Tahimik na nanonood ng tv si Jeonghan. Tapos na siya sa lahat ng dapat niyang gawin sa araw na yon. Katatapos niya rin lang magluto ng hapunan nila. Hinihintay niya na lang na umuwi ang asawa at mga anak.
Kasalukuyang nasa middle school na si Seungjae habang nasa primary naman si Seungyeol at Jeongyeon. Hindi maiwasan ni Jeonghan na ma-miss minsan ang kakulitan ng mga anak lalo na kapag pumapasok ang mga ito.
Agad na tumayo si Jeonghan mula sa couch nang marinig niya ang pagbusina ng sasakyan ni Seungcheol. Sinalubong niya agad ang mga ito sa pinto ng bahay nila.
"Oh anong nangyari bakit parang binagsakan kayo ng langit at lupa?" hinalikan niya ang mga ito sa ulo.
"Ayaw din nilang magsabi sakin. Dito na lang daw sa bahay," umiiling na sabi ni Seungcheol.
"Sige na, magbihis na kayo. Kakain na tayo," agad naman na nagpunta ang mga ito sa kanya-kanyang kwarto para magbihis. "Ikaw Mr. Choi, magbihis ka na rin," hinalikan niya sa labi ang asawa bago pumunta sa kusina at inayos ang kakainin nila.
...
Habang kumakain ay tahimik lang ang mga bata. Ilang ulit nang nagtinginan si Seungcheol at Jeonghan. Hindi ito normal sa mga anak nila. Madalas parang nasa gubat sila dahil sa ingay ng mga ito.
"Okay, baka pwede niyo nang sabihin kay Papa at Daddy kung anong problema?" tanong ni Jeonghan sa kanila.
Sabay sabay na bumuntong hininga ang magkakapatid bago nagsimula si Sungjae.
"Pinapupunta po kayo ng Guidance sa school," nakayuko lang ito.
"Bakit? Anong nangyari, anak? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Han.
"Hindi po sa school ko. Sa school po nila Jeongyeon," napatigil sa pagsubo ng kanin si Seungcheol at napatingin sa asawa. "May binugbog po kasi na bata si Seungyeol."
"Anak?" tinitigan ni Jeonghan ang anak na si Seungyeol na ngayon ay pinaglalaruan ang pagkain niya. "Bakit ka nakipag-away?"
Nagulat ang mag-asawa nang tumingin sa kanila ang anak at puno ng luha ang mga mata nito. "Inaway kasi nung batang lalaki si Jeongyeon! Hindi ako papayag! Tinulak niya si Jeongyeon kaya sumubsob siya sa sahig!"
Lumipat ang tingin ni Jeonghan sa anak na babae na katabi niya lamang. Doon niya lang napansin ang galos sa tuhod nito. Nagulat silang lahat ng paluin ni Seungcheol ang lamesa.
"Aba! Loko pala yan eh! Tama lang ang ginawa mo! Walang pwedeng manakit sa kapatid niyo! Sino ba 'yang bata na 'yan ha? Sino 'yan? Babangasan ko 'yung mukha niyan. Tatanggalan natin ng braso 'yan. Hannie, ako ang pupunta sa school bukas," naka-kunot ang noo nito at galit na galit.
"Cheol, kalma lang, nasa kainan tayo," tumayo siya at kinuha ang first aid kit bago umupo sa harapan ng anak na babae at nilinis ang sugat nito. "Baby, dapat sinabi mo agad kay Papa na may sugat ka para nalinis natin," nang matapos siya ay hinalikan niya sa noo ang anak bago bumalik sa upuan. "Dalawa kami ng Daddy niyo na pupunta sa school bukas."
"Sorry Papa. Sorry Daddy. Sorry kasi pinairal ko yung init ng ulo ko. Ayoko na awayin nila si Jeongyeon," nakayukong sabi ni Seungyeol. Natutuwa sila dahil sa kabila ng ginawa nito, alam ng anak nila kung ano ang tama at mali. Bata pa ito pero alam nilang matalino ang anak katulad ng mga kapatid nito.
"Basta promise mo kay Daddy at Papa na hindi mo na uulitin ha? Okay lang na ipagtanggol si Jeongyeon pero wag kang mananakit ng kapwa. Kung sinaktan nila kayo, sabihin niyo samin at kami mismo ang pupunta sa school niyo para makausap sila at ang magulang nila, okay?" agad naman na tumango ang anak.
Matapos kumain ay balik na sa dati ang tatlong anak nila. Maingay na naglalaro at nagkukulitan. Masayang pinapanood ni Jeonghan ang mga anak at si Seungcheol na naglalaro ng jenga sa living room nila.
"Ayan na! Ayan na! Daddy, babagsak na!" maingay na sigaw ng bunso nila. Ang bilis ng panahon at hindi namamalayan ni Jeonghan na malaki na ang mga anak. Parang kahapon lang ay hinehele niya pa ang mga ito.
"Papa, sali ka na dito!" hinila siya ni Seungjae paupo sa pagitan nila ni Jeongyeon.
"YES!!" masayang nagtatalon si Seungyeol dahil natalo ang Daddy nila. Bumagsak ang mga blocks ng mabunot nito ang maling block. "Talo si Daddy! Talo si Daddy!"
Napailing na lang si Jeonghan. "Talo ka pala Daddy eh. Weak! Hahahaha," inasar niya lalo ang asawa.
"Nagkamali lang ako, isang game pa dali! Matatalo ko din kayo!"
Sa gabing 'yon masaya silang naglaro hanggang sa mag-10pm na, kailangan nang matulog ng mga bata.
Isa-isang humalik sa kanilang dalawa ang mga anak bago nagtungo sa mga kwarto nila. Nang silang dalawa na lang ang naiwan ay niyakap siya ni Seungcheol.
"Ang bilis ng oras. Ang laki na agad nila," isinubsob nito ang mukha sa leeg ni Han.
"Parang kahapon lang nung nagkita kayo ni Seungjae," natawa sila pareho dahil sa mga alaala.
"Natatakot akong baka isang araw, makita ko na lang na may mga asawa na sila, si Jeongyeon ikakasal na. Ayoko pa. Ayoko pa na mawala sakin 'yung mga anak ko."
"Cheol, bata pa sila. Oo mabilis yung panahon, hindi naman natin mapipigilan 'yon kaya sulitin na lang natin lahat ng oras habang bata pa sila," hinaplos niya ang mukha ng asawa bago hinalikan ang noo nito.
"Hannie, salamat sa pamilyang binigay mo sakin. I love you."
"I love you too, Choi Seungcheol."

BINABASA MO ANG
Nine Months || JeongCheol
FanfictionRead at your own risk. This is a BxB story. Please be open-minded while reading this book. Pairing: [JeongCheol] Yoon Jeonghan Choi Seungcheol Genre: Mpreg Language: Taglish