Chapter 37
Blinded by anger
Sophie's P.O.V
Weekend ngayon at nasa mall kami ng mga aso ko, charot lang haha. Sila Alodia yung kasama ko no! Nagulat nga ako nagyaya ang mga gaga. Syempre dahil broken ako papalibre ako sakanila.
"Libre niyo to ah!"sabi ko
"Ay nako dapat pala di na natin ininvite si Sophie!"Yellow
"Di wag mag-isa kang gaga ka!"sabi ko at nagwalk out nakakainis naman kasi grr
Hindi ko nga maintindihan kanina pa ako ganito hindi ako makasabay sa trip nila.. Nakakairita ang pikon ko! Naglakad na ako dede deretxho lang grr nanggigigil talaga ako..
Bigla namang sumulpot si Neo sa harap ko kasama niya si Alodia.. Tinaasan ko lang sila ng kilay
."Uy Em tara na eto naman alam mo naman yun si Yellow, tara na nga lilibre ka na namin!"Alodia
"Mas mahal pa yung ililibre namin sayo kesa sa mga binibili sayo ng Dabog mo."
Mas lalo namang nag-init yung ulo ko ng marinig ko yun galing kay Neo... So ano bastusan na? Naiirita na talaga ako!
"Wag niyo na ulit akong yayayain sa gala ha?"sabi ko at iniwan sila
Mas lalong kumukulo yung dugo ko pag naririnig ko yang punyetang Arlo na yan.. Hindi ko na kasi maintindihan sarili ko ginawa ko na lahat para nakalimot diyan sa hayop na yan di ko malimot limot!
Sana pala nagpabangga na lang ako sa truck noon.. Isang buwan na rin ang nakalipas pagtapos ng pangyayaring yon.. Kung nabangga kaya ako non magkaka-amnesia kaya ako?
Siguradong di ko na mararanasan tong sakit araw araw.. Matatakasan ko na yung siraulo kong utak na araw araw na lang iniisip si Arlo.. Yung puso ko magiging stable na kahit makita ko siya.. Yung mga luha ko di na ukit tutulo tuwing maalala ko siya diba..
Mas lalo akong naiirita kasi ang oa ko ngayon.. Lahatna ata ng bagay kinainisan ko grrr.
Nagdecide na lang ako na bumili ng damit..
"Maam may large po kaming size niyan."
"Di kita tinatanong shut up."sabi ko at iniwan yung saleslady tignan mo yung kabastusan non
Dahil sa inis ko ay bumili ako ng ice cream.. Pero di pa rin ako satisfied naiinis pa rin talaga ako.. Lalo na naging mag-isa ako ngayon dito kupal kasi yung mga kaibigan ko eh haha.
Mga ilang minuto pa ay na-boring ako ayun umuwi ako. Ganto na yung buhay ko ng maging single ako.. Loner na masyado kasi kahit mga kapatid ko nasusungitan ko.. Ano na bang nangyayari sakin!
Dumeretso na ako sa kwarto.. Ayon nag-cellphone lang ako, dinownload ko yung bagong laro ngayon yung uso yung pati tore pumapatay..
'You have been slain'
Punyetang pusa yon napatay ako grr! Resurrecting pa grr patay ka sakin pagbalik ko diyan.
'Enemy rampage!'
Nabwisit ako grr namatay nanaman ako, binato ko yung cellphone ko sa inis. Lumabas na lang ako pumunta ako sa may pool. Nakapajamas naman ako kaya di na issue yung lamok. Pero naisipan kong magtimpla ng gatas para mas antukin ako.
Pagdating ko don ay tinamad ako magtimpla kaya ng fresh milk na lang ako. Sakto namang dumating si ate.
"Midnight snack?"tapos ay tinaas niya yung nachos
Sumunod na lang ako sakanya..
Pumunta kami sa salas at kumain..
"Sis pansin ko lang halos 1 month na di nagpapakaita si Arlo ah.."sabi niya
Binaba ko naman yung gatas na hawak ko.. Oo tama isang buwan na di nagpapakita dito si Arlo.. Nagsawa na siguro kakasuyo sakin, panget panget ko na nga diba pabebe pa ako.. Baboy pa sino ba namang magtatyaga pa sakin. Hayaan ko na lang siya don siya sasaya eh.
"Ate please wag mo na babanggitin sakin si Arlo.. Kinakalimutan na namin ang isa't isa.."
"Are you sure?"Ate
"Ewan.. Bahala siya. Akyat na ako ate."
Sabi ko at tumayo na pero bago pa ako umalis ay nagsalita ulit si ate.
"Hindi mo ba naisip na parang nabubulag ka na lang sa galit Sophie? You've gone too far.. Wala lang share ko lang sige pahinga ka na.. Decision mo naman ha after all. Pinapayuhan lang kita baka may bagay kang pagsisihan.. Goodnight sissy."sabi niya at naunang umalis nagligpit na siya ng pinagkainan namin eh
Masyado na bang sumobra yung kagagahan ko?
Napatulala na lang ako.. Nakita ko si ate na paakyat na sandali siya huminto tapos ay tinuro ang pwet niya.. May pwet din ako mas malaki pa sayo ate nako ka!
"May back leak ka. Bye bye!"sabi niya at umakyat na
Shet.. Kaya pala kumukulo dugo ko!
BINABASA MO ANG
The Nerdy Pambara Girl
Teen FictionShe's not the typical nerd you know.Yes she's different to other nerd. She's Sophie Emerald Ching and this is her story. How different she is? Let's find out.