Epilogue
"Mama! Si Valerie oh kinukuha yung toy ko."sigaw ni Skyler
Nako itong mga anak ko talaga napakakukulit.
"Baby.. please behave muna kayo okay? Nagluluto pa si mommy ng dinner natin oh. Wag niyo ring kukitin si daddy ha maglaro lang diyan. Ate Valerie give it to Sky.. behave nalang jan."sabi ko habang naghihiwa ng kamatis
"Sige po mama!"tapos tumakbo na sila sa salas para maglaro
Nagluluto ako ngayon ng breakfast namin, linggo naman ngayon kaya wala ako masyadong ginagawa. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtuturo kahit na demonyo ang mga nakapaligid saakin. Naging demonyo na lang din ako, joke hahahaha.
Si Dabog na asawa ko ay CEO na ng company nila kaya madalas busy.. namumuhay kami ngayon ng simple. Hindi masyadong malaki gong bahay di rin ganon kaliit. May dalawa kaming anak isang babae at lalaki.. Si Valerie ang panganay sakanila ni Sky. Ang pamilya ko ang nagiging stress reliever ko, happy pill ko ang mag-aama ko.
Si Valerie at nine years old na si Sky seven hindi naman na sila ganon kaalagain. Kahit makukulit yang mga anak ko ay nawawala ang pagod ko tuwing nakikita sila. Tinawag ko na sila pagtapos ko magluto. Pinuntahan ko na rin ang mahangin kong asawa sa office niya dito sa bahay. Nakakatampo na nga minsan yon eh feeling ko mas asawa niya pa yong mga papel don jusme!
"Daddy kakain na, mamaya na lang yan."sabi ko at niyakap siya ng nakatalikod
"Alright alright."sabi niya at nginitian ako
"Ang aga aga nagpapakabusy ka jan ayan ang dami mo ng wrinkles."sabi ko at hinawkan yunh mukha niya
"Ayaw mo na ba sakin kasi madami na akong wrinkles?"sabi niya siraulo talaga to
"Diba pangako natin na sabay tayong tatanda syempre hindi kita hihiwalayan ng dahil lang sa wrinkles. Nahiya naman yung mga pinagdaanan natin diba?"sabi ko
"Oo na po, ito talagang asawa ko binibiro ka lang eh! Baba na tayo nag-aantay na yung dalawa don"sabi niya at hinila na ako pababa
**
"Wow bacoooon!"sigaw ni Sky
Natawa naman ako sa reaksyon nila. Paborito talaga nila yan, pati gatas.
"Sige na upo na kayo."sabi ko at nilagyan na sila sa plato nila bg pagkain
"Mama promise po ah pupunta tayo sa park mamaya para mag-picnic!"sabi ni Valerie
"Of course baby."sabi ni Arlo
"Pero bago yun magsisimba muna."sabi ko at kumain na rin
Nang matapos kumain nagligpit na ako at inasikaso na sila family bonding namin tuwing linggo. Depende na lang sa trip namin kung ano gagawin namin.
**
"Baby hawak sa kamay ni mama Our Father na."tapos ay humawak naman sila
Matapos yung misa ay dumeretso na kami sa park. Naglatag ako ng tela at nilagay na doon yung mga pagkain.
"Mamaaa! Lalaro lang po kami nila papa."sigaw ni Valerie
"Take care!"sabi ko nang matapos ako mag-ayos ay pinagmasdan ko ang maga-ama ko
Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito ni Arlo.. hindi ko akalain na makakahanap ako ng taong tatanggap sakin kahit na panget ako at panget din ang ugali ko..
Noon hindi ko akalain na makakapag-boyfriend ako at magkaka-asawa.. pero eto ako ngayon.. nagsimula lang lahat yon sa kahayupan ni Dabog tapos eto na may pamilya na kami.. siya ang naging una at huli kong boyfriend nakakatawa mang pakinggan. Akala ko noon habang buhay na akong mabububay na malayo sa tao. Pero may isang tao na naakit sa ganda ko hahahaha.
Napakaraming nangyari na minsan sumagi sa isip ko na sumuko na.. pero eto pa rin kami ngayon pinaglayo man pero nagkabalikan pa rin..
Tama nga yong kanta.. If it's meant to be it'll be.. kung para sayo yun mapupunta sayo yun.. just be patient to yourself. Wag kang magmamadali, wag magpadalos dalos ng mga desisyon.
Habang tumatanda tayo ay nagbabago na ang takbo ng isip natin nagiging mature na tayo. Hindi lahat ng tao nahahanap agad yung taong para sakanila maraming beses din akong umiyak at nabigo pero di ako nawalan ng pag-asa.
Unahin mo muna yung sarili mo bago ka magmahal ng iba.. hindi mo kayang magbigay ng pagmamahal kung ni kakarampot ng pagmamahals a sarili mo ay wala ka.. ang pakikipagrelasyon ay di naman minamadali. Enjoy your life to the fullest.
Kasi akala ko noon hanggang sa pagiging nerd na lang ako eh hanggang may dumating na Dabog sa mundo ko.. sinamahan ako through thick and thin.. kaya ngayon masasabi kong ang kompleto na ako at kuntento na sa buhay ko.
The Nerdy Pambara Girl is now officially signing off.
The end.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Pambara Girl
Teen FictionShe's not the typical nerd you know.Yes she's different to other nerd. She's Sophie Emerald Ching and this is her story. How different she is? Let's find out.