"Nawawala si Jeonghan hyung!"
-
Seungcheol
Ilang araw na ang lumipas at lagi akong nagkukulong sa kwarto, mag-i-isang linggo na rin simula noong hiniwalayan ako ni Sohee. Simula noong nalaman ko na buntis siya. Simula noong gumuho 'yong mundo ko. At simula noong nasaktan ko si Jeonghan.
Nakokonsensya ako. Sobra. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero nahihiya ako sa ginawa ko. Minahal niya ko pero hindi ko man lang napansin 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang awayin ko siya. Dinadamayan niya lang ako pero nagalit ako sa kanya. Malamang hindi agad ako mapapatawad n'on.
Pero si Jeonghan 'yon. Mahal niya ko kaya siguradong papatawarin niya rin ako.
"Hoy Cheol! Buksan mo 'tong pinto!" nagulat ako sa pagkatok ni Hyung. Agad akong bumangon para tanungin kung anong kailangan niya. "May package na nakapangalan sa'yo," inabot ko ang isang puting box. "Kapag chocolates, pahingi ako ha," napa-iling nalang ako sa kalokohan ng kapatid ko at sinaraduhan ito ng pinto.
Hindi naman kahina-hinala 'yung box at napakagaan. Umupo ako sa kama para buksan 'yon. May nakasulat na "To: Seungcheol" sa ibabaw ng takip at mga white confetti naman sa loob at isang wallet size na papel. Mali, hindi lang basta papel. Isang ultra-sound. Sa itaas noon ay may nakasulat na nagsasabing tatlong linggo na ang bata at may nakasulat pa sa ibabaw nito pero tinakpan ito gamit ang ink ng pentel pel. Sa likod ng ultrasound ay may nakasulat na "thanks" at wala ng iba. Sino namang magpapadala sa'kin nito?
Tinignan ko pa ng maigi ang lalagyan, maging ang mga confetti at nagbabakasakaling may hint kung sino ang nagpadala pero wala talaga.
Hindi kaya galing kay Sohee 'to?
Agad na nag-init ang dugo ko kaya itinapon ko ito sa basurahan sa loob ng kwarto ko. Kailangan pa ba talaga niyang ipamukha sa'kin na nabuntis siya ng iba?
Humiga nalang ako ulit sa kama ko at pinilit matulog. Naka-ilang ikot na ako pero hindi mawala sa isip ko 'yung ultrasound at si Jeonghan. Kailangan magkabati kaming dalawa. Kailangan kong bumawi. Mabilis akong bumangon at nagbihis. Napatingin akong muli sa basurahan kung nasaan ang ultrasound. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na kunin ito at isinilid sa wallet ko. Nagpaalam lang ako kay Hyung na aalis ako papunta sa bahay ni Jeonghan. Siguro nga, may purpose kung bakit dumating sa buhay ko si Jeonghan. May purpose kung bakit ko siya naging kaibigan.
Pagdating ko sa bahay niya, inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok sa pinto nila. Bumungad sakin si Chan na may gulo-gulong buhok at pagka-kita sakin nito ay sinarado niya ulit ang pinto. Siguradong nai-kwento na ni Jeonghan sa kanila ang nangyari. Hindi ko naman sila masisisi kung galit sila sa'king lahat. Kumatok ulit ako, paulit-ulit hanggang sa nakulitan na sa akin si Chan. "Ano ba?!"
"Gusto ko lang sana makausap si Hannie," nginitian ko ito.
"Wala! At kahit kailan, 'wag mo na asahan na mag-uusap pa kayo ulit! 'Wag ka na umasa na papayag akong lalapit ka sa Hyung ko!" galit na galit na sigaw nito. Ibinagsak niya ulit ng sara ang pinto nila, at siguradong sa pagkakataong ito ay hindi niya na 'yon bubuksan kahit na ano pang katok ko. Kasalanan ko 'to. Dapat lang maghirap ako.
Tumingin ako sa buong bahay nila. Inaasahan ko na may makikita akong Jeonghan pero kahit anino niya, wala. Ang tanga tanga ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/89422746-288-k428841.jpg)
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish