()10/25/20**

715 17 0
                                    

Nagising si Jeonghan na mag-isa at walang katabi sa kama.  Natawa na lamang siya sa katangahan na nagawa niya. Unti-unti siyang bumangon kahit na masakit ang katawan niya. Kailangan niya pang maghanda ng almusal ni Chan. Pagbaba niya agad na sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Chan.

"Hyung? Bakit ganyan ka maglakad? Ayos ka lang ba?" hindi maitatago ang pag-aalala sa mukha ni Chan.

"O-okay lang ako," dumiretso siya sa kitchen at pinilit na magluto ng pancakes kahit na nahihirapan.

Matapos nilang mag-agahan ni Chan, nagkulong nalang ulit siya sa kwarto at nakatulog ng may luha sa mga mata.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa isang banda, patuloy namang minumura ni Seungcheol ang sarili niya.

"G*go. Bakit kasi inulit ko pa 'yon? Magagalit sakin si Sohee. Sh*t talaga," patuloy niyang sinabunutan ang sarili habang nakahiga sa sariling kama.

"aaaah. Ano na ngayon ang gagawin mo, Choi Seungcheol? Ang tanga mo," pinilit na lamang ni Seungcheol na matulog.

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon