Seungcheol
Ilang araw na kong absent. Wala akong ganang pumasok. Pinatay ko rin yung phone ko para walang istorbo. Alam kong magtetext yung mga kaibigan ko.
Nasa kwarto lang ako ngayon at umiinom ulit. Alam nila Mommy na may dinaramdam ako kaya hindi nila ako pinigilan. Nasa tamang edad na raw ako kaya alam ko na ang tama at mali.
"Oy Cheol," kumatok si Kuya sa pinto bago 'yon binuksan. "Andyan yung tropa mong si Junjun Binay, hinahanap ka," pasarado na yung pinto nung buksan niya ulit at silipin ako. "Nasaan na nga pala yung kaibigan mo na long hair? Yung chicks?" Si Jeonghan?
"Wala. Busy mag-aral 'yon, umalis ka na nga," binato ko siya ng unan na nailagan niya naman. Dinampot niya ulit yon paa ibato sakin bago isinara ng tuluyan ang pinto.
Oo nga pala, kamusta kaya 'yun si Jeonghan? Hindi ko siya nasabayan pauwi. Takot kasi siyang umuwi minsan dahil sa dami ng tambay sa lugar nila.
Hindi na ko nag-abala na tignan yung mukha ko at agad na bumaba. Nakita ko si Mingyu na nakaupo sa couch habang kumakain ng cookies ni Mommy.
"Anong ginagawa mo dito?" Umupo ako sa tabi niya.
"Wala naman *munch* makikibalita lang. *munch* Nung isang araw ka pa wala eh," kain siya ng kain. Mabulunan sana 'tong lokong 'to.
"Okay lang ako. Wala lang akong ganang pumasok," isinandal ko yung sarili ko sa couch at tumitig sa tv. Bakit spongebob na naman yung palabas? Tss.
"Halata nga. Wala ka ring pake sa text at tawag namin eh," inisang inom niya lang yung baso ng juice na nasa harap niya.
"Ano bang meron? Wala naman sigurong importanteng nangyari," nag-focus nalang ako sa palabas kahit na naiinis ako ngayon kay Spongebob.
"Uleul. Di mo ba alam? Sabagay, outdated ka na talaga. High-blood si Jihoon sayo ngayon!" Pinalo pa ni Gyu yung balikat ko.
"Bakit? Ano bang ginawa ko?" As far as I know, wala naman akong ginawang masama.
"Hindi mo daw sinabayan si Jeonghan nung isang araw,"
"So what? Makakauwi naman siya mag-isa. Malaki na yung tao," walang ganang sagot ko.
"Gague ba u? Alam mo bang na-ospital siya?"
Parang bigla akong binuhusan ng tubig.
"A-ano? Bakit? A-anong nangyari sa kanya?"
"Pag-uwi daw ni Jeonghan, maraming nag-iinuman sa kanto. Napagkamalan siyang babae, pinigilan niya naman daw eh. Sinubukan niya pang tumakbo, nung nahuli siya nang mga lasing, sinabi niya na lalaki siya. Akala ata bakla siya. Binugbog daw siya nung mga lasing, nakita nalang siya ni Jihoon sa harap ng bahay na puro dugo," bigla akong nakonsensya. Dapat sinamahan ko siya. Dapat hinatid ko muna siya.
"N-nasaan si Han?"
"Nasa ospital pa. Bukas daw makakalabas na siya,"
"Puntahan natin siya-"
"Tapos ganyan yung ayos mo? Magpalit ka nga ng damit mo, mali, maligo ka nga don. Butas pa yung short mo," iiling iling na sabi niya.
Bumalik agad ako sa kwarto at naligo.
Kailangan ko makita si Jeonghan. Dahil sakin napahamak pa siya.
Hindi ko alam kung bakit pero nalilito ako sa dapat kong suotin. Naka-ilang palit ako ng damit bago natahimik sa isang polo at ripped jeans. Nagpabango din ako at nag-wax ng buhok. Nakailang ayos din ako ng buhok. Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok nung kumatok si Gyu.
"Aalis pa ba tayo o ano? Mahigit isang oras ka na dyan."
Nag-huling spray pa ko ng pabango sa sarili ko bago umalis ng bahay kasama si Gyu.
Nasa bus stop na kami pero parang ang tagal ata ng mga bus ngayon? Hindi naman traffic.
"Mag-taxi na tayo," pinara ko yung taxi at agad na sumakay.
