The songs in my heart that are kept unvoiced..Dedicated to raezyl_testaa 😊
*************************************************************************************
Archie Mendez
Fine day, FRIDAY!
That was the expectation.
Reality?
Boring nanaman.
Ito sa room nakikipagtitigan sa dingding kasi wala pa ang guro namin. Si Hemming ayun, naka titig ng masama kay Xyriel na natutulog naman sa desk niya.
Magkatapat kasi ang row namin, at ako ang nasa edge at nasa edge rin si Xyriel kaya medyo malapit lang kami.
Aist.
Ano ba 'yan,kanina pa ako hikab ng hikab.Kung ako ang tatanungin kung kamusta na ba kami, I'll suggest we should just give up and settle this matter. Pareho kami ng Idea ni Darren ang kaso mataas ang pride ng tatlo.
Bakit kasi hindi na lang sila nag ariel no? 7.50 na lang. Pero totoo, sobra kasing nagalit si Denim ng masunog ang collections niya ng libro kaya ayun, di kami maka-comment na pwedi cease fire na?
Hindi ko na kinaya e, kung sasabihin naman namin sa kanila baka magkaroon lang ng gulo, hay ang gulo.
At talagang magulo. Let's just accept the fact na hindi talaga namin siya kakayanin. Iwan ko sa kanila, basta ako ? Lie Low na. Grabe talaga kasi, hindi ako maka-move on sa mga nangyari noong isang araw.
Hihikab na sana ako ulit ng may biglang pumasok na babae.
Uh? Hindi siya pamilyar. Transferee siguro 'to. Napatingin din sa kanya ang iba pa naming mga kaklase.
Wala naman siyang paki-alam, ang angas nga ng dating niya. Sinuyod niya ng tingin ang buong lugar hanggang sa dumapo ang kanyang mga mata sa gilid ko---kay Xyriel.
Nagsimula na siyang maglakad.
Tumigil siya sa mismong tapat ni Xyriel, sa kalagitnaan kasi kami nakapwesto at sa row nina Xyriel walang bakante.
Medyo naaninag ko pa ang mukha niya kasi nakaside view siya mula rito sa lugar ko.
Itinaas nito ang ang kanang kilay na parang may tinatakot, nakuha naman kaagad ng lalaki na katabi ni Xyriel ang ibig sabihin ng bagong dating kaya nagmamadali itong lumipat ng upuan.
Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ng babae at dumaan siya mismo sa harap ni Xyriel at sinadya talaga niyang masagi ang desk nito.
Naku naman! Mamamatay siya ng maaga. Sa lahat ng taong pweding maistorbo si XYRIEL pa talaga? Kawawang nilalang.
Napatingin ako sa mga kasama ko, si Liam walang pakialam at nakatutok lang ang paningin sa cellphone. Si Denim at Hemming? Gano'n pa rin, pinapatay sa titig si Xyriel.
Kung hindi ko lang talaga sila kilala mapagkakamalan mong may gusto sila sa babaeng iyon.
Teka parang kulang, asan si Darren?
Archie, wag hanapin ang wala baka nastranded pa 'yon sa milyon-milyong babae niya.
And as what I have expected, dahan dahang itinaas ni Xyriel ang kaniyang paningin
At, huh? Nag smirk siya? Kasabay noon ang pagkunot ng kanyang noo.
"What...are you doing here?" Xyriel asked lazily.
BINABASA MO ANG
Played Without Rules
Teen FictionShe wasn't as ordinary as you think. Not the typical girl you see in the mall buying things. Niether a woman sipping her tea and getting her nails done. She was the lady of composure. Cold as the blankness of her face and silent like a solemn night...