Chapter 39
Where are you?
Sophie's P.O.V
After na malaman ko lahat yon sa ex-fiancee ni dabog ay sising-sisi ako sa kagagahang nagawa ko.. Napakatanga ko naman haha.
Kung siguro binigyan ko siya ng pagkakaton para makausap ako.. Kung sana lang di na ako naging pabebe.. Kung sana lang di na ako nag-inarte. Kung sana noon palang naisipan ko na lumaban kahit na nalaman ko yung totoo..
Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya..
Nasaktan lang ako.. Nabulag ako sa sakit na nararamdaman ko hinayaan kong talunin ako ng mundo.. Naging immature ako at hindi muna siya pinakinggan. Pinalabas ko sa dalawang butas ng tenga ko lahat ng paliwanag niya.. Nagbulag-bulagan din ako sa mga effort na ginawa niya para magkabalikan kami ulit.
Naging pusong bato ako dahil sa kaartehan ko...
Ngayon.. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Kahit ayaw niya na sakin ako naman ang lalaban para saaming dalawa. Hindi ko man alam kung anong maging result nito ay lalaban pa rin ako para sa aming dalawa.
Pumunta ako ngayon sa bahay nila dabog pero walang tao.. Sabi sa akin yon ni manang ay wala daw buong pamilya ni Arlo doon hindi man sinabi kung saan nagpunta. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si kuya na nagta-type.
Kakapalan ko na mukha ko tatanungin ko na siya.
"K-kuya.."napatingin naman siya seryoso pa rin yung expression ng mukha niya
"Ano yon?"tanong niya at nag-type ulit
"Ahm.. Ano kasi.. Kasi-"
"Sabihin mo na wag kang mahiya."sabi niya at tinignan na ako kalmado na yung itsura niya ngayon
Laki na ng pinagbago ni kuya mas seryoso pa yan sa pag-aaral kesa sakin o pak.
"Alam mo ba kung saan ko makikita si Arlo.."sabi ko at yumuko
"Akala ko ba ayaw mo na sakanya bat mo hinahanap."
Tignan mo tong kabastusan talaga ni kuya! Nilamon ko na yung natitirang pride ko sa katawan nakakairita grrrr! Feeling ko tuloy napahiya ako dahil sa sinabi niya.
"Okay, nevermind.."
"Ang gulo niyong dalawa.. Ngayong wala na siya hinahanap mo na."sabi niya
Di ko na pinansin naaasar ako kay kuya parang tanga eh khit kailan talaga di ako sinuportahan niyan grr badtrip!
****
Pagdating ko sa kwarto nag-facebook ako umaasa ako na makakakuha ako ng whereabout sakanya doon.
Inistalk ko yung acc niya.. Walang bagong posts.. 1 month ago yung nakalagay sa chat.. Nakita ko yung huling chat niya sakin bago ko siya i-blocked. Oh edi bitter nako pake niyo ba.
Humingi pa siya ng tawad sa akin non.. Napaka-wala kong puso. Sophie bat ba ang gaga mo? Why so gaga ha?
Ganon din ng ginawa ko sa mga acc ng kaibigan at kapatid niya.. Pero hindi nga sineen ni Ana yung pm ko sakanya eh.. Siguro nagalit na sila dahil sa ginawa ko kay Arlo.. Pagmukhain ko ba namang tanga 'yong tao eh.
Ba't kasi ang tanga tanga mo Sophie ano ayan napapala mo.
Nag-message ako sa nga kaibigan niya pero ang sagot lang nila ay di nila alam kung na asan si Arlo.. Dahil don sobrang nalungkot ako at di ko na napigilan yung luha ko.. Ito na ba yung karma ko dahil sa kaimmaturan ko?
Nagulat naman ako ng may kumatok.. Agad ko namang pinunasan yung luha ko.. Nakahinga ako ng maluwag ng si ate yung pumasok umiyak na lang ako lalo.
Pinapunta siguro siya ni kuya dito.. Kahit papaano pala ay mahal pa ako ni kuya..
Niyakap ko si ate at umiyak ng umiyak.. Sumunod namang dumating si kuya at niyakap kaming dalawa ni ate.. Naiyak ako lalo.. Alam kong maling mali ako..
"Ate.. Kuya.. Nagkamali ako sorry..."sabi ko at umiyak ulit
Hindi na sila nagsalita tinapik na lang nila yung likod ko..
BINABASA MO ANG
The Nerdy Pambara Girl
Teen FictionShe's not the typical nerd you know.Yes she's different to other nerd. She's Sophie Emerald Ching and this is her story. How different she is? Let's find out.