"Sa **** Hospital po tayo," bilin ni Gyu.
Kada titingin sakin si Gyu, napapansin kong nagpipigil siya ng tawa. Hindi ko na napigilan kaya nagtanong na ko.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi naman. Talo mo pa yung-"
"Manong, saglit, pakitigil dyan sa tabi, may bibilhin lang po ako," pinutol ko yung sasabihin ni Gyu.
Bumaba agad ako sa nakita kong flower shop. Ano kayang bulaklak ang gusto ni Jeonghan? Rose o tulips? Roses ang gusto ni Sohee pero feeling ko magkaiba sila ng gusto ni Jeonghan. Sa huli, napagdesisyonan kong isang bouquet nalang ng tulips at white and pink roses ang bilhin. Bumalik agad ako sa taxi pagkakuha ko ng mga bulaklak.
"Pfft."
"Bakit? Ano bang nakakatawa?"
"Dadalaw ka ba talaga sa ospital, o aakyat ka ng ligaw? Shet. Cheol, hindi ka ganon katagal maligo at mag-ayos dati kapag may date kayo nj Sohee," napatingin ako kay Gyu. Ngayon ko lang rin naisip 'yon. "Isa pa, you didn't even bought a bouquet of mixed flowers for your girlfriend on your first date."
Hindi ko nalang siya pinansin kahit na napaisip din ako don.
Pagdating namin sa ospital, halos hilahin ko na pataas yung elevator para lang makarating agad sa floor ng tinutuluyang kwarto ni Jeonghan. Nang nasa harap na kami ng kwarto, saka lang bumalik yung kaba ko. Ang laki ng kasalanan ko dun sa tao. Baka habulin ako ni Jihoon ng gitara.
Binuksan ni Gyu ang pinto at unang tumambad samin ay si Chan na nagpapakain kay Jeonghan. Parehong may benda yung braso niya, puro sugat at pasa din siya.
"Oh hyung! Kayo pala 'yan," nakangiting bati samin ni Chan. Nginitian ko lang siya.
Dahan-dahang lumingon samin si Han.
Ang ganda niya pa rin.
"H-Han, para nga pala sayo," ipinatong ko sa lap niya yung mga bulaklak.
"S-salamat," ngumiti lang siya sakin at yumuko.
"Ahm. Cheol, ikaw nalang kaya magpakain kay Jeonghan? Kakain lang kami sa labas ni Chan, mukhang hindi pa nagtatanghalian 'tong bata na 'to eh," sabi ni Gyu sabay akbay kay Chan.
"Pero-"
Kinuha naman ni Gyu yung hawak na bowl ng lugaw ni Chan at inabot sakin sabay hila sa nakababata. "Alis na kami," ni-lock pa niya yung pinto.
Itinuloy ko yung pagpapakain kay Jeonghan. Ilang beses niyang sinubukan na pigilan ako at inayawan ang pagkain pero di ko siya sinukuan. Kahit dito man lang, makabawi ako.
"J-Jeonghan, sorry nga pala," pagsisimula ko.
"A-ano ka ba. O-okay lang 'yon. Isa pa, malaki na ko. D-dapat hindi na ko nagpapasama pa sayo," yumuko siya.
"Pero kasi dapat sinama-"
"Cheol, g-girlfriend mo 'yung pinuntahan mo. Mas priority mo dapat siya kesa sakin. O-okay lang 'yon," pagputol niya sakin.
Tumango lang ako at nakipagkwentuhan sa kanya. Nai-kwento niya rin kung ano ang nangyari sa kanya. Pinipilit daw siya na painumin ng mga lasing at hinipuan siya sa likod kaya naman tumakbo siya. Hindi niya na daw kayang iuwi ang sarili niya at nawalan nalang siya ng malay.
"Wala eh. Mahina talaga ako," natatawang sabi niya. Nagi-guilty na naman ako.
"Sorry talaga, Han."
"Tama na. Puro ka naman sorry eh, di naman big deal 'to,"
"Pero pano kung-"
"Shh. Tama na," natatawang sabi niya. "Ikaw nalang mag-uwi sakin bukas. Wala kasi si Jihoon, ipapakilala ata siya ni Soonyoung sa pamilya niya."
Sumang-ayon ako at nakipag kwentuhan ulit sa kanya.
Napuno ng tawanan at kulitan namin yung buong hospital room.
Ang saya talaga kapag kasama ko siya.
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish