Jeonghan
Ilang oras nalang parating na si Cheol dito sa school.
Paano ko nga pala ibibigay 'to?
Hindi ko 'to pwedeng iwan sa tapat ng locker niya, baka kunin ng iba. Nakakahiya naman kung magpapakita ako sa kanya.
Baka matulad 'tong cake sa cookies na binigay ko sa kanya dati. Itinapon niya lang.
"Ano nang gagawin ko?" Tumingin tingin ako sa paligid. Wala na kong maisip na ibang paraan kaya naman naglakad na ko patungo sa tapat ng locker ni Seungcheol at iniwan ang cake d'on.
Tumingin siya sa relo ko.
7:29 AM
Parating na si Cheol. Naglakad na ako paalis sa locker room. Dalawa yung pinto dito, yung isa nalang siguro ang pipiliin ko, baka kasi makasalubong ko pa si Cheol.
Happy Birthday Cheollie ko. Sana magustuhan mo yung paborito mong cake na binake ko.
***
3rd Person's POV
Saktong paglabas ni Jeonghan ay ang pagpasok naman ni Sohee sa locker room. Nag-usap kasi sila ni Seungcheol na magkikita sila dito upang mag-usap. Agad na may nakakuha ng atensyon ni Sohee.
"Bakit may cake dito?"
Kinutuban na agad si Sohee sa maaaring nag-iwan n'on.
"Siguradong yung baklang Jeonghan na 'yon ang nag-iwan nito," kinuha niya cake na nasa loob ng isang kulay lilac na box na may design na angels, stars at clouds.
Itatapon niya na sana ito nang may humawak sa kamay niya.
"Sohee, ano 'yan?" Nasa harapan niya si Seungcheol na ngayon ay titig na titig sa hawak niyang cake box.
"A-ah kasi--" ngumiti si Seungcheol at hinalikan siya sa noo.
"Para sakin ba 'yan? Ang sweet sweet naman ng baby ko," kinuha niya sa kamay ni Sohee yung cake at binuksan 'to. "Uwaaah! Paano mo nalaman na favorite ko 'to?"
Walang masabi si Sohee.
"Saka, bakit mo naman itatapon?" Seungcheol dipped his index finger on the creme and sucked his fingers. Nakita ni Sohee na sarap na sarap si Cheol sa cake.
"K-kasi baka hindi m-mo magustuhan yung gawa ko," napatingin sa kanya si Seungcheol at ngumiti. Inakbayan siya nito at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
"Alam mo namang kahit na anong lutuin mo, masarap para sakin. Salamat dito ha? I love you baby~"
"A-ah. I-I love you too." Inis man pero napangiti nalang si Sohee. Atleast walang alam si Seungcheol na galing iyon sa baklang stalker niya.
***
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish