Nagda-drive si Seungcheol pauwi galing sa trabaho niya nang mapadaan siya sa park sa village nila. Ito 'yong park kung saan niya huling nakita si Jeonghan. Hindi niya napigilang huminto sa harap nito at bumaba. Bumalik sa kanya lahat ng alaala ng binata.
Papunta siya sa swing nang mapansin niya ang isang tao na nakaupo sa ilalim ng slide.
Si Jeonghan. Ang Jeonghan ko.
Agad niya itong tinawag pero walang boses na lumalabas mula sa kanya. Salamat naman dahil lumingon pa rin ito sa kanya. Namumula ang mga mata nito na mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Tumayo si Jeonghan at napansin niya na walang nagbago dito maliban sa malaking tyan nito. Ang baby nila. Hindi pa naman huli ang lahat di ba? Makakabawi pa siya sa kanila.
Naglakad siya palapit pero hindi niya maigalaw ang mga paa niya. Umiiling si Jeonghan habang nakahawak sa tyan nito. Ilang beses niyang pinilit na lumakad pero hindi niya maigalaw ang mga paa. Tumakbo si Jeonghan palabas ng park at wala nang ibang nagawa si Seungcheol kundi umiyak dahil hindi niya ito mahabol.
Ang Jeonghan niya. Ano bang nangyayari? Bakit hindi niya mahabol?
Iyak na lamang ng iyak si Seungcheol hanggang sa makaramdam siya ng malakas na sampal sa pisngi niya at malakas na yugyog. Nagdilim ang paligid at pagbukas ng mga mata niya ay nasa loob na siya ulit ng kwarto niya.
"Seungcheol! Seungcheol, gising!" niyuyugyog siya ng kapatid niya habang may hawak itong tsinelas at isinampal sa kanya.
"ARAY! GISING NA KO!" itinulak niya ito at hinawakan ang nasampal na pisngi. "Ano bang nangyayari?! Ang sakit ah!"
"Binabangungot ka, doi. Jeonghan ka ng Jeonghan tapos iyak ka ng iyak. Akala ko naman nagsasarili ka. Nyeta," tumayo na ito mula sa kama niya at naglakad palabas ng pinto. "Uminom ka ng tubig sa kusina bago ka bumalik ng tulog. Good night," lumabas na ito ng kwarto.
Nang masiguro niyang wala na ang kapatid at nai-lock niya na ang pinto, doon lang hinayaan ni Seungcheol na bumuhos ang mga luha niya. Kahit sa panaginip man lang nakita niya ang muka ni Jeonghan. Nakita niya ang pagbubuntis nito sa anak nila. Pero bakit hanggang sa panaginip, nasasaktan pa rin ito sa kanya?
Iyak lang siya ng iyak buong magdamag at habang nagsusulat sa diary niya.
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish