Ilang linggo na ang lumipas. Jeonghan tried not to think about him. Pero nasasaktan pa rin siya.
Himala dahil nagkaroon ng dalawang linggong bakasyon ang school nila. Kasalukuyang nasa bahay ngayon si Jeonghan at nakahiga sa couch habang kumakain ng strawberries. Mula magising siya ito lang ang naisip niyang gawin.
"Hyuuuuuuuunnnggg, ilipat mo naman yang channel! Kanina ka pa nanonood ng cartoons eh! Ilipat mo naman sa movies, balita ko titanic yung palabas ngayon sa hbo," pagmamaktol ni Chan na nasa kusina. "Kanina ka pa rin hindi kumakain."
"May strawberries ako," tamad na sagot ni Jeonghan. Hindi niya pa rin nililipat ang channel.
Bakit ang tanga tanga naman ni Johnny Bravo? Parang siya. Tss.
Patuloy lang sa panonood si Jeonghan. Tapos na kumain si Chan at umakyat sa kwarto niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba ito.
"Hyung, pupunta lang ako kay Soonyoung hyung, maglalaro lang kami. Andon din si Jihoon hyung at yung pinsan niyang si Rocky. Alis muna ako," pagpapaalam nito.
"Hmm.. Ingaaaaaat," nag-flying kiss pa si Jeonghan sa nakababata na agad nitong iniwasan.
Nang makaalis ito, ibinalik ni Jeonghan ang atensyon niya sa tv. Pilit pa rin niyang ibinabaling ang isip niya sa ibang bagay. Minsan nanonood siya ng iba't-ibang cartoons o anime. Natapos niya na nga ang first season ng One Punch Man at Bleach, nabwisit na rin siya sa tawa ni Spongebob, paano niya nagawang maging ganon kasaya? At napanood na rin niya halos lahat ng episode ng reality show na Hello Baby.
Lahat ginagawa niya para malimutan siya. Pero sa gabi, bago siya matulog, tuloy tuloy na tumutulo ang luha niya lalo na kapag naaalala niya ang nangyari sa kanila, dalawang linggo na ang nakakaraan.
Masakit. Masakit pa rin para sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Inabot na ng dilim pero hindi pa umuuwi si Chan. Napasarap ata ang laro sa bahay ng kaibigan. Kumain nalang si Jeonghan ng ramen dahil sa katamaran niyang magluto.
Nag-iisip si Jeonghan kung anong pwede niyang gawin bukas para hindi naman siya magmukhang tamad.
"Eh kung mag-bake kaya ako ng cupcakes tapos ibenta ko online?"
"Aish. Nakakatamad 'yun. Magdedeliver pa ko."
"Eh kung manood kaya ako ng We Got Married bukas?"
"Aaaahhh! Wag mong tatangkain. Mabibitter ka lang Yoon Jeonghan."
"Eh kung matulog nalang ako bukas?"
"Much better. Tama tama. Matutulog nalang ako bukas—"
Nabalik sa sariling isip si Jeonghan nang may marinig siyang katok sa pintuan. May naiwan ba si Chan? Pero hindi naman kakatok 'yun. Baka naman naisip na niyang umuwi? Imposible. Baka nga may naiwan.
Tamad na lumapit si Jeonghan sa pintuan, handa na pagalitan ang nakababata dahil mukhang naiwan na naman ang sariling susi.
"Chan, bakit mo—"
"Hannie..."
Nagulat si Jeonghan sa bumungad sa kanya. Isang Seungcheol na may magulong buhok. Bukas ang unang tatlong butones ng gusot na damit nito.
"C-Cheol! Ano bang nangyari sayo?" agad niya itong hinila papasok sa bahay.
Biglang kinalimutan ni Jeonghan lahat ng masasakit na nangyari para lamang tulungan ang nakatatanda. Dinala niya ito sa kwarto niya at pinahiga. Kumuha siya ng maliit na bowl na may tubig at bimpo. Dahan-dahan niyang inalis ang pangtaas ni Seungcheol para punasan ito.
"Ano bang ginawa mo? Teka," inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito para amoyin. "Lasing ka ba? Hoy Choi, wag ka ngang inom ng inom tapos kung kani-kaninong bahay ka lang pupunta! Paano kapag napunta ka sa masamang—" hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya dahil hinili na siya nito para halikan.
Pinilit niyang pigilan ito pero nadala pa rin siya sa mga halik ni Seungcheol. Kaya't sa huli, naulit na naman ang pag-iisa ng kanilang katawan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Matapos ang lahat ay nakatulog agad si Seungcheol. Hindi na alam ni Jeonghan kung nakauwi na ba si Dino o pinili na lamang na matulog sa bahay ng kaibigan. Hindi niya na rin iniisip kung anong gagawin niya bukas. Ang alam niya lang ay mahal niya pa rin ang lalaking katabi at mahihirapan siyang iahon ang sarili sa pagkalunod niya dito.
"Bakit hindi pwedeng ako nalang?"
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish