"Jeonghan..." unti-unting nag-sink in kay Seungcheol ang pangyayari. 'Yung batang si Seungjae, Papa niya si Jeonghan. Anak niya si Seungjae.
Hindi na panaginip 'to di ba?
Parang natauhan naman si Jeonghan at agad na lumapit para kunin ang anak niya. "Baby, pasok ka mu—" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil pagkalapit niya ay hinila siya ni Seungcheol para yakapin.
"Hindi na panaginip 'to di ba? Ikaw talaga 'to di ba? Sabihin mong totoo 'to. Kasi kung panaginip lang ang lahat, ayoko na gumising pa," naramdaman ni Jeonghan ang pagkabasa ng balikat niya.
Itinaas ni Jeonghan ang kamay niya papunta sa likod ng ulo ni Seungcheol and he gently rub it. "Seungcheol.."
"A-ang tagal kitang hinintay. Ang tagal kong naghintay. Araw-araw umiiyak ako dahil sa mga nagawa ko. Araw-araw umiiyak ako kasi naiisip ko kung ano nang nangyari sa inyo ng anak natin. Araw-araw akong nagsisisi at umaasa na makita kayo ulit para makabawi ako sa mga nagawa ko," patuloy na umiiyak ito.
"Cheol—"
"Ilang beses kong hiniling na makasama kayo. Ilang beses akong nagdasal na makita ka ulit," lumayo si Seungcheol at hinawakan ang mukha ni Jeonghan. "Kasi gusto kong sabihin sayo kung gaano kita kamahal at nagsisisi ako na hindi ko 'yon na-realize ng mas maaga. Andito ka na, hindi na ko aalis, hindi ko na kayo iiwan."
"Seungcheol," tumulo ang mga luha na pinipigilan ni Jeonghan. Panaginip ba 'to? Sinasabi niya lahat ng bagay na gusto kong marinig mula sa kanya. Napatunayan ni Jeonghan na totoo ang lahat nang halikan siya nito na agad namang naputol.
"away! Ipit niyo Thunjae!" pinaglayo sila ng anak nila. "Wag mo kith Papa ko! Thunjae lang kith Papa!" pinalo nito ang hita ni Seungcheol bago yumakap sa legs ni Jeonghan. Natawa na lang sila sa inasal ng anak.
Umupo si Jeonghan para makapantay si Seungjae. "Baby, naalala mo 'yong sinabi ko sayo kung nasaan si Daddy?" inayos ni Jeonghan ang gulo gulong buhok ng anak. Nakatanggap lang siya ng tango mula dito. "Nasaan nga si Daddy?"
"Natha mayayong lugar. Nag-work," nakatingin ito sa mga naglalarong paa niya habang nakakahawak sa damit ni Jeonghan.
"Well, andito na si Daddy. Na-miss niya kasi si Seungjae," agad naman na lumiwanag ang mukha ng anak.
"Athan thi Daddy?" tumingin si Jeonghan kay Seungcheol at naintindihan naman ito ng bata. Lumapit ito kay Seungcheol at kinurot ang braso nito. "Ikaw Daddy?" tanong nito.
Naiiyak pa rin si Seungcheol pero sinagot nito ang anak. "Oo, baby. Ako ang Daddy mo," niyakap niya ito at hinalikan sa noo.
Ngumisi ang bata. "Pogi Thungjae," ginaya nito ang pogi sign na ginawa ni Seungcheol noong umaga.
Hinalikan niya muli sa noo ang anak. "Opo, mas pogi ka pa kay Daddy."
Napangiti si Jeonghan sa mag-ama. Bakit pa nga ba niya patatagalin? Wala naman siya sa libro para gayahin ang ibang bida at magdrama pa bago makipagbati. Ang mahalaga nandito na siya, nandito na si Seungcheol.
Kumpleto na sila.
—
Malapit naaaaa!
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish