Dedicated to mitzugozaki
*************************************************************************************
Liam Ford Fortalejo"Any plans this summer?" I heard Darren asked as he took a sit near me. Time really flew fast and a few weeks from now, we aren't second year college anymore.
"'Yon talaga ang prinoproblema mo?"sabad ni Hemming na nasa harap ko naman ngayon.
Nasa canteen kaming lima at inaantay ang grupo nina Lex. Masyado siguro kaming naging okupado sa maliit at walang kwenta naming away at hindi namin napansin na patapos na ang klase.
It used to be boring but it won't hurt to admit that Lex spiced this years college life.
Dalawang linggo pa lang ang lumipas simula nang kumalat sa boung campus ang pagbabati namin.
Hindi naman lahat kumbinsido, sa katotohanan, patuloy pa rin sina Adriene,Katie at Jaime sa pambwibwiset sa grupo nina Jille. Idagdag mo pa ang mga freshmen na tila susunod sa yapak ng tatlo.
I was planning to help them end these immature doings but Lex stopped me saying that time will make them.
Ang hilig niya sa mga palaisipan, nasobrahan na siguro sa pagbabasa ng mga nobela.
"Eh ano ba dapat ang iisipin ko?" Darren answered back. Hemming was frowning at him, they both have forgiven each other and the former actually thanked the other.
Nalaman ko rin mula kay Xyriel na kaya 'di umuuwi si Hemming sa kanila ay dahil sa tatay niya. May kerida kasi ito at si Hemming lang ang nakaka-alam. Tsk, wala ka talagang matatago sa babae na 'yon at nagkataon pa na magka-business partner ang Dad ko at sila. Natural lang daw na ipa-background check ito.
"Kung anong major ang kukunin mo sa opening,gag*!" angil ni Hemming. Balik na naman silang dalawa sa dati.
"Hemming, magtatapos pa lang ang klase pasukan na kaagad ang naiisip mo?" iritabling sagot ng isa. Magsisimula na naman sila nang away mabuti at naisipan ni Denim na sumagot.
"Well, since we are on the topic, why won't we decide now?"
I thought for a moment. Ano nga bang kukunin ko? Parang kahit ano naman ay may papasukan pa rin akong trabaho.
"Mag-marketing na lang siguro ako?" ani Archie. Tiningnan siya ni Darren at tila nag-iisip rin kung iyon din ba ang major na kukunin niya.
"Eh, I want Human Resource Development Management. I heard they have intense Psychology class," Denim interupted. Mukhang magkakawatak-watak 'ata kami ngayong pasukan.
"Aist, Operational Management siguro maganda no?" tanong ni Hemming. Tinitigan nila ako na tila inaantay ang sagot ko.
"I'll wait for Xyriel," I replied. Now they are staring at me in a very confused manner.
"Seriously? Bakit?" Archie exclaimed. "Liam ha? Parang may iba e."
Kumunot ang noo ko sa tinuran nito. Anong masama sa gusto ko lang malaman kung ano ang kukuning major ni Xyriel? Wala naman diba?
Feels like I'm convincing myself pero wala naman talagang masama ro'n e.
"Yow! Wazz up?" Chlarjille butted in before I could even say a word.
"Parang ang seryoso niyo?"The new comers occupied the empty seats. Kumuha pa ng silya ang iba sa kalapit lamesa dahil masyado kaming marami.
Xyriel was about to take the seat near Jille but I motioned her to sit beside me.
BINABASA MO ANG
Played Without Rules
Teen FictionShe wasn't as ordinary as you think. Not the typical girl you see in the mall buying things. Niether a woman sipping her tea and getting her nails done. She was the lady of composure. Cold as the blankness of her face and silent like a solemn night...