3

997 17 20
                                    

"S-Sehun, manganganak na ata ako..."

Nakabalik na si Seungcheol ng Seoul. Sinalubong naman siya ng mga makukulit niyang kaibigan na halos walang pinagbago. Kumpleto ang lahat maliban kay Chan na busy dahil sa exams sa school at graduating na.

"Ayo wassup!" bati sa kanya ni Hansol.

"Is you understanding me? My name is Seungkwan Boo. I live in Jeju. You know Jeju?" tanong nito.

"Ulok. Naiintindihan ko pa rin kayo," binatukan niya ang nakababata.

"Grabe Hyung. Ang tagal mong nawala. Mahigit tatlong taon na rin ang lumipas bago ka umuwi," masayang sabi ni Jun.

Oo, tatlong taon na. Hindi natuloy ang uwi niya three years ago. Namatay ang Lola ni Seungcheol, at naisipang ipamana sa kanya ang negosyo nito sa Germany. Bilang tagapagmana, siya na rin ang nag-ayos ng libing nito. Tatlong taon siyang nanatili sa Germany para makuha ang tiwala ng mga partners ng Lola niya sa negosyo. Hindi niya natupad ang pangako niya na uuwi siya agad para hanapin si Jeonghan, pero hindi naman ito nawala sa isip niya. Ito pa rin ang mahal niya.

"Big time ka na, Hyung! May limo na si Mayor!" sigaw ni Soonyoung na agad namang binatukan ni Jihoon.

"Ang ingay mo. Buhatin mo si Sian," inabot ni Jihoon ang dalawang taong gulang na anak kay Soonyoung. Isang taon matapos umalis ni Seungcheol, nalaman nila na nabuntis ni Soonyoung si Jihoon. Agad itong kinausap ni Seungcheol at sinabihan na wag iwan ang binata. Ayaw niyang matulad sa kanila ni Jeonghan ang dalawa. Luckily, nakinig sa kanya si Soonyoung na mukhang nagulat lang naman at hindi takot sa responsibilidad. Ngayon, meron na silang cute na cute na baby Sian na nagmana ata ng mukha kay Jihoon.

"Ang bebe Sian ko. Ujjuju. Tingin ka kay Tito Cheol, ayun si Tito Cheol," inilapit ito sa kanya ni Soonyoung. "Hingi ka ng house and lot kay Tito Cheol dali. Mayaman si Tito Cheol," nagtawanan silang lahat dahil nakakuha ito ng batok galing sa asawa na ngayon ay hawak na ang sapatos nito.

Mga walang pinagbago.

Sa isang gilid naman, nananahimik si Mingyu at Wonwoo. Natatawa lang si Wonwoo sa asawa dahil napakatahimik nito. Napansin naman sila ni Seungcheol.

"Ang tahimik mo ata, Gyu?" pero hindi ito sumagot.

"Siya kasi 'yong naglilihi para sakin," natatawang sagot ni Wonwoo.

"Naglilihi?" biglang nanlaki ang mata ni Seungcheol at napatingin kay Wonwoo. "Buntis ka?!" sinagot lang siya ng isang tango ng nakababata.

Ang dami na talagang nagbago sa kanila.

"Cheol hyung, ninong ka ha?" nilingon naman niya si Seokmin na may malaking tyan. Sa likod nito ay proud na proud na Tatay na si Jisoo. Hindi niya inaakala na magkakatuluyan ang dalawang 'to.

"Oo ba," natutuwa siya sa kinahantungan ng mga nakababata.

"Tatayo lang ba tayo dito? Naiinitan na 'yong anak ko," nakataas kilay na tanong sa kanila ni Jihoon habang nakatapat ang handfan sa anak na si Sian. Parang naiintindihan ng bata ang pagmamaldita ng ina niya dahil tinaasan din sila ng kilay nito kaya naman nagtawanan ang lahat.

Pumasok na sila sa limo at nagpahatid sa condo na tutuluyan ni Seungcheol. Hindi niya alam kung anong trip sa buhay ni Choi Seungmin at limo ang ipinadala, agaw atensyon tuloy sila sa kalsada. Nakangiti siyang tumingin sa bintana ng sasakyan.

Sa wakas, maitutuloy ko na ang paghahanap sa inyo.


     
      
"Seungjae, halika na dito. Maliligo ka na," tawag ni Jeonghan sa ngayon ay three years old niyang anak.

"Guthto Thungjae tha miming pool!" pagrereklamo ng anak niya na nakatayo sa labas ng banyo.

"Hindi pwede. Wala kang kasama maligo," pinuno ni Jeonghan ng tubig ang bathtub at kumuha ng bath bomb para naman maaliw ang anak habang naliligo.

"Thama mo thi Thungjae hehehehe," nginitian siya nito sabay kagat sa stuffed toy niya.

"Bawal. Halika na dito, wag mo kagatin ang toy mo," inalis ni Jeonghan ang damit nito at binuhat. "Look, may car bath bomb si Papa," hinulog niya ito sa bathtub at nagtagumpay naman siya dahil tuwang tuwa si Seungjae nang magsimula nang kumalat ang kulay ng bath bomb.

Hinayaan niya munang maglaro ang anak niya sa bathtub at hinanap ang bagong bili niya na shampoo nito. Nasa kusina na siya nang mapahinto siya sa harap ng fridge. May nakadikit doon na papel at may drawing ni Seungjae. May tatlong tao doon at may nakasulat na "Papa, Seungjae and Daddy". Lumalaki na nga ang anak niya. Madalas itong nagtatanong kung nasaan ang Daddy niya na agad niya namang nililibang sa ibang topic. Tatlong taon na ang lumipas pero hindi na sila ulit nagkita ni Seungcheol. May tampo pero hindi niya maitatanggi na mahal niya pa rin ito.

"Papaaaaaaaaa!!!!" nabalik siya sa sarili nang marinig niya ang sigaw ng anak. Agad niyang dinampot ang shampoo na nasa ibabaw ng lamesa at bumalik sa banyo. Nakita niya ang anak na nakatayo sa bathtub at umiihi sa sahig. "Thungjae, wiwi."

Tinapos niya na ang pagpapaligo dito at binihisan. Saktong dumating na rin ang babysitter ni Seungjae. Si Chan.

"Tito Thaaaaaannn!!" nagtatakbo ito at niyakap ang binata.

"Hello baby Seungjae! Hi Hyung," bati nito kay Jeonghan na naghahanda na ngayon ng makakain nila.

"Hi Chan, tara kain na," aya nito. Last year lang silang nagkita na dalawa at nakiusap si Jeonghan na wag sasabihin ni Chan sa iba ang tungkol sa kanila ni Seungjae. Hindi niya alam kung bakit gusto niya munang ipagdamot sa iba ang anak niya. Nakaupo na sila sa mesa at nagkamustahan bago siya nagpaalam kay Chan at Seungjae na papasok na siya sa trabaho. Si Chan ang madalas na nagbabantay sa bata kapag wala si Jeonghan.

"Seungjae, wag magpapasaway kay Tito Chan. Dapat good boy para pag-uwi ni Papa may pasalubong, okay?" ginulo niya ang buhok nito.

"Thungjae bantay kay Tito Than," tinawanan nalang nila ang ka-cute-an nito.

Nagpaalam na ulit si Jeonghan at tuluyan nang iniwan si Seungjae kay Chan. Naglalaro ang dalawa nang makatanggap ng text si Chan mula kay Minghao.

From: Minghao hyungie

Andito na siya.

Napangiti ng palihin si Chan bago itinuloy ang pakikipaglaro kay Seungjae.

Nine Months || JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon