Seungcheol
"Saan tayo magla-lunch?" Masayang tanong ko kala Jihoon sabay akbay kay Jeonghan. Naramdaman kong nanigas si Jeonghan mula sa kinatatayuan niya.
"*coughs* may *coughs* umaasa *coughs*" lahat kami nakatingin sa umuubong si Seungkwan.
"Baka hindi na ubo yan, baka TB na 'yan Kwan," biro ni Gyu na nakatanggap naman ng suntok mula sa boyfriend ni Kwan na si Hansol.
"Labas nalang tayo ng school, dun tayo sa McDo!" Suggestion ni Soonyoung.
"O-oo nga. Namiss ko kumain ng chicken," ngumiti naman si Jeonghan.
"Tara na!" Sabay sabay kaming lumabas ng school para kumain.
Ganito ako kapag alam kong hindi papasok si Sohee at wala na naman akong kasama buong maghapon. Ang sabi niya kasi, may lakad sila ng pinsan niya. Pinsan niya daw yung nakita ko sa bahay nila, pero hindi niya pa kami pinapakilala sa isa't-isa. Nakakahiya nga at nagselos ako sa cousin-in-law ko. Hihihi.
Habang tumatagal na kasama ko yung mga kaibigan ni Jeonghan, nararamdaman ko na parang belong ako sa kanila. Natutuwa din ako na makita si Jeonghan na masaya kapag magkakasama kami.
Nang matapos kami kumain, tumambay muna kami sa school garden since vacant kaming lahat.
"Pauwi na nga pala si Jisoo," sabi ni Jihoon habang nakatingin sa phone niya. Lahat sila nagulat maliban sakin. Sino ba 'yon?
"Kailan daw siya uuwi?" Tanong ng katabi kong si Jeonghan. Halata yung excitement sa mukha niya.
"Next week," humiga naman si Jihoon sa hita ni Soonyoung.
"Agad-agad? May pasalubong ba siya?" Nakatanggap naman ng batok si Mingyu mula sa nananahimik na si Wonwoo.
"Teka.. sino ba 'yon? Chisoo? Shitzu? Ano?" Tinignan nila ako na parang tinubuan ako ng sampung ulo.
"Seryoso ka ba Cheol? Hindi mo kilala si Jisoo?" Tanong sakin ni Kwan na napatakip pa sa bibig niya at hindi makapaniwala.
"Hindi eh, sino ba 'yon?" Dapat ko bang makilala 'yon?
"Si Hong Jisoo yung pamangkin ng may-ari nitong school. Sobrang yaman niya, mah rice cooker sila," paliwanag ni Jeonghan. May rice cooker?
"Rice cooker? Eh di mayaman din pala kami kasi may rice cooker kami?" Tanong ko sabay harap kay Jeonghan.
OA na nagtakip siya ng mukha at yumakap kay Seokmin.
"H-Hindi ko na kinakaya 'to. Ikamamatay ko ata ito Seokmin, puro mayayaman yung nasa paligid natin," umarte pa siyang hihimatayin na sinakyan naman ni Seokmin at Seungkwan na biglang umiyak.
"Inay! Inay! Wag mo po kaming iwan!" Umiiyak na talaga si Seungkwan.
"Akala ko po ba, sabay nating hahanapin si Itay? Nahanap na natin siya Inay!" Iyak ni Seokmin at hinawakan yung kamay ko. "Ito na siya, Inay. Kasama ko na po si Tatay. Wag mo po kaming iwan," humagulgol ulit si Seokmin.
Napailing nalang yjng iba samin. Kakaiba talaga yung trip ng mga 'to.
Nagulat kami nung may lumipad na sapatos sa pwesto namin. "Itigil niyo na nga 'yan. Mukha kayong timang. May next class pa tayo," sabi ni Jihoon at tumayo. Kinuha naman ni Soonyoung yung sapatos at isinuot kay Jihoon. Under.
***
Matapos yung klase, nagmamadali na kong umalis. Dadaan ako sa bahay nila Sohee, may binili kasi akong chocolates para sa kanya.
"Oy Cheol! Nagmamadi ah?" Biro sakin ni Gyu. Nginitian ko lang siya at inayos na ulit yung gamit ko.
"Akala ko sabay kayo ni Jeonghan ngayon-" naputol yunh sasabihin ni Soonyoung nung nagsalita si Han.
"O-okay lang ako. Hehe. May lakad pa 'yan si Cheol. Kaya ko naman umuwi mag-isa," ngumiti pa samin si Jeonghan.
Ang ganda niya talaga ngumiti, parang anghel.
"Sige, mauuna na ko," paalam ko sa kanila at mabilis na umalis ng school. Tinakbo ko na yung daan papunta sa bahay nila Sohee. Excited akong makita yung girlfriend ko. Hehehe.
Pero pagdating ko doon, hindi ko inaasahan yung nakita ko.
Siguro nga totoo yung sinabi sakin ni Gyu noon.
Siguro nga kaya akong ipagpalit ng babaeng mahal ko.
Sa harap ko, kitang kita ng dalawang mata ko..
.
.
.
...si Sohee, kahalikan yung pinsan niya 'kuno'.
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish