9

1.1K 15 16
                                    

Maagang nagising si Jeonghan. Medyo nahihirapan pero nawala lahat ng nararamdaman niya at napalitan ng saya ng makita ang singsing sa kanya niya. Napunta ang tingin ni Jeonghan sa lalaking nakayakap sa kanya ngayon. Hindi mapigilan ni Jeonghan na kiligin sa nangyari kagabi. Hindi niya inaasahan. Wala siyang clue. Parang panaginip ang lahat. Ayaw niya na magising sa magandang panaginip na 'to.

Hinalikan niya muna si Seungcheol sa labi bago dahan-dahan na bumangon at naghanap ng maisusuot. Napangiti si Jeonghan nang makita nito ang pang-itaas na suot ni Seungcheol kagabi, ito na rin ang pinili niyang suotin bago pumunta sa kusina nito. Gusto sana ni Jeonghan na maghanda ng special na breakfast para sa kanila pero tanging ilang pirasong itlog, bacon, bulok na kamatis at pancake mix lang ang laman ng fridge ni Seungcheol. Hindi naman niya masisisi ito dahil madalas na nasa unit nila ito at doon na kumakain at natutulog. Parang hindi na nga ito umuuwi sa sariling unit.

Pinili na lang ni Jeonghan na magluto ng scrambled eggs, pancake at bacon. Knowing Cheol, malakas itong kumain. Hinanda niya na rin ang kape nito.

——

Ginising si Seungcheol ng mabangong amoy ng pagkain. Nakapikit man siya ngunit mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya ng maalaa ang nangyari noong gabi. Agad siyang bumaling sa kanan niya para yakapin si Jeonghan. Nakailang kapa pa siya bago iminulat ang kanyang mata. Wala na ito sa tabi niya.

"Jeonghan?" agad siyang napabangon.

Natatakot siya.

Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat at wala na naman si Jeonghan sa tabi niya. Ganito siya kada umaga lalo na kapag hindi niya nakikita ang nakababata. Ito ang dahilan kung bakit lagi siyang natutulog sa unit nito. Para pagka-gising niya ay mapapatunayan niyang totoo ang lahat. Na kasama niya ang mag-ina niya.

Mabilis na bumangon si Seungcheol at hinanap si Jeonghan sa buong unit niya. Naabutan niya ito na nagluluto sa kusina niya. Busy ito sa pagluluto ng scrambled eggs na hugis puso.

Pakiramdam ni Seungcheol ay uminit ang paligid nang makita niya ang suot ni Jeonghan. Suot kasi nito ang damit niya. Mas malaki ang katawan ni Seungcheol kaya naman halos hanggang tuhod na ito ni Jeonghan. Pero hindi ito ang nagpapainit sa kanya, bukod kasi sa nasabing damit ay walang ibang suot si Jeonghan. Alam agad ni Seungcheol na wala itong suot kahit na panloob. Hindi niya napigilan na lapitan si Jeonghan.

Pagkapatay ni Jeonghan sa lutuan ay agad niyang naramdaman ang mga braso na yumakap sa kanya at ang ulo ni Seungcheol na ngayon ay nasa leeg niya. "Cheol.."

"Bakit hindi ka pa nagdadamit?" tanong nito habang patuloy na inaamoy ang leeg ni Jeonghan.

"Nakadamit naman ako," pinabayaan niya itong dumikit sa kanya habang nililipat niya ang niluto sa isang plato.

"You know what I mean," muntik na mabitawan ni Jeonghan ang hawak niya ng biglang idikit nito ang pagkalalaki niya sa puwetan ni Jeonghan.

"Cheol!"

"What?" naramdaman niyang unti-unti siya nitong hinahalikan sa leeg.

"Tumigil ka," kinurot niya ito sa braso para humiwalay at dalhin ang niluto sa hapag. Doon niya lang rin napansin na walang suot ang fiance niya. "Magdamit ka nga."

"Ayaw," nag-pout pa sa kanya si Seungcheol.

"Isa—"

"Isa, dalawa, tatlo, si Seungcheol mahal mo. Yieeeeee~" binigyan siya nito ng malaking ngiti.

"Heh. Mag-damit ka nga!"

"Ayaw."

"Cheol naman eh," gusto na siyang batukan ni Jeonghan. Umiiral na naman kasi ang pagiging makulit ni Seungcheol.

"Damitan mo ko," nag-pout ulit ito. Nagpapa-cute sa kanya.

Bumuntong-hininga nalang si Jeonghan at tumayo pabalik sa kwarto ni Seungcheol. Akala nito ay iniwan na siya ni Jeonghan ngunit bigla itong bumalik at may dalang damit.

"Magdamit ka na," ipinatong nito ang dala sa katabing upuan ni Seungcheol bago umupo sa kabilang side niya.

"Mamaya nalang, Hannie ko. Nagugutom ako hehehehe," kumuha agad si Seungcheol ng pancake at kumain. Pinabayaan nalang siya ni Jeonghan dahil gutom na rin siya.

Tahimik silang kumain. Napaka-komportableng katahimikan. Paminsan-minsan ay pinupunasan ni Jeonghan ang mukha ni Seungcheol dahil ang kalat nitong kumain at dinadagdagan ang pagkain nito.

"Mag-grocery tayo mamaya," ito agad ang sinabi ni Jeonghan pagkatapos niya kumain. "Walang ka-laman laman 'yung ref mo."

"Doon naman ako natutulog sa unit niyo ni Seungjae eh," pagdadahilan niya.

"Kahit na. Paano kapag wala kami? Saan ka kakain?" pagsagot niya dito.

"Bakit? Mawawala ba kayo? Iiwan niyo ba ako?" malungkot na tanong nito.

"Hindi naman sa ganon. Isipin mo, paano kapag may lakad kami ni Seungjae at hindi ka pwedeng sumama, mabubuksan mo ba 'yung unit ko? Alam mo ba yung passcode? Marunong ka ba magluto?"

"Eh di magsama na tayo," natahimik bigla si Jeonghan. "Jeonghan, ayokong mawala ulit kayo sakin. Magsama na tayo, please? A condo unit is not a good environment para magpalaki ng mga anak. We need a house. We need a lawn where they can play. We need bigger rooms for their beds and toys. We need a bigger kitchen. We need a bigger living room and dining room. That's why, I bought a house for us. Naghanda na ko bago pa man kita ayain ng kasal."

Nagulat si Jeonghan sa sinabi nito. Hindi niya inakala na handa na ang lalaki. Hindi niya inakala na ganito ito katakot na magkahiwalay sila ulit.

"Seungcheol, hindi mo naman kailangan gawin 'yon. I can help you—"

"I want to surprise you," nginitian siya nito. Tumayo agad si Jeonghan at niyakap si Seungcheol. Nagulat siya ng biglang hilahin siya paupo sa lap nito at hinalikan sa labi. "I love you."

"I love you too," pinagdikit ni Jeonghan ang noo nila at pumikit. Ang saya niya. Peaceful na sana ang lahat kung hindi lang naramdaman ni Jeonghan ang pagpasok ng kamay ni Seungcheol sa loob ng suot niyang damit.

——

Helloooooo! Gusto niyo ng pure tagalog na ano.. yung ano... ayun.

Mag-comment naman kayo ;-; kailangan ko ng motivation para mag-update. Comment naman kayo please. Parang awa niyo na. Mag-ingay naman kayo para ganahan ako. Labyu ol. Yieeeeee.

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon