Chapter 4
My sister (PART 1)
Sophie's P.O.V
"Bye mom! I have to go."sabi ko at ki-niss na si mom sa cheeks niya.
"Okay. Siguro mamaya medyo gagabihin ako ng uwi. Mag-dinner ka na lang or if you want isabay mo na lang si manang."
"Okay po."sabi ko ulit at umalis na
Mga 30 minutes pa lang ay nakarating na ako sa school. Omo! Ngayon na nga pala ang election ng student councils at class officers. Sana wala nang bumoto saakin, grabe bugbog sarado nanaman katawan ko. Buto-buto na nga lang ako tapos mapapasali pa ako sa SC at Class officers. Sobrang daming ginagawa dun no!
"Uy Em masyado kang seryoso diyan ah!"biglang sabi ni Alodia at inakbayan ako.
"Tse!"masungit na sabi ko
"Good morning."nakangiting sabi ni Neomi
"Anong good sa morning aber?"sarcastic na tanong ko.
"Mali ka nang tanong Em, sino hindi ano."nakangiting sabi ni Yellow
"Eh? Sino naman?"clueless ako ah hahaha!
"Ako."proud na sabi niya
Okay biglang nasira yung mood ko.
"Ano ba 'yan tuluyan ng nasira yung morning ko."naka-crossed arm na sabi ko.
"Ang kapal ng mukha."naka-taas kilay na sabi ni Neomi.
"Ano ba 'yan ang hangin."sabi rin ni Alodia.
"Tanggapin niyo na lang kasi, insecurity niyo eh dumadaloy nanaman."cool na sabi niya.
"Lul."sabay-sabay na sabi namin
Okay, ahm medyo pagpasensiyahan niyo na si Yellow medyo makapal talaga mukha niyan. Kulang nga ata sa buwan 'yan eh hahaha!
Hindi namin namalayan na nasa tapat na kami ng room. Pumasok naman na kami 'agad, naku maunahan pa kami ni sir pumasok edi lagot na. Sakto naman na pagka-upo namin ay dumating na si sir.
"So class are you ready?"sabi ni sir.
"Yes!"sigaw naman ng nga classmates ko.
Well, buti pa sila ready na. I'm pretty sure na pasok talaga kaming apat diyan pero sana hindi.
"Ok let's start, now nominate the people you want to be your class president."sabi ni sir. Hudyat ng pagsisimula.
"Sir I nominate Neomi Montellano for the president."sabi ni Ella
"Okay who else?"tanong pa ni sir
"Sir I want to nominate Sophie Emerald Ching for the president."sabi ni Abbey.
Mga bwisit to, sinasabi ko na nga ba eh. After that hindi na ako nakinig. Mga ilang minuto pa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Maya-maya pa nagulat ako ng may biglang bumatok sa'kin. Sayang, nandun na eh kasama ko na yung prince charming ko sa panaginip ko aba!
Inangat ko naman na yung ulo ko para makita kung sino ba yung punyetang nambatok sa'kin. Pero pagtingin ko ay kaming apat na lang ang nasa room. Okay, ahm medyo napasarap pala talaga yung tulog ko hehe.
Pero bago ako mag-enjoy kakaisip ng panaginip ko ay tinignan ko silang apat ng masama.
"Sinong walang hiya ang nambatok sa'kin?!"inis na tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Pambara Girl
Teen FictionShe's not the typical nerd you know.Yes she's different to other nerd. She's Sophie Emerald Ching and this is her story. How different she is? Let's find out.