SC: 1

835 16 4
                                    

"Paaaaaaaaaaaaa!" tumakbo pababa ng hagdan ang eight years old na si Seungjae at pumunta sa kusina kung nasaan si Jeonghan nagluluto. "Papa, kinuha ni Seungyeol 'yung mga lego bricks ko," nag-pout pa ito kaya naman mas lalong naging kamukha ang Daddy niya.

"Papaaaaaaaaa!" tumakbo naman ang five years old na kapatid nito na si Seungyeol at nagtago sa likod ni Jeonghan.

"Seungyeol, wag ka diyan sa likod ko, baka matapunan ka nitong mini-mix ko na batter," sumunod naman ang anak at ngunit hindi ito masyadong lumayo sa ina. Ini-ayos muna ni Jeonghan ang batter sa pan at ipinasok na ito sa oven. "Anong sabi ni Papa about sa toys?"

"Share," sagot nito habang nilalaro ang ilang lego bricks sa kamay.

"Very good. Ngayon, say sorry to your Kuya Seungjae at ibalik ang toys sa kanya."

"Sorryyyyy," lumapit ito at niyakap ang nakatatanda.

"Magshe-share naman tayo basta magpapaalam ka kay Kuya," niyakap ito ni Seungjae.

Tuwang-tuwa si Jeonghan sa panonood sa magkapatid. Masaya siya na lumalaking masaya at mababait na bata ang mga anak.

"Hello sa asawa kong maganda! Hello sa mga gwapo kong mga anak!"

"Daddy!!!!!!" nagtakbuhan ang magkapatid para salubungin ang Daddy nila na kauuwi lang. Pinatay ni Jeonghan ang niluluto at sumunod sa magkapatid. Nag-kiss lang ito sa ama bago kuhanin ang dala nitong donuts at dinala ito sa kusina.

"Aba! Nakita niyo lang 'yung pasalubong, kinalimutan niyo na ko?" natawa si Jeonghan sa asawa, alam naman nila na binibiro lang ito ng mga anak.

"Hayaan mo na. Excited lang sila sa pasalubong mo," hinalikan siya ni Jeonghan sa pisngi at kinuha ang coat niya. "Na-miss kita."

"Na-miss din kita," hinalikan siya si Seungcheol sa labi bago ito umupo sa sofa at hinila siya. Nanatiling nakatayo si Jeonghan sa harap niya habang hinahaplos ni Seungcheol ang malaki niyang tyan. "Hello baby girl, na-miss ka din ni Daddy. Excited na akong alagaan ka," hinalikan niya ang tyan ng asawa.

Siyam na buwan ng buntis si Jeonghan. Next week pa ang due date niya kaya naman pinapapasok niya pa rin sa trabaho si Seungcheol. Oo, Boss ito pero hindi ibig sabihin non ay magre-relax lang siya. Ang unfair naman n'on para sa mga empleyado.

"May kakaiba ka bang nararamdaman?" hindi niya napansin na nakatayo na pala ang asawa. Inalalayan siya nito papuntang kusina.

"Medyo sumasakit lang pero baka naje-jebs lang ako," natawa sila pareho.

"Basta sabihin mo sakin kapag masakit na. Mas okay na nasa ospital na agad tayo," tumango lang siya sa asawa.

Pagdating nila sa kusina ay nakatayo na sa upuan si Seungjae habang kinukuha ang mga plato at isa-isa itong inaabot kay Seungyeol na inilalagay naman nito sa lamesa.

"Ang galing naman ng mga baby ko. Baba ka na diyan, Seungjae. Si Daddy na ang magtutuloy," kinarga ni Seungcheol ang anak at ibinaba ito.

Tulong-tulong silang naghain ng hapunan at sabay na kumain.

"Aray. Sumasakit 'yung tyan ko, Cheollie. Magba-banyo lang ako," paalam ni Jeonghan. Dahan-dahan siyang tumayo pero lalong sumasakit ang tyan niya. Naramdaman niya rin na sumipa ang anak niya.

"Si Papa nag-wiwi," tumatawang tinuro ni Seungyeol ang legs ni Jeonghan na basa na ngayon.

"Sh*t! Pumutok na. Manganganak ka na," mabilis na tumayo si Seungcheol para alalayan ang asawa. "Seungjae, kunin mo 'yung bag na nasa tabi ng sofa at sumakay na kayo ni Seungyeol sa kotse," binuhat na ni Seungcheol si Jeonghan papunta sa sasakyan. Ipinasok niya ito sa passenger at nilagyan ng seat belt. Nang makalabas na ang mga bata, isinarado niya ang bahay bago sila pumunta sa ospital.

———

Pa-ikot-ikot lang si Seungcheol sa labas ng emergency room habang nakaupo naman ang dalawang bata at sinusundan siya ng tingin.

"Hilo ako kay Daddy," kinusot-kusot ni Seungyeol ang mata niya kaya naman niyakap siya ng kapatid.

Tumingin sa kanila si Seungcheol at napangiti. Ang laki na ng mga anak niya. Umupo siya sa tabi ni Seungyeol at nagpaliwanag dito. "Nag-aalala lang si Daddy kay Papa at sa baby sister niyo." Cesarean ang panganganak ni Jeonghan kaya naman doble ang pag-aalala ni Seungcheol.

Ilang minuto pa ang dumaan bago lumabas ang doctor. "Family of Mr. Choi Jeonghan?"

"Kami po," tumayo agad si Seungcheol. Maging ang dalawang bata ay dinaluhan siya. "Kamusta na po ang asawa ko?"

Ngumiti ang doctor sa kanya sabay tap sa balikat niya. "Maayos na ang lagay niya at ng baby niyo. Congratulations, it's a baby girl."

Hindi maintindihan ni Seungcheol ang saya na nararamdaman niya. Sa wakas. Nakapanganak na ang asawa niya. Ang saya niya na ligtas silang dalawa.

———

Nagising si Jeonghan sa mga mumunting halik sa kanyang mukha. Bumungad sa kanya ang mukha ng dalawang anak niya.

"Gising na si Papa!" sigaw ni Seungyeol at halos tumalon ito pababa sa hospital bed.

Agad na lumipat ang tingin ni Jeonghan sa lalaking nakaupo ngayon sa isang gilid at may karga kargang sanggol. Halos maluha siya nang magtama ang mata nila ni Seungcheol. Tumayo ito patungo sa kanya habang dahan-dahan naman siyang umupo.

"Baby, ito na si Papa," ipinasa sa kanya ni Seungcheol ang bata. Tulad ng inaasahan, mayroon din itong mahahabang pilikmata, napakaputi ng balat at katamtamang tangos ng ilong.

"Cheol, ang ganda niya," hindi niya na napigilan na umiyak. "Ang ganda ganda niya, Cheol. Ang ganda ng anak natin," patuloy siya sa pag-iyak.

"I know. Kamukha mo siya," hinalikan siya ni Seungcheol sa ulo. "Salamat. Salamat ng marami. Salamat kasi bumalik ka sakin. Salamat sa pagmamahal sakin. Salamat sa magandang pamilya. Mahal na mahal kita," hinalikan siya nito muli sa noo bago humalik sa labi niya.

"Eweweweww. Nikakain ni Daddy si Papa!" hinihila ni Seungyeol ang kamay ng kapatid na nakatakip sa mata niya. Nakapikit naman si Seungjae. Natawa silang mag-asawa sa ayos ng magkapatid.

"Baby, akyat na kayo dito sa bed ni Papa. Tignan niyo yung baby sister niyo oh," agad naman na sumunod ang magkapatid at nag-unahan sa tabi ni Jeonghan. Tulad ng mag-asawa, halos maiyak din ang magkapatid dahil sa ganda ng kapatid nila.

"Paglaki Seungyeol, babantayan ako si Baby. Bawal awayin siya!" ngunit nagulat ito ng hawakan ng kapatid niya ang daliri niya. "Waaaaaaaaah!"

Binaling naman ni Seungcheol ang atensyon sa asawa. "Anong balak mo na ipangalan sa kanya?"

"Jeongyeon. Choi Jeongyeon," masaya niyang hinele ang anak para makatulog.

"Welcome to the family, baby Jeongyeon."

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon