Kinakabahan.
Iyan ang nararamdaman ni Jeonghan ngayon. Nasa loob siya ng isang hotel room sa Jeju. Anong meron sa araw na 'to? Ngayon lang naman ang kasal nila ni Seungcheol.
"Jihoon, Jisoo, anong gagawin ko? Paano kapag nagkamali ako?" nagpa-panic na siya lalo na ng malaman niya na maraming bisita at may ilan pang foreign reporters na mukhang pumunta ng kusa kahit na hindi imbitado.
"Kumalma ka nga. Masyado ka kasing nag-iisip. Kaya mo 'yan. Sigurado akong hindi ka mapapahiya," sabi ni Jisoo habang pinapatulog ang anak niya. Busy kasi si Seokmin kaya siya muna ang nagbantay sa anak.
"Hindi ko kayang magkamali! Hindi ako pwedeng magkamali! Mapapahiya si Seungcheol! Aaaaaaaaaah! Ano ng gagawin ko? Mababaliw na ata ako! Aaaaa-" nagulat siya ng bigla siyang itulak ni Jihoon at napaupo siya sa kama.
"Hoy! Kasal mo ngayon pero nalulusaw na 'yang make up mo kakagalaw mo. Ano naman kung magkamali ka? Pwede namang itama. Isa pa, tigil-tigilan mo na 'yang pag-iisip ng kung anu-ano kasi nalulukot na 'yung tuxedo mo," nag-flip lang ng buhok si Jihoon pagkatapos mag-sermon.
Natahimik naman si Jeonghan pero patuloy pa rin na nag-iisip. Napatingin siya sa salamin na malapit sa kama. Ang gwapo niya ngayon. Nakasuot siya ng white na tux na si Seungcheol mismo ang pumili at itim na tux naman ang suot nito. Napagka-sunduan nila na black and white ang susuotin nila sa kasal.
"Hyung?" sumilip mula sa pintuan si Chan. "Magsisimula na tayo."
"Aaaaaaaaaaaa! Hindi ko na alam yung gagawin ko," nagpanic lalo si Jeonghan kaya naman nakatikim siya ng sampal sa kaliwang pisngi galing kay Jihoon. Mabuti nalang at sanay siya sa pagiging brutal ni Jihoon.
"Kumalma ka!"
"Paano kapag nagkamali ako?!" agad naman siyang sinampal sa kanang pisngi ni Jihoon.
"Hindi ka magkakamali!" sigaw nito.
Naka-pout lang si Jeonghan habang naglalakad sila papunta sa garden ng hotel.
"Hayp ka Ji. Ang hapdi ng pisngi ko," tinitigan niya ng masama ang kaibigan.
"Okay lang 'yan. Natural blush, rosy cheeks ang dating," nauna itong maglakad na agad namang sumunod si Jeonghan. Si Jisoo naman ay nagpaalam na sa pupuntahan muna ang asawa.
"Baby, wag kang pasaway mamaya ha," hinaplos ni Jeonghan ang tyan niya na nagsisimula pa lang na lumaki.
"Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, crush mo lang siya. Tapos, nasasaktan ka niya, nagka-anak kayo, nagkahiwalay, nagkabalikan, ngayon magpapakasal na kayo at may extra baby pa," masayang tumingin sa kanya si Jihoon. "I'm happy for you."
Naluluha siya pero pinigilan niya dahil baka sampalin ulit siya nito. Niyakap niya ang kaibigan, "Salamat, Ji."
Hindi pa nakikita ni Jeonghan ang venue ng kasal kaya naman hindi na siya nagulat ng ilabas ni Jihoon ang blindfold.
"Yuko. Hindi kita abot," natawa siya sa sinabi ng kaibigan pero sinunod ito. "Ayan nalagyan na kita ng blindfold. Isasakay kita sa van para ipa-tokhang," natatawang biro nito.
"Loko."
Inalalayan siya ni Jihoon at habang palapit sila ng palapit ay unti-unti na ring naririnig ni Jeonghan ang music mula sa venue at ang preskong hangin.
"Dito ka lang ha," iniwan na siya ni Jihoon. Alam niyang iniwan lang siya ni Jihoon malapit sa entourage dahil hindi niya masyadong nararamdaman ang kilos ng nasa paligid niya pero naririnig niya pa rin ng malinaw ang music.
Humina ang musika kasunod ng pagsasalita ng host sa kasal nila na si Seokmin.
"And now, let's all welcome our soon-to-be Choi, Mr. Yoon Jeonghan," nang marinig ni Jeonghan ang palakpakan ng mga tao ay inalis niya ang blindfold niya at umikot para harapin sila. Hindi siya makapaniwala sa ganda ng ayos ng kasal nila. Malapit na malapit lang ito sa dagat.
Hindi mapigilan ni Jeonghan na ngumiti lalo na nang magtama ang mata nila ni Seungcheol. Ang gwapo nito sa suot na itim na tux habang nakangiti sa kanya at maluha-luha. Natatawa siya sa ayos ng fiance na hindi mapigilan ang pagkunot ng noo dahil sa pagpigil ng iyak. Alam niyang masaya ito kaya naluluha.
Nagbago ang kanta at nagsimula na rin maglakad si Jeonghan. Parang panaginip na naka-abot sila sa ganito. Ang sarap sa pakiramdam niya na sa wakas ay sila na ngang dalawa. Nang malapit na siya ay kinuha ni Seungcheol ang kamay niya at hinalikan ito bago siya inalalayan sa altar.
Nagsimula ang kasal at parang ihip lang ng hangin ang lahat dahil oras na para magpalitan sila ng wedding vows.
"Hannie ko, Wifey, nagpapasalamat ako kasi tinanggap mo ako kahit na may mga nagawa akong mali sayo noon. Nagpapasalamat ako sa Kanya na ikaw ang ibinigay niya sakin. Salamat sa pagbibigay sakin ng masayang pamilya. Hindi man ako perpektong ama pero gagawin ko ang lahat para maging the best na Daddy at asawa. Hindi ako perpektong tao pero andyan ka para tulungan ako sa lahat ng pagkukulang ko. Salamat sa lahat, Hannie ko. Andito lang ako para sa pamilya natin. Asahan mo na sasamahan kita at dadamayan lagi sa saya at lungkot, sa hirap at ginhawa hanggang sa bawiin Niya ang buhay na pinahiram Niya sakin," tumulo ang luha ni Jeonghan habang sinusuot sa kanya ni Seungcheol ang wedding ring nila.
"Cheolli ko, Hubby, salamat kasi minahal mo ko. Akala ko hindi na mangyayari 'to. Akala ko pangarap na lang lahat ng ito. Salamat sa pagiging mabait sa anak natin. Salamat sa pagpaparamdam sakin na andyan ka palagi. Salamat sa suporta mo sakin at sa anak natin. Salamat ng marami. Andito rin ako para sayo sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa hanggang sa dumating ang araw na babawiin Niya ang buhay na ipinahiram sakin," kinuha niya ang kamay ni Seungcheol at isinuot at singsing dito.
May ilan pang sinabi ang pari ngunit halos hindi na nila ito maintindihan dahil nalunod na sila pagmamahal para sa isa't-isa. Ang naintindihan na lang nila ay "You may now kiss your Husband" at agad na inilapit ni Seungcheol ang labi niya sa asawa.
Napuno ng sigawan at malakas na palakpakan ang venue. Masaya ang lahat. At mula dito, sabay na nilang haharapin lahat ng problema at magsasama ng masaya.
___
Zad: fyi lang po, legal na ang same-sex marriage sa ibang bansa pero wala pa sa South Korea pero let's assume na lang na legal.
And that's it! Salamat sa pagbabasa ng Nine Months. Pasensya na sa mahabang paghihintay. Alam kong medyo bitin pero kailangan na talaga natin magpaalam sa kwento na 'to. Yieeeee chareut. Tapos na pero hindi ibig sabihin na walang special chapters. Maglalagay ako ng konting special chapters or konting scenarios lang kung anong nangyayari sa bahay ng mga Choi. Ays ba mga par? Hahahaha.
Pwede niyo po akong kausapin sa facebook (Zadkíel Yoon) or sa twitter (@zadkielyoon), kayo na bahala kung ifa-follow niyo ko. Kausapin at tulungan niyo ko kung anong story ang magandang kasunod nito. Seventeen family with CheolHan as parents? Seventeen Dorm Scenarios? Another Seventeen au? Kayo bahala at pag-usapan natin 'yan.
Salamat ulit sa pagbabasa ng Nine Months!
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish
