"Tito Thehuuuuuun!!!!!"
"Thungjaeeeeee!!!!!!" mabilis na tumakbo si Sehun palapit sa bata ngunit tumama siya isang matigas na pader. Mali. Isang tao na may malaki g pangangatawan. Si Seungcheol. Masama ang titig nito sa kanya.
"Ah! Cheol, siya nga pala si Sehun, 'yong nag-alaga samin ni Seungjae noon," pakilala ni Jeonghan. Masama pa rin ang tingin ni Seungcheol dito.
"May problema ka ba thakin?" binalik din sa kanya ni Sehun ang masamang tingin.
"Oh Sehun.." malalim na sabi ng lalaki.
"Choi Thungcheol," nagtitigan ito na parang magpapatayan.
"Seungcheol ang pangalan ko, hindi Thungcheol. Bulol," nainis naman si Sehun kaya naman babatukan niya na sana ito ngunit pumagitna ang isang payat na lalaki.
"Sese, tama na 'yan," at kinurot nito sa tagiliran ang nakababata.
"Cheollie, ito naman si Luhan, asawa ni Sehun," nakangiting pakilala ni Jeonghan. Nakangiti pero sa kaloob-looban niya natatakot na siya na baka magsuntukan ang dalawa. Hindi man lang nahiwalay ang titigan ni Sehun at Seungcheol. "Magkatuluyan kayo niyan," biro ni Jeonghan sabay hila kay Luhan papunta sa kusina.
"Layuan mo ang anak ko," kinarga ni Seungcheol ang anak at niyakap ito.
"Paborito ako ni Thungjae," pinanlakihan naman siya ng mata ni Sehun.
"Mas love ako ng anak ko."
"Eh ano naman—"
"Ayaw Thungjae dito," pilit kumawala ang bata sa yakap ng Daddy niya at nang ibaba siya ni Seungcheol ay siya namang dating ng paboritong kaibigan ni Seungjae. "Thiaaaaaaaan!" nagmamadali itong tumakbo para yakapin ang kaibigan.
"Seungcheol hyung? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Soonyoung. Nagulat sila ni Jihoon na makita ang nakakatanda dito. "Kaibigan mo ba 'yong parents ni Seungjae?""Actually—" hindi na siya nakasagot nang magsalita si Jeonghan na kalalabas lang mula sa kusina.
"Seungjae, andyan na ba ang kaibigan mo?" nagulat din si Jeonghan nang makita ang mga dating kaibigan.
"Ito Daddy Papa ni Thungjae," masayang ngumiti ang bata habang hinihila ang kamay nilang dalawa.
"Woah. Tignan mo nga naman. Pinagtagpo talaga kayo ng tadhana," masaya si Jihoon na makitang magkasama na ulit ang dalawang Hyung niya. Sa wakas, nahanap na nila ang happy ending nila. "Soonyoungie, sabihan mo sila—" pinutol agad ito ni Seungcheol.
"Ipinatawag ko na silang lahat. Akala ko natanggap niyo 'yong chat ko?"
"Wala akong oras para mag-facebook, busy ako sa pagco-compose ng mga kanta," sagot ni Jihoon.
"Busy ako sa dance studio at minsan pag-aalaga kay Sian," sagot naman ni Soonyoung na pasimpleng kinukurot ang pisngi ng anak. "AWW!" bigla itong kinagat ng anak bago nagtago sa likod ni Seungjae.
"Andito na ang mga gwapooooooooooooo~!" nagsigawan sila Jun na parang mga nakakawala sa kulungan.
Napailing nalang sila Jeonghan dahil sa mga kaibigan.
Ano nga bang okasyon ngayon.
August 8. Birthday ni Seungcheol, na ngayon ay birthday na rin ni Seungjae.
Masayang masaya siya na makita ang mag-ina niya, dapat ay may malaki silang kasiyahan ngunit sinabi ni Jeonghan na mas okay na sa unit nalang nila at puro kaibigan lang. Wala namang nagawa si Seungcheol nang sabihin ni Seungjae na ang gusto niya lang papuntahin na kaibigan ay si Sian na nakakalaro nito sa park. At wala silang idea na ang Sian na sinasabi nito ay anak pala ni Jihoon at Soonyoung.
Proud na proud na ipinakilala ni Seungcheol ang anak sa mga kaibigan. Hindi makapaniwala ang mga ito na nagtagpo muli ang landas nila Jeonghan, pero bakas sa mga mukha nila ang saya para sa dalawa. Naging madrama ang lahat nang dumating ang magulang ni Seungcheol at Jeonghan. Maging sa magulang kasi ni Jeonghan ay nagtago ito. Parehong sabik ang mga magulang nila sa unang apo.
"Choi Seungcheooooool! Hyung mo ako pero bakit nauna ka magka-anak?!" reklamo ni Seungmin na pinaglalaruan ngayon ni Seungjae ang buhok. Nilagyan niya ito ng iba't ibang kulay na rubber bands, 'yong pangtali ng gulay na pinamili ng Papa niya.
"Magseryoso ka na daw kasi, Hyung," natatawang sabi ni Hansol dito. Sumimangot lang ang binata na hanggang ngayon ay single pa rin at mukhang video games.
Hindi nagtagal ang pamilya ni Seungcheol at Jeonghan at nagpaalam na uuwi na. Maging si Sehun at Luhan ay maagang umalis dahil pupunta pa sila sa Busan para magbakasyon. Ipinagpatuloy ng mga kaibigan ang pagku-kwentuhan. Ang tagal nang huli nila itong gawin kaya naman sobrang dami nang pinagkukwentuhan nila.
Natutuwa si Seungcheol na makita ang anak na inaalagaan ang kaibigan nito. Lumapit siya kay Jeonghan at itinuro ang dalawa.
"Hannie, gusto na ata ng kasunod," sabay halik niya sa pisngi nito.
"Tapos ano? Aalis ka ulit. Sus," umiwas ito ng tingin.
Kinuha naman ni Seungcheol ang kamay nito at hinalikan. "Hinding hindi ko na kayo iiwan," sabay halik niya sa labi nito.
.
.
.
.
.
"uhmm. Hyung? Sabihin niyo lang kung gusto niyong lumayas na kami at isama si Seungjae. Alam naman namin na gusto niyo na bumuo ng bago," sabi ni Seungkwan na binato naman ni Jeonghan ng paper cup.
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish