Napag-usapan ni Jeonghan at Seungcheol na sa café na malapit sa subdivision magkita. Naunang dumating si Jeonghan kaya naisipan niyang um-order na.
"Isang strawberry pavlova," nagbayad siya at hinintay nalang ang order niya bago humanap ng mauupuan.
Habang naghihintay, napatingin si Jeonghan sa labas ng café.
Madilim ang kalangitan. Baka umulan.
Tama nga ang hinala niya at nagsimula ng umulan.
Sana naman may dalang payong si Cheol para hindi siya mabasa.
Hindi nagtagal dumating na rin si Seungcheol na may dalang payong. Ngumiti agad si Jeonghan nang makita siya nito. Nabigla si Seungcheol sa ngiti sa kanya ni Jeonghan. Parang may naramdaman siyang kakaiba. Hindi niya nalang 'yon pinansin. Um-order muna si Cheol bago umupo sa katapat na upuan ni Jeonghan.
"Hintayin nating tumila yung ulan bago tayo pumunta sa bahay ko," tumango lang si Jeonghan sa sinabi ng binata.
Kapag nakatingin si Jeonghan sa labas ng café, hindi mapigilan ni Seungcheol na mapatingin sa kanya. Ano bang meron sa lalaki na 'to na parang mas maganda pa sa babae? Naramdaman nalang ni Cheol na nakahawak na siya sa dibdib niya. Sa parte ng puso niya. Agad niyang inalis ang kamay at pinilit na mag-isip ng iba.
Dumating na ang order ni Cheol ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan. Dumaan pa ang ilang minuto at ubos na nila pareho ang iniinom nila ngunit ganoon pa rin ang lakas ng ulan.
"Walang mangyayari kung hihintayin nating matapos yung ulan."
Merong mangyayari Cheollie ko. Tara sa kwarto mo. Hihi. Maharot na isip ni Jeonghan. Lande ah.
"Halika na. Kasya naman siguro tayo sa payong na dala ko." Tumayo na si Seungcheol at naglakad palabas ng café. Sumunod naman si Jeonghan.
Binuksan na ni Seungcheol yung payong niya. "Lumapit ka, baka mabasa ka ng ulan."
Napangiti nalang si Jeonghan at lumapit.
"S-seungcheol, gusto mo ako n-nalang maghawak?" Hinawakan ni Jeonghan yung payong.
"Ako na,"
"Hindi. Okay lang, ako na."
"Ako na nga lang,"
"Nakakahiya naman sayo. Ako nalang,"
Nagulat si Jeonghan ng akbayan siya nito at payungan.
"Wag ka nang makulit. Ako na,"
Nakayuko lang si Jeonghan habang naglalakad. Hindi niya alam paano pipigilan ang sarili sa pamumula. Ngayon niya lang rin na-realize na nahawakan niya ang kamay ng mahal niya kanina at naka-akbay na ito sa kanya.
Matapos ang mahaba habang lakaran, nakarating sila sa isang bahay na ilang street lang naman ang layo sa bahay ni Jeonghan. Ang bahay na madalas niyang dinadaan daanan at patagong pinagmamasdan. Ang bahay ni Seungcheol.
Pagpasok nila sa loob, sinalubong si Jeonghan ng isang malawak na sala. May lalaking nakaupo sa couch at todo laro ng video games. Napatingin ito sa direksyon nila.
Uy gwapo.
"Yah! Choi Seungcheol! Sino yang kasama mo? Bago mong chicks?" Kumuha ito ng chips sa bowl na nasa coffee table at pinuno ang bibig niya.
"Shut up hyung. Kaklase ko siya. Wag mong bigyan ng malisya," yumuko si Seungcheol para tanggalin ang sapatos niya.
"Hi Miss Beautiful! Ako nga pala si Choi Seungmin. 27 years old, single pa ko at yummy. Ako rin ang pinakagwapo sa pamilya namin. I can be your Dad--" nagulat si Jeonghan ng may lumipad na sapatos sa mukha ni Seungmin.
![](https://img.wattpad.com/cover/89422746-288-k428841.jpg)
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish