12

999 13 13
                                        

Tahimik na nagbabasa si Jeonghan. Paminsan-minsan ay umiiyak pero madalas ay tahimik at malungkot lang siyang nagbabasa. Pangarap lang ang lahat.
      
       
       
       
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          
            
              
            
Char. Binabasa ni Jeonghan ang nakita niyang diary ni Seungcheol. Nasa unit siya nito ngayon para maghakot ng mga gamit. Si Seungcheol naman ay inaasikaso ang pagpapagawa ng isang branch ng company niya sa bansa nang sa ganoon ay hindi na niya kailangan pang umalis. Si Seungjae naman ay nasa bahay ni Mingyu at Wonwoo, aliw na aliw sa kanya ang mag-asawa. Mahigit tatlong buwan na ang lumipas simula nang magsama sila sa iisang bahay at ngayon lang naisipan ni Jeonghan na kalkalin ang mga gamit nila sa condo para iuwi sa bahay nila. Nasa parte na ng kwarto sa unit ni Cheol ang inaayos ni Jeonghan nang makita niya ang luggage nito noong umuwi. Binuksan niya 'yon para alamin kung may laman pa at para na rin ilagay sa tamang lagayan nang mahulog mula sa loob ang dating diary nito. Pangarap lang ang lahat ng nangyayari ngayon para sa dating Seungcheol. Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Jeonghan sa mga nabasa na ganito siya kamahal ng nakakatanda. Na ganito sila ka-miss. Pakiramdam niya mas lalo pa siyang napamahal kay Seungcheol. Mahal niya 'to pero mas mahal na mahal ngayon.

——

Pauwi na si Seungcheol at naisip niya na daanan nalang si Jeonghan para sabay na nilang sunduin ang anak.

"Hannie?" tawag niya sa pangalan nito pagpasok niya sa unit niya.

Una siyang nagtungo sa kusina pero wala ito doon. Wala rin ito sa living room kaya naman dumeretso na siya sa kwarto niya. Pagbukas niya palang ng pinto ay may umiiyak na Jeonghan ang sumalubong sa kanya. Mabilis itong tumakbo at niyakap siya. Halos matumba sila ngunit agad na nakabawi si Seungcheol at inayos ang tayo nila. Napuno siya ng paga-alala nang makita ang ayos nito. Magang-maga na mga mata, namumulang ilong at halos hindi na makahinga kaka-iyak. Inalalayan niya ito papunta sa kusina at pinaupo sa isang upuan ngunit ayaw nitong humiwalay. Lalo pang isiniksik ni Jeonghan ang ulo niya sa leeg ni Seungcheol ngunit medyo kumalma na ito mula sa pag-iyak.

"Baby, ikukuha kita ng tubig kaya upo ka muna," tanging iling lang ng ulo nito ang naramdaman niya. Wala ng ibang maisip si Seungcheol kaya naman pinaghiwalay niya ang dalawang paa nito saka ito binuhat. Jeonghan wrapped his legs on his waist. Kumuha ng isang bottled water si Seungcheol bago pumunta sa sofa at umupo. Nasa lap niya si Jeonghan at hiniwalay ito ng konti sa kanya para painumin ng tubig. Pinunasan niya rin ang luha nito at inayos ang magulong buhok.

"Anong nangyari, Hannie ko?" kinuha niya ang bottled water nito nang matapos uminom at tinakpan.

"Nabasa k-ko 'yung diary mo," parang iiyak ito ulit kaya naman pinainom niya ulit ng tubig. "Ang lungkot."

"Hmm.. Nalungkot ka. 'Yon lang ba kaya ka naiyak?" niyakap niya ito.

"Anong 'yon lang?" malakas siyang pinalo nito sa dibdib. "Malungkot ka tapos 'yon lang?! Nakakalungkot! Magkalayo tayo, hindi ka nakauwi agad, hindi mo nalaman agad na may anak tayo, hindi tayo magkasama, lahat nakakalungkot!" umiyak ulit ito ng sobrang lakas. Agad niya naman itong pinatahan.

Hindi maintindihan ni Seungcheol kung bakit napaka-emosyonal ni Jeonghan nitong mga nakaraang araw. Last last week, umiyak ito dahil sa pinanood nilang Boss Baby na animated film. Last week ng Monday, umiyak ito dahil naibagsak ang sariling phone, last week din ng Thursday ay umiyak ito dahil hindi niya mabuksan ang bote ng ketchup na gusto niyang ilagay sa pancake.

"Baby, uwi na tayo ha? Sunduin na natin si Seungjae tapos may pupuntahan tayo," hindi na naman tumanggi si Jeonghan. Gusto ni Seungcheol na masiguro ang naiisip niya.

Pinagtulungan nila na ilagay ang mga gamit sa sasakyan ni Seungcheol. Wala namang dalang sasakyan si Jeonghan nang pumunta sa condo kaya wala silang maiiwan. Nagtext agad si Seungcheol kay Mingyu na parating na sila kaya mabilis nilang nakuha ang bata. Nagkamustahan lang ang magkakaibigan at napag-usapan na dadalawin ang bagong panganak na si Seokmin within this week.

Nakatulog si Seungjae sa back seat habang nagtataka naman si Jeonghan kung saan sila pupunta pero hindi siya nagtanong. Nakarating agad sila sa clinic ng isang malapit na kaibigan mi Seungcheol.

"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong niya.

"Kailangan lang natin malaman kung totoo nga yung naiisip ko," nag-park si Seungcheol at pinatay ang makina nh sasakyan.

"Na buntis ako?" nagtanggal ng seat belt si Seungcheol at lumabas ng sasakyan ng hindi siya sinasagot. Umikot ito para pagbuksan siya ng upuan at alisin ang seat belt niya.

"Opo, Hannie ko. Kung hindi mo napapansin, ilang linggo ka na pong may mood swings at napaka-iyakin—"

"Hindi ako iyakin!" sigaw niya. Agad niya rin namang pinagsisihan ang nagawa. "Sorry, Cheollie ko," tumulo agad ang mga luha niya.

"Shh. Hindi ako galit," hinalikan siya nito sa noo at inalalayan palabas. Pumunta naman sa back seat si Seungcheol para kargahin palabas ang anak.

Pagpasok nila, agad silang binati ng mga nurse na nagbabantay.

"Mr. Choi, dito po tayo. Hinihintay na po kayo ni Dr. Kim," sumunod naman sila sa isang kwarto na may pink na pinto. Pinto pa lang ay nagseselos na si Jeonghan.

Pink? So, babae siya? May babae si Cheollie?!

Hindi mapigilan ni Jeonghan na mag-panic. Pipigilan niya sana si Seungcheol at aayain na itong umuwi nang bumukas ang pinto at sinalubong sila ng isang gwapong Doctor.

"Hi! I'm Dr. Kim Seokjin, ob-gyne," nakangiting bati nito. Hindi naman maitatanggi ni Jeonghan na sobrang gwapo nito pero syempre si Seungcheol pa rin ang pinakagwapo sa paningin niya.

Marami itong itinanong kay Jeonghan bago siya nito inabutan ng pregnancy test kit. Ginawa ni Jeonghan ang iniutos nito pero hindi niya nakita ang resulta ng PT.

"Ano, Doc? May kapatid na ba ang Seungjae namin?" tanong ni Seungcheol habang nilalaro ang bagong gising na si Seungjae.

"Kailangan natin ng ultrasound," may tinawagan ito mula sa telepono bago inayos ang ilang documents sa lamesa. "Sumunod kayo sakin," sinundan naman siya ng pamilya hanggang sa loob ng isa pang kwarto. Pinahiga niya sa hospital bed na naroon at itinaas ang damit nito. Nilagyan niya ng gel ang tyan at sinimulan na ang ultrasound. Sa simula ay wala silang makita ngunit sa mga sumunod na minuto ay may napansin na silang kakaiba.

"May ball!" sigaw ni Seungjae habang itinuturo ang maliit na bilog na nasa tyan ni Jeonghan. Parang bola ito na tumitibok.

"That is your soon-to-be-sister or baby brother," ginulo ng doctor ang buhok ni Seungjae.

Hindi makapaniwala ang dalawa nang mag-sink in sa kanila ang sinabi ng doctor. "Congrats Mr. and Mr. Choi, you're having another baby!" masayang bati nito. "Based sa nakikita ko, 2 months and 2 weeks na ang baby niyo."

Hindi mapigilan ni Seungcheol na maiyak sa tuwa. Agad niyang nilapitan ang asawa at hinalikan ito ng mariin.

"Uhmm. Guys? Pwede wag dito sa clinic ko at sa harap ng anak niyo? Wag niyo dungisan ang clinic ko. Aba," naghiwalay agad sila at natawa sa sinabi ng doctor. Binuhat ni Seungcheol ang anak at hinalikan ang noo nito.

"Narinig mo 'yun, baby? Buntis si Papa. Magkakaroon ka na ng kapatid!" tuwang-tuwa naman si Seungjae at panay ang palakpak. Wala ng mahihiling pa si Seungcheol. Kumpleto na sila, may dagdag pa.

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon