7

1K 14 14
                                    

Dahil sa request ng anak, nasa park ngayon si Jeonghan at Seungcheol kasama si Seungjae at si Sian. Wala kasi si Jihoon at Soonyoung ngayon dahil na-imbitahan sila na mag-judge sa isang sikat na talent search show.

"Siaaaaan, punta tayo slide!" hinila ni Seungjae ang kaibigan papunta sa slide. Napangiti si Seungcheol. Nagbunga ang pagtuturo niya kay Seungjae para hindi na mabulol ang bata.

Wala naman siyang galit kay Sehun. Nagpapasalamat pa nga siya dito na naging Ama ito noong panahimon na wala siya sa tabi ng anak. Ayaw niya lang talaga na mabulol si Seungjae. Cute para sa karamihan kapag bulol ang bata pero, hindi nila naisip na magiging pang-asar ito sa kanila sa oras na kalakihan nila ito.

Napiling umupo ni Jeonghan at Seungcheol sa isang bench kung saan tanaw na tanaw nila ang buong park para naman masubaybayan nila ang mga bata. Tahimik lang sila sa simula nang biglang hawakan ni Seungcheol ang kamay ni Jeonghan. Tinitigan lang siya ni Jeonghan habang paunti-unti siyang sumisiksik at hinawakan ang ulo ng nakababata para isandal sa balikat niya. Ang laki ng ngiti ni Seungcheol.

"Ang tagal kong hinintay 'to," bulong sa kanya ni Seungcheol.

"Ako rin," napangiti si Jeonghan nang paglaruan nito ang kamay nilang dalawa na magkahawak.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang bumalik si Seungcheol. Simula nang bumalik siya, hindi ito nawala sa tabi nilang mag-ina. Ito ang laging kasama ni Seungjae sa bahay at kalaro nito. Madalas din itong gumala kasama ang anak. Siya din ang naglilinis ng unit nila Jeonghan habang tulog ang anak. Hindi naman siya pinipilit ni Jeonghan at ilang beses na siyang sinabihan ngunit makulit ito at gustong bumawi kaya hinahayaan niya na lamang.

Umayos ng upo si Jeonghan ng tumunog ang phone niya.

"Cheol, sandali lang ha. Tumatawag si Sehun, baka tungkol sa cafe 'to," hinalikan siya ni Jeonghan sa pisngi bago ito lumayo at sinagot ang tawag.

Masayang pinapanood ni Seungcheol ang anak na naglalaro. Hindi siya makapaniwala na kasama niya na ang mag-ina niya. Nagpapasalamat siya na napatawad siya ni Jeonghan a5 tinanggap ng buong puso.

"Seungcheol?"

Nilingon ni Seungcheol ang babaeng tumawag sa kanya. "Sohee?" nagulat siya nang makita ang pamilyar na mukha. Ngunit napakapayat na nito at may malalalim na mga mata.

"Ikaw nga 'yan!" niyakap siya nito. "Ang laki ng pinagbago mo. Mukhang big time ka na ah," marahan siyang itinulak ni Seungcheol para kumawala sa yakap nito.

"Ah. Hindi naman," ibinalik ni Seungcheol ang tingin sa anak niya na ngayon ay may kalarong batang babae.

"Yung batang babae na 'yon, anak ko nga pala. Si Sora," proud na sabi nito. Nawala ang ngiti sa labi nito ang makitang walang pakialam si Seungcheol. "K-kamusta ka nga pala?" ibinalik nito ang ngiti sa mukha niya habang tinatanong ang lalaki.

"Maayos naman. Masaya sa buhay ko ngayon. Masaya sa-"

"Nagsisisi ako nung pinakawalan kita," natahimik silang dalawa. Hindi nagsalita si Seungcheol kaya itinuloy niya ang sinasabi niya. "Karma ko si Leo. Masaya naman nung ipinagbubuntis ko si Sora pero nung ka-buwanan ko na, nahuli ko si Leo na may kasamang iba. Akala ko, pipiliin niya kami pero mas ginusto niyang sumama sa babaeng 'yon," tumulo ang luha nito. "Doon ko lang naisip na sana, sana ikaw nalang ang ama ni Sora. Sana hindi ako nagpakatanga," patuloy lang ito sa pag-iyak. "Seungcheol, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Siguro kaya tayo pinagtagpo ng tadhana kasi ikaw na 'yung sagot sa mga dasal ko. Cheol, please come back to me."

Wala silang kaalam alam na mula sa isang tabi ay pinapanood sila ni Jeonghan. Pinipigilan nito ang mga luha na nagbabadyang bumagsak.

"Cheol, mahal pa rin kita. We can be a family. You, me and Sora. Please come back to me. Magmamakaawa ako kung-"

"Stop it, Sohee. I won't fall for your games anymore. You know what, I've realized that I did not truly loved you. I am happy now with the one that I truly love. And see that kid?" itinuro nito si Seungjae na tinutulungan si Sian na umupo sa swing. "That's my son. I love him and his Papa. Who's his Papa? Naaalala mo pa ba 'yong lalaking ninakawan mo ng cake noon? 'Yung lalaking pinanggigigilan mo noon. It's Yoon-oops, his name is CHOI JEONGHAN. My husband. My one true love. Now, you're not my loss, you lost me. Hindi ako bitter pero sana, sa susunod magtrabaho ka nalang para maiahon sa kahirapan 'yong anak mo, kesa kumakapit ka sa alam mong may pera para lang mabuhay kayo," napangiti si Jeonghan sa sinabi ng lalaki.

Sasampalin sana ni Sohee si Seungcheol ngunit pinili na ni Jeonghan na sumingit sa eksena. Pinigilan niya agad ang braso nito. "Hubby, kunin mo na si Seungjae at Sian. Umalis na tayo dito bago pa ko makapanakit ng linta," tinapunan niya ng masamang tingin si Sohee at hinigpitan ang hawak sa kamay nito. "Hindi kita pinapatulan noon, pero subukan mong lumapit sa asawa ko, dudurugin ko 'yang mukha mo," malakas niyang binitawan ang kamay nito. Tinalikuran niya ito at sinalubong naman siya ni Seungcheol na karga si Seungjae at Sian.

"Saan punta tayo?" niyakap ni Seungjae ang leeg ng Daddy niya. Kinuha naman ni Jeonghan si Sian para hindi mahirapan si Seungcheol.

"Sa mall nalang tayo, baby. Ang dami kasing pests dito sa park, baka makagat kayo ni Sian," pagpapaliwanag ni Seungcheol.

"A-akain Chian noodols," natawa ang mag-asawa sa bata na mukhang nagutom na sa kakalaro.

Pagpasok nila sa sasakyan ay pinunasan muna nila ang pawis ng dalawa, pinalitan ng diapers at damit. Nakatulog naman ito habang nasa byahe matapos kumanta paulit-ulit ng Barney songs.

Habang nasa stop light sila, inilapit ni Jeonghan ang labi niya sa tenga ni Seungcheol, "I love you."

"I love you too," hindi niya inaasahan na haharap ito at hahalikan siya sa labi. Kinagat nito ang labi niya.

Hindi pa sana sila maghihiwalay kung hindi nila narinig ang busina nang nasa likod na sasakyan. Natatawa silang naghiwalay at itinuloy na ni Seungcheol ang pagda-drive.

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon