Seungcheol
Winter naaaa. May excuse na ko para yakapin si Sohee ko. Hehehe.
Nakatayo ako sa labas ng bahay nila Sohee ngayon. Balak ko kasi siyang ayain na mag-date. Habang naghihintay, hindi ko maiwasan na isipin yung nangyari kahapon.
Nakauwi kaya ng maayos si Jeonghan?
Nagtext ako sa kanya pero hindi naman siya nag-reply.
Ibinalik ko yung tingin ko sa bahay nila Sohee. Dapat ata, tinext ko nalang siya. Magdadalawang oras na rin akong nandito.
Siguro tulog pa sya? Aish.
Nakita kong may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay nila Sohee. Sino naman 'to?
Biglang lumabas ng bahay si Sohee at patakbong lumapit sa lalaking lumabas mula sa sasakyan. Kapatid niya ba 'to? Pero wala naman siyang pinapakilala sakin. Niyakap siya ni Sohee kaya nag-decide nalang ako na umalis. May bisita siya kaya ayokong makigulo.
Nagseselos din ako.
***
Nasa bar ako ngayon, kasama ko si Hansol at Mingyu. Buti nalang at sila Gyu ang may-ari ng bar kaya pwede kami dito. Naikwento ko rin sa kanila yung nangyari kanina.
"Maybe its her cousin," comment ni Hansol sabay inom ng beer.
"Baka naman boyfriend niya?" Nagpanting yung tenga ko sa sinabi ni Gyu. Agad ko siyang kinwelyohan.
"Bawiin mo yung sinabi mo! Ako lang ang boyfriend ni Sohee!" Isinandal ko siya sa wall na malapit samin.
Hindi ako magagawang lokohin ni Sohee!
"Oy itigil niyo nga 'yan!" Hinihila ni Hansol yung kamay ko pero hindi ko binibitawan si Gyu.
"Chillax man! What if lang naman yung sinabi ko. Masyado kang sensitive!"
"Bawiin mo!" Hinigpitan ko pa yung hawak ko sa kwelyo niya.
"Okay. Okay. FINE! Hindi ka lolokohin niyang girlfriend mo!" Binitawan ko siya pero masama pa rin ang tingin ko kay Gyu. Umupo ako ulit at ininom yung whiskey sa baso ko. Nang hindi ako nakuntento, ininom ko na rin yon mula sa bote.
"Sila Seungkwan ba 'yon?" Napalingon kami ni Gyu sa itinuro ni Hansol.
Nasa gitna ng dance floor si Seungkwan at Jeonghan. "Pupuntahan ko lang sila,"
Wala nang nagawa yung dalawa nang ayain sila ni Hansol sa table namin. Doon lang namin nalaman na kasama din pala nila si Jihoon at Wonwoo.
"Ang tanga. Andyan naman pala yung totoong nagmamahal sa kanya..." hindi ko masyadong narinig yung sinabi ni Gyu dahil sa lakas ng music kaya tinanong ko siya. Hindi naman siya sumagot.
Nagkayayaan nalang kami ng kwentuhan. Gusto kong tanungin si Jeonghan sa kung anong nangyari sa kanya kahapon pero, hindi ko na itinuloy nung napansin kong medyo mas lasing na siya kesa sakin.
Hindi namin namalayan ang oras at napasarap na pala kami sa inuman at kwentuhan.
Pero hindi niya man lang ako naalala.
![](https://img.wattpad.com/cover/89422746-288-k428841.jpg)
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish