Nagising si Seungcheol sa malakas na ringtone ng phone niya. Mabilis niyang sinagot 'yon sa pag-asang si Sohee ang tumatawag.
"Trick or treat—" agad niyang pinutol ang tawag ng marinig ang boses ni Gyu.
Hindi sumuko ang nakababata at muling tumawag sa phone ni Cheol.
"You're road," malungkot na bungad nito.
"Ano na naman ba, Gyu?" inis na sagot niya.
"Mag-trick or treat tayo mamaya! Nakahanda na costumes namin!"
"Hindi na kayo bata—"
"Pang-bata lang ba yung Halloween?" inis na tanong ni Gyu. "Alam mo lagi ka nalang nagkukulong. Halos hindi ka na nga namin makita eh. Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa'min."
Nagulat siya ng patayan siya nito ng tawag. Ganon na ba talaga siya? Halos lagi nalang siyang nagmumukmok dahil wala si Sohee to the point na nakakalimutan niya na ang mga kaibigan niya.
Sinubukan niyang tawagan muli si Mingyu pero mukhang nagtampo talaga ito at nakapatay ang phone. Si Seungkwan ang sunod niyang tinawagan pero busy. Nag-scroll siya sa contacts nita para isipin kung dino ang sunod niyang tatawagan pero mukhang trip siya ng tadhana dahil nakita niya ang pangalan ni Jeonghan.
Parang bumalik lahat ng nangyari sa isip niya.
Nagsisisi rin naman si Cheol. Sa isang pagkakamali, nasira ang pagkakaibigan nila ni Jeonghan. Dahil sa pagkakamali, nawalan siya ng best friend.
Sasama kaya siya ngayon? Iyon ang unang tanong niya sa sarili. Kailangan niyang maayos ang gusot sa kanila ni Jeonghan.
Ngunit hindi si Jeonghan ang tinawagan niya kundi si Seokmin.
"Yo Hyung!" unang bati nito.
"Sabihin mo kay Gyu, sasama na ko," agad niya rin itong pinatay para maghanap ng susuotin na costume.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Himala! Dumating si Choi Seungcheol!" sabay tawa ni Soonyoung na nakatayo sa swing. Agad naman itong pinalo sa pwet ni Jihoon para umayos ng upo. Sa park sila nagkita-kita. Agad na napansin ni Seungcheol si Jeonghan na naka-shorts, cropped top at Harley Quinn na makeup. Oo, nag-cross dress siya, at hindi maitatanggi si Seungcheol na napakaganda ng binata kahit na parang hiyang hiya ito sa sarili niya.
Nagsimula na silang maglibot sa buong village. Sa dami ng nagagandahan kay Jeonghan, ang dami na rin nilang nakuhang candy at pera.
"Iba talaga kapag kasama natin si Mama. Hehehehe," sabi ni Chan sabay yakap sa braso ni Jeonghan.
"Tigilan mo ko sa pangbobola mo," ipinalo ng binata ang nakuha niyang malaking bag ng chicharon ni Mang Juan sa ulo ng nakababata.
"Aish! Kung alam ko lang na Harley Quinn ang gagawin mo, eh di sana nag-joker ako," sabay pout ni Jisoo na nasa tabi lang ni Jeonghan.
"'Wag kang epal, Soo. Si Seungcheol hyung kaya ang Joker niya. Yieeeee match na match," kinikilig na hirit ni Soonyoung. Hindi kasi nilang lahat inasahan na si Joker ang gagayahin ni Seungcheol, maging siya nagulat.
Patuloy lang sila sa paglalakad at pagbisita sa mga bahay bahay nang hilahin ni Seungcheol si Jeonghan. Nagpahuli sila sa mga naglalakad na barkada.
"Han, sorry nga pala—"
"A-ano ka ba hahaha. Wala 'yun. Ano. Ahh.. Wag mo nalang isipin 'yon! May kasalanan din naman ako," he can feel the awkwardness in his voice.
"Han—"
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish