(NRRTV) 08/13/20**

817 23 2
                                    

JEONGHAN


"Aaaahh! Sa wakas!" Nag-inat si Seungcheol sa harap ko. Shet yung biceps beh. Yung laway ko beh. Tapos na namin yung pangalawang project namin.


"Seungcheol, hindi na ko magtatagal. Uuwi na rin ako, wala kasing kasama si Chan sa bahay." Tapang tapangan lang naman yung batang 'yun. Eh kahit ipis nga lang umiiyak na 'yon. Sayang gusto ko pa naman magstay para maka-kwentuhan si Seungcheol. Pansin ko kasi, nitong mga nakaraang araw medyo bumabait na siya sakin. Kinakausap niya na nga ako sa school eh. Kaso puro "Oo", "Hindi", "Siguro", "Baka", "Ewan" yung mga sagot niya. Saya di ba?


"Ah sige. Ihahatid nalang kita pauwi sa inyo. Delikado na sa labas kasi medyo madilim na," tumango nalang ako. Shemay bes! Ihahatid ako ni Fafa Cheol ♡ ahe~




Habang naglalakad kami pauwi, may nadaanan kaming tindahan na may binebentang ice cream. Agad namang bumili si Seungcheol ng dalawang ice cream.


"Sayo 'to," inabot niya sakin yung strawberry flavored ice cream. "Pasensya ka na ha. Hindi ko pala natanong kung anong flavor ang gusto mo," napakamot siya sa batok niya. Ang cute.


"Okay lang. Mahilig naman ako sa strawberry," medyo nagulat siya sa sinabi ko at napangiti.


"Pareho pala tayo," pagkatapos n'on tahimik na ulit kami. "Jeonghan," medyo nagulat ako sa kanya. Bigla bigla ba namang nagsasalita. "M-medyo nagmamadali ka ba talaga?"


"H-ha? Bakit?" Itinapon ko yung balot ng ice cream sa nadaanan naming basurahan.


"Gusto sana kitang makausap," hala? Aamin na ba sya? Na ako talaga yung mahal niya? Eeeeeeeh XD.


"Ah sige ite-text ko nalang si Cha---"


"Sige na. Wag nalang. Baka kasi nagmamadali ka. Ihahatid na kita," medyo napakamot siya sa ulo niya.


"Okay lang. Ite-text ko nalang si Chan na doon muna siya sa bahay ni Soonyoung, kapitbahay lang naman namin 'yon. Daanan nalang natin siya pag-uwi ko," kinuha ko agad yung phone ko para i-text si Chan. Nagreply naman agad siya na papunta siya sa bahay ni Soonyoung dahil may bagong video games na binili ang binata.


"Sa park nalang tayo mag-usap," sumunod ako sa kanya. Medyo malapit lang naman 'to sa bahay ko. Pagdating namin sa Park, umupo kami sa swing.


"Gusto ko nga palang mag-sorry," nagtatakang tumingin ako sa kanya.


"B-bakit ka naman nagso-sorry?" Tumingin siya sa mga mata ko. Ay shemay. Bes! Ang sarap matunaw bes!


"Alam ko naman kasi na minsan ang cold ko sayo," yumuko siya at tumingala ulit sa langit. "Medyo naiilang kasi ako lalo na nung nalaman kong may gusto ka sakin.."


"Ah 'yun ba. Wag mo na isipin 'yon," ngumiti nalang ako sa kanya.


"Sana..












...kalimutan mo na yung nararamdaman mo para sakin. At maging mabuting magkaibigan nalang tayo."


***

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon