Diary,
Nag-volunteer ako sa back office ng school kanina at inutusan nila ako na i-review yung ibang cctv videos sa campus, ilalagay kasi sa magkaibang usb yung mga importanteng videos tulad ng kuha ng mga nag-aaway sa campus at videos ng mga normal na araw.
Para akong nanonood ng drama. Kitang kita ko yung mga araw na ang sweet sweet ko pa kay Sohee at ang mga araw na pilit kong iniiwasan si Jeonghan. Napunta ako sa cctv footage ng araw ng birthday ko. Habang pinapanood ko yung video sa locker room, parang may pumipiga sa puso ko at nagbubuhos ng malamig na tubig sakin.
Si Jeonghan. Si Jeonghan ang gumawa ng cake na kinain ko. Si Jeonghan ang totoong nakaalala sa birthday ko. Si Jeonghan na inaayawan ko noon. Hindi ko napigilan ang buhos ng luha ko.
Sa mga sumunod na video clips, hindi na mukha ni Sohee ang hinahanap ko. Paulit-ulit kong pinapanood ang mga videos na andoon si Jeonghan. Tumatawa, nakikipagkwentuhan, natutulog sa cafeteria, nakahiga sa garden, at umiiyak dahil sakin. Sobrang na-appreciate ko ngayon 'yung pagmamahal niya sakin na sinayang ko lang. Sana maibalik ko yung oras na kasama ko pa siya.
-Seungcheol
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
Fiksi PenggemarRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish
