11

1.1K 17 12
                                    

PLEASE READ!!!

Hello! Pasensya na po kung napaghihintay ko kayo. Alam kong marami-rami rin kayong naghihintay sa updates ko. Sorry. Uulitin ko lang po, nagtatrabaho na po kasi ako at gabi ang uwi ko. Madalas nauubos yung oras ko sa pagpapahinga dahil sa stress sa trabaho. Hangga't kaya ko, babawi naman ako ng flood updates sa inyo. 'Yon nga lang, simula po kasi nitong June, pabalik balik na 'yung lagnat ko, saglit lang nawawala tapos babalik agad. Buti pa 'yung lagnat bumabalik. Ayon, paputol putol 'yung pagbuo ko sa bawat chapter kasi madalas habang lunch break ko lang sa office or bago ako magpahinga sa gabi 'yung pagsusulat ko nito. Madalas nakakatulugan ko pa dahil sa epekto nung mga gamot na iniinom ko. Sorry talaga kung pinaghihintay ko kayo.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Nagising si Seungcheol dahil sa ingay ng phone ni Jeonghan kaya naman naisipan niya na sagutin ito. Hindi pa siya nakakapagsalita ay sinalubong na aiya ng sunod-sunod na sermon ng nasa kabilang linya.

"HOY JEONGHAN! ANO NA BANG NANGYARI SA INYO NI GILAGID?! SUNDUIN NIYO NA NGA YUNG ANAK NIYO DITO KASI KAHAPON PA NAGNGANGAWA NA AYAW NIYO NA DAW SA KANYA KASI HINDI NIYO SIYA SINUNDO. AT NASAAN BA YANG ASAWA MO HA? TAWAG AKO NG TAWAG PERO NAKAPATAY ANG PHONE. NAKAKALOKA KAYO," napatakip nalang si Seungcheol sa tenga niya. Grabe talaga magsermon si Jihoon. Halos mapamura naman si Seungcheol ng maalala na hindi pa nila nasusundo ang anak lalo na ng marinig niya ang matinis na iyak nito sa background ni Jihoon.

"Ji, si Cheol 'to."

"TA—Ano? Nasaan si Jeonghan?! Bakit hindi niya hawak 'yung phone niya? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko—" pinutol niya agad ang mga tanong nito.

"Tulog pa si Jeonghan. Napagod ata kahapon," hinaplos niya ang mukha ni Jeonghan na tulog pa rin at nakahiga paharap sa kanya. "Ji, pakibihisan naman si Seungjae. Gigisingin ko na si Jeonghan tapos pupunta na kami dyan. Give us an hour."

Sumang-ayon naman ang isa at pinatay na ang tawag. Marahan niyang inalog si Jeonghan at hinalik-halikan ang mukha nito para gumising. "Hannie ko, gising ka na. Gising na, please? Susunduin pa natin si Baby Seyngjae," nang banggitin niya ang pangalan ng anak ay mabilis na bumangon si Jeonghan.

"Anong oras na?" nag-mamadali itong bumangon at hinanap ang damit kahit na hirap itong kumilos.

"Kumalma ka lang. 9am na. Katatawag lang ni Jihoon, umiiyak daw si Seungjae kasi hindi pa natin nasusundo. Maligo ka na, ako na kukuha ng damit mo sa unit niyo tapos sunduin na natin si Seungjae," bumangon si Cheol at hinalikan siya sa noo para kumalma bago siya nito pinapasok sa bathroom para mag-ayos.

——

Tulad ng sinabi niya kay Jihoon, wala pang isang oras ay nasa tapat na sila ng bahay nito para sunduin si Seungjae. Si Seungcheol na ang kumatok habang inaalalayan niya si Jeonghan na paika-ika ang lakad. Agad na bumungad sa kanila nang magbukas ang pinto ay si Soonyoung na may magulong buhok at inipitan ng kung ano-anong laruan.

"Hyuuuuungggg!" agad itong tumakbo para yakapin si Seungcheol. "Tulungan mo ko, Hyung. Pinagtutulungan nila ako. Hyung, parang awa mo na," nagpeke pa ito ng iyak.

"Anong nangyari sayo?" natatawang tanong ni Seungcheol habang pailing-iling naman si Jeonghan na naunang pumasok sa bahay.

Pagpasok nila ay bumungad sa kanila si Jihoon na kasama ang dalawang bata sa living room habang maraming nakakalat na ipit na pang-babae.
Tumatawa ito kasama ang mga bata. "Hoy Soonyoung! Bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos sa buhok mo!" natatawang sabi nito pero agad namang tumigil nang makita sila ni Jeonghan. "Andyan na pala kayo."

"Papaaaaaaaaaa!!" nagsisigaw si Seungjae at tumakbo para yakapin si Jeonghan pagkatapos ay si Seungcheol naman ang niyakap nito at nagpakarga. "Akala Seungjae ayaw niyo na kay Seungjae," mangiyak-ngiyak na sabi nito at isinubsob ang mukha sa leeg ng ama.

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon