JEONGHAN
Dahil wala akong magawa sa bahay, nandito ako ngayon sa park at naglalakad lakad. Wala rin kasi sa bahay si Chan dahil may lakad sila ng kaibigan niyang si Johnny.
"Jeonghan?" Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Si Seungcheol.
"C-cheol.." ang gwapo niya ngayon sa suot niyang peach-colored na shirt at specs. Blonde na rin ang buhok niya.
"Mag-isa ka ata?" Lumakad siya palapit sakin at inilapat ang palad niya sa pisngi ko.
Shit.
Natulala ako.
Paang tumigil yung mundo ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang nakangiti siya sakin. Biglang napunta sa likod ng tenga ko yung kamay niya.
"Tadaaa!" Ipinakita niya sakin yung kamay niya na may pulang rosas na ngayon. "Iyo na 'yan. Mukhang malungkot ka eh," inilagay niya 'yon sa kamay ko.
Hindi ko mapigilan na mapangiti. Nakangiti lang ako habang nakahawak sa may rosas.
Isa na siguro 'to sa pinakamagandang araw ng buhay ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Sinabi ko nalang kung ano yung unang pumasok sa isip ko. "S-salama--"
"CHEOL!" Sabay kaming napatingin sa babaeng papunta samin. Si Sohee.
"Hi baby," niyakap siya ni Seungcheol sa mismong harap ko. Napahigpit yung hawak ko sa bulaklak.
"A-aray," sa harap ko pa talaga sila nagharutan.
"A-ah! Jeonghan, yung kamay mo!" Parang biglang bumalik sa katawan ko yung utak ko at napatingin ako sa aking mga kamay. May dugo.
Dahan-dahan kong ibinuka yung mga kamay ko. May mga tinik pa pala yung rosas. Parang nabingi ako. Wala akong marinig sa paligid ko.
"J-Jeonghan? Jeonghan?! Jeonghan, namumutla ka! Jeonghan!" Sino yung tumatawag sakin? May dugo yung mga kamay ko.
___
Nagising nalang ako sa sarili kong kwarto. Anong oras na ba? Mukhang mahaba haba akong nakatulog. Ang pangit pa ng panaginip ko.
Hahawiin ko na sana yung kurtina para sumilip sa labas ng bintana nang sumakit ang mga palad ko.
Eh? Kailan pa ko nagka-benda sa kamay?
"Buti naman gising ka na." Napatingin ako sa bagong pasok sa kwarto ko na si Uji.
"A-anong nangyari? Bakit may benda ako sa kamay?" Tanong ko sa kanya.
Ipinatong niya muna sa bedside table yung dala niyang pagkain bago lumapit at umupo sa kama ko.
"Hindi mo ba talaga maalala?" Nagtataka niyang tanong. Umiling naman ako bilang sagot. "Umuwi ka lang naman na lutang. Pagdating mo dito, dumudugo na yung kamay mo habang nakahawak sa isang rosas."
Hindi 'yon panaginip?
"N-nasaan yung rosas?" Itinuro ni Woozi yung study table ko. Andoon nga. Hindi ko lang napansin nung nagising ako.
"Kumain ka na. Tinakot mo kami ni Chan. Iwan mo nalang 'yan dyan kapag natapos ka na. Kukunin ko nalang 'yan bukas ng umaga." Tumalikod na si Uji sakin.
"Ji,"
"Hmm?"
"Salamat," tumawa lang siya at lumabas na.
Ano ba 'tong nangyari sakin? Ngayon lang 'to ah.
Hindi naman ako takot sa dugo noon. Aish.
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish