Diary,
Pangalawang linggo na pero wala pa rin si Jeonghan. Nakakausap ko na sila Mingyu pero iniiba nila lagi ang topic kapag nagtatanong na ko tungkol kay Jeonghan. Wala naman siyang sakit di ba? Huling nagkita kami, alam kong masigla pa siya. Okay lang naman siya di ba? Ang tagal niya namang pumasok.-Seungcheol
—
Dear Diary,
Ngayon ko lang naisipan na buksan ang phone ko. Akala ko nasira na 'yung battery pero okay pa pala. Nagulat ako sa dami ng text ni......nevermind. Nagulat ako sa dami ng text ng mga bata. Siguradong nami-miss na nila ako. Miss ko na rin sila. Pero hindi ko pwedeng sabihin kung nasaan ako. Kailangan ko ng panahon para mag-isip. Kailangan ko ng panahon para itatak sa utak ko na unahin ang anak ko at ang sarili ko bago ang ibang tao. Kailangan ko na siyang kalimutan.
Nagpalit na rin ako ng phone number ko kanina. Naawa kasi ako doon sa buntis na nagtitinda. Tuwang tuwa siya nang malaman niya na buntis din ako. Kung alam niya kaya na buntis din ako, matutuwa kaya siya?-Jeonghan
BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanficRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish