4

983 24 28
                                    

Isang linggo na si Seungcheol sa Seoul pero wala pa rin siyang natatanggap na report kung nasaan ba si Jeonghan. Pilit inaaliw ni Seungcheol ang sarili niya sa pagtulong sa negosyo ng kapatid pero hindi niya pa rin maialis sa isip kung nasaan ang mag-ina niya.

Nasa balcony siya ng condo niya at nagbabasa ng libro nang may isang bata na sumulpot mula sa katabi niyang unit.

"Hello!" ngiting ngiti ito sa kanya.

"Hello din," bati niya dito. Pabalik na siya sa binabasa niya nang magsalita ito ulit.

"Ako Thungjae! Ako pogi," tumawa ito at hindi napigilan ni Seungcheol na mahawa sa ngiti nito.

"Ako Seungcheol, mas pogi," nag-pogi sign pa siya.

"Aniyoooooo! Thungjae pogi!" pagpipilit nito.

"Mas pogi ako,"

"Seungjae, aalis na si Papa!" ngunit hindi ito napansin ng bata na busy sa pakikipagtalo.

"Aniyooooo!"

"Mas pogi,"

"Aniyooooooooooo!"

"Mas pog-" natigil siya nang batuhin siya nito ng laruan na dinosaur. Nasalo niya naman ito ngunit padabog na bumalik ang bata sa loob ng condo nila.

Natatawa na lamang si Seungcheol dahil pinatulan niya pa ang isang bata.

Inilapag niya ang libro sa loob ng kwarto at lumabas sa unit niya para ibalik ang laruan ng bata, hindi niya rin nalimutan na kumuha ng ilang candies mula sa fridge niya. Paglabas ni Seungcheol ay nakita niya agad ang bata na nasa labas ng unit nito at umiiyak. "Papaaaaaaaa," nilingon ni Seungcheol ang tinatawag nitong Papa pero nakaalis na ito.

Umupo si Seungcheol para makapantay ang bata at hinaplos ang buhok nito. "Wag ka na malungkot. Ito na 'yong dinosaur mo, sayo na rin 'tong candies ko," mukhang walang balak ang bata na kunin ito dahil patuloy lang sa pag-iyak kaya naman nilagay niya nalang ito sa bulsa ng bata at kinarga ito. "Saan ba pupunta ang Papa mo?"

"Work," umiiyak na sagot nito.

"Sa work lang pala eh. Babalik din 'yon. Kaya naman siya nagtatrabaho kasi gusto niya na mabilhan ka ng maraming toys," hinawakan niya ang ulo nito at marahang ipinatong sa balikat niya.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya habang karga ang bata. Tuwang tuwa siya at gusto niya itong yakapin ng sobrang higpit. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ang noo nito na hindi naman tinanggihan ng bata.

"Seungjae? Seungjae nasaan ka? Pasok na-" nagulat si Chan nang makita sila. "H-hyung..."

"Chan?" nagtataka siya kung bakit nandito ang nakababata gayong may practice dapat ito sa school ngayon. "Bakit andito ka? Akala ko ba may graduation practice kayo?"

"A-ah. Wala kasing bantay si Seungjae. Nakakaawa naman kung hindi makakapasok sa trabaho 'yung Papa niya," pagdadahilan nito.

"Ganon ba? Kung gusto mo, ako nalang magbabantay sa kanya. Ibigay mo nalang 'yong phone number ko sa Papa niya. Siguro naman maiintindihan niya na kailangan mong pumunta sa graduation practice," he gently tapped the back of the child. Mukhang nakakatulog na ito.

Para namang may kung anong spark sa mata ni Chan bago ito sumagot. "Talaga Hyung? Walang bawian ha! Aalis na ko, ikaw na bahala kay Seungjae!" pumasok ito sa condo ng pamilya ng bata para kunin ang bag. "Bye Hyung!" agad itong sumakay ng elevator at umalis.

Napailing na lamang si Seungcheol at sinarado ang pinto ng unit niya. Pinili niya nalang na magstay sa unit ng bata para naman madali lang kapag hinanap nito ang mga laruan niya.

Pumasok si Seungcheol sa isang bukas na kwarto na hinala niya ay sa bata at doon ito inihiga. Tulog na agad ito. Nilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto ng bata.

Kung kasama ko lang si Jeonghan, ganito siguro ang design ng kwarto ng anak namin lalo na kung lalaki.

Sa isang gilid kasi ng kwarto ay may mga gamit na pang-soccer. Meron din itong isang set ng iba't ibang uri ng dinosaurs. Ang bed sheet at kumot naman ito ay may mga design ng soccer ball. Humiga siya sa gilid ng bata at tumingin sa mga glow in the dark stars na nakadikit sa ceiling ng kwarto.

Ganito rin kaya ang pakiramdam kapag kasama ko ang anak ko?

Hindi niya namalayan na nakatulog na rin siya sa tabi nito.

-

6:00pm na natapos ang trabaho ni Jeonghan. Manager siya ng isang branch ng cafe ni Sehun dito sa Seoul. Masaya siya na nakahanap siya ng kaibigan sa katauhan ng binata. Hindi siya nito pinabayaan lalo na ng mga panahon na kapapanganak niya pa lamang at hindi makapagtrabaho. Masaya siya na masaya ang binata ngayon dahil kakakasal lamang nito sa asawang si Luhan na buntis na rin.

Dumaan muna si Jeonghan sa grocery store para mamili ng ingredients sa lulutuin niya ngayong gabi. Balak niyang magluto ng bibimbap na mukhang nagiging paborito na ng kanyang anak. Hindi na siya nagtagal pa at binayaran na ang pinamili at umuwi na.

Nasa labas pa lang siya ng unit pero naririnig niya na ang masayang tawa ng anak niya.

Anong ginawa ni Chan para maging ganyan siya kasaya?

Napangiti nalang si Jeonghan dahil hindi maitatanggi na nakakahawa ang tawa ng anak niya.

"Seungjae~ andito na si Papa!" bati niya dito habang papasok sa loob ng bahay.

"Papa!"

Naihulog ni Jeonghan ang lahat ng dala niya nang makita kung sino ang kalaro ng anak.

Nakaupo sa sofa nila si Seungcheol na kandong ang anak niya. Sa loob ng bahay nila. Ang ama ni Seungjae.

"Jeonghan?"

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon