pero sir, bakit sa probinsiya pa? Wala bang ibang choice? Pwedi bang hindi sumama?"

"Pwedi naman. But you have to do several task to substitute the grade you will get from the camping. I'm sure ok lang sa inyo ang mag-community service for 500 hours. Plus gumawa ng sariling business proposal at ihaharap sa may ari mismo ng school na 'to. Tsaka, idagdag mo ma rin ang pag conduct ng seminar sa iba't ibang school. 'Yon lang naman."

Sa sinabi ni sir. Wala ni isa mang nagreact.

"Kaya sinong di sasama para marecord ko na," he added.

And again no one answered.

"Good, now here is what you have to do. We are going to the province of Masilayan Island. Ang lugar na 'yon ay hindi pa masyadong civilized. Wala pa halos infrastructures and building. The main point kaya tayo do'n pupunta ay para magkaroon  kayo ng time para malaman kung anong business ba ang fit na ipatayo sa lugar."

Played Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon