CHAPTER 38

25 1 0
                                    

Chapter 38


Who are you?





Sophie's P.O.V

Bakit kaya kailangan pang mag-aral eh magtatrabaho din naman tayo no? Ba't kaya may mga punyetang komplikadong problem pa sa math eh plus, minus, times tsaka divide lang namag nagagamit natin?





Daig pa lovelife ko nitong math na to, ano nagcocontest kayong dalawa?



Ito ring science napipikon na ako dito break na kami.. Yung english mahal na mahal ko pero yung teacher walang silbi ano na? Babagsak ba ako ngayon? Bat ba kasi napaka komplikado ngayon?



Natatanga ako lagi kasi akong bangag, lumilipad yung utak ko spaceship na ata sinasakyan nitong gaga na to eh.







Alam niyo ba chika ko lang sobrang nakakahiya yon pero natatawa ako.. Nagpa-quiz kasi sa math.. Pinalabas ako kasi blangko yung papel ko tapo tinanong ako ng teacher namin kung bakit yon blangko sagot ko ba naman 'eh sa ang bilis mo magsalita paano ko mage-gets yang problem mo, komplikado na nga may timer pa yang bibig mo.'




Tapos alam niyo ba AHAHAHAHAHAHAHA. Na-guidance ako pero natatawa pa ako, shet nabaliw na ba ako matapos ng break up ko? Siraulo lang tumatawa ng napapgalitan at napapahiya eh AHAHAHAHAHAHAHA.






"Uy prend.. Umayos ka nga! Nangiti ka pa diyan."sabi ni Alodia




Natawa ako lalo AHAHAHAHAHAHAHA. Wala na siyang nagawa kung hindi tumawa din.. Nakakailang punta na ako sa guidance ngayong buwan ah napakaangas. Nag-transfer na dito si Alodia nakakatuwa nga di na ako loner hehe.






"Gaga, ang LT naman kasi.. Grabe bumalik ako sa wisyo ng dahil kay maam!"


"Baliw ka na nga! Dahil sa ginawa mo baka ibagsak ka niya sa subject niya. Alam mo namang sa lahat ng teacher 'yong teacher na yon ang pinakacomplicated."



"Oo kaya dila niya complicated din AHAHAHAHAHAHAHA!"






Napakademonyo ko naman AHAHAHAHA.. di ko talaga maiwasang matawa kasi naman LT yung mukha ni maam parang puputok na sa galit..







"Kasi pano na yan? Baka ibagsak ka nung bruhang yun.. "Nag-aalalang tanong ni Alo

"Edi magkikita tayo ulit!"



"Gaga bat kasama ako eh magfi-first year na ako. Ikaw lang no!"sabi niya



"Akala ko ba bestfriend kita dapat samahan mo din ako!"sabi ko at tinawanan siya








Tinignan niya lang ako ng masama.. Hays hindi ko rin maisip kung bat ako nagkakaganito.. Nababaliw na ako..







"Alo, samahan mo nga ako magpalit ng napkin."

"Tara."





Dumeretso kami sa CR. Naalala ko nung panahong boyfriend ko pa si Arlo.. Binilhan niya ako ng napkin napakadami nga non eh iba ibang brand.. Tapos ay binilhan niya rin ako ng matatamis..




Nakakamiss talaga.. Alam ko sa puso ko na gusto ko pa rin siya. Hindi ko lang alam kung paano ko siya patatawarin. Pagtapos ko magpalit ng napkin ay lumabas na ako at bumalik na kami sa klase ni Alo.



Siguradong mapapalabas din ako kung sakaling mag papa-quiz sa science oha. Paniguradong may sermon ng nga pari sa bahay pag-uwi ko. Alam ko tinawag na nila sa parents ko yung about sa nangyari kanina ilabet. Sermon talaga hapunan ko nito mamaya.




****


Gaya ng inaasahan nag-quiz nga sa science pero di ako napalabas awieee! Nangopya ako kay Alodia.. Napaka-brainy ko talaga hihi.





"Daya neto! Mas mataas pa sakin."sabi niya


"Mas mataas score ko kasi di mo binasa ng maayos yung dalawang number don! Thank you pala hehe love you Alo mwah!"







Hoy kahit naman nangopya ako atleast may alam ako no! Saan ka makakakita na yung nangongopya pa yung magtuturo sa kinokpyahan niya? Tinatamad lang talaga ako mag-isip.






"Tara na prend. Kailangan ko na umuwi, magdidinner kami ngayon kasama sila tita eh! Babush."sabi niya at nauna na




Sige okay lang sanay na ako. Charot hahaha! Dahil diyan maglalakad ako pauwi para matulog na sila hehe. Ligtas ako sa sermon pag nagkataon diba?



Tahimik akong naglalakad ng may babaeng sumabay sakin.. Di ko na pinansin ayos lang mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Aanhin naman ako niyan? Mukhang mas malakas pa nga ako diyan sa taba kong to.





"Talaga bang hahayaan mo na maging ganito ka habang buhay?"





Nagsalita yung babaeng kasabay ko.. Lumingon ako sa kaliwa at kanang bahagi ko pero ako lang naman ang tao ako kaya ang kausap niya?








"A-ako ba kausap mo?"kasi naman malay niyo assumera lang ako malay niyo meron siyang nakikita na di ko nakikita


"Of course."


"Anong sinasabi mo? Di ko magets."sabi ko clueless kaya ako sa sinsabi nitong gaga na to nakahoodie siya eh halatang kakajogging lang hindi masyadong matanaw ang mukha niya




"You know what I'm saying."tapos ay inalis niya yung hoodie niya ay gagang to fiancee pala ni dabog tong kausap ko








Bat niya naman ako kinakausap ano, papamukha niya sakin na mukha akong tanga? Alam ko nama na yun kahit di niya sabihin naghahanap na ako ng paraan para maiayos ko ang sarili ko duh.







"Pwede ba wag mo ako pakealamanan. Mind your own business. Sabi ko at binilisan ang lakad ko."


Echoserang frog to!



"Cancelled na ang engagement namin, 3 months ng cancelled yon.. Sana makatulng to sainyo. I helped him, nakita ko kung gaano ka niya kamahal.. Hindi pa huli ang lahat Sophie. Bye bye."sabi niya at nauna na






3 months? Eh halos 3 months na kaming break eh.. Ibig sabihin gumawa agad siya ng paraan para macancel ang engagement niya.. Bakit hindi niya sinabi, bakit nagpakahirap siya sa araw araw na pagpunta ng di Ma lang sinasabi sakin yung totoo..

The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon