Chapter 45
If it's meant to be it will be.
Sophie's P.O.V
Nagmamadali na ako ngayon, punyeta late nanaman ako mauubos na yung sahod ko sa kaka-late ko! Nasstress na ako ah traffic pa. Jusme naman monday na monday yung mga hayop kong estudyante malamang sa malamang nagta-transform nanaman yon.
Lingid sa kaalaman niyo nagiging jungle yong room nila don may iba't ibang klase ng mga hayop. May biik, may mga aso, may mga kambing napapakamot na lang ako ng kilay.
Lintek na advisory ko yan oras oras na ata akong nasa guidance. Lord bakit po? Gusto ko lang naman pong mabuhay ng tahimik at masaya bakit pinaligiran niya ako ng mga demonyo? Mapapamura ka talaga sa traffic na to eh.
Sis nakakotse ako, ano walang wala na akong sasahurin kakaltasan pa ako ng tax. Abono ko pa anak ng tokwa oo. Ewan ko ba kung bakit nag-Educ ako. Eh ayoko naman sa mga tanga tapos eto pag sinwerte ka nga naman talagang pinalibot pa sakin mga demonyo.
Ayan animal akala ko bukas pako makakaalis dito sa wakas mga beh. Eto na umusad na rin. Nakarating na ako sa school, nag-time in at ayan tatakbo na po. Pangatlong klase ko na to, major in English ako at secondary ang tinuturuan ko kaya given ng demonyo talaga sila grr.
"Good morning ma'am Ching."
"Get your modules, turn to page 81 read the story and analyze. I will ask questions after you read it, list down all the characters and it's theme."sabi ko at ginawa muna yung mga grades pasahan na ng grades pero eto ako niru-rush ang saya sarap manakit
**
"Uy friend haggard na haggard ka nanaman!"sigaw ng baklang si Alodia
"Ano bang pake mo, ikaw mag-ayos ng grades dito tignan ko lang kung ganahan ka pa magpaganda."sabi ko at inirapan siya
Hindi ko pa rin siya tapos, ayon nangigigil na sila sakin. Pake ko sakanila sila gumawa ng grades minsan tong mga kaworkmate ko masarap pagsasampalin eh. Akala mo walang mga baho sa katawan pwe!
Baka nagtataka kayo, I choose this field because I wanted to. No one decided this course for me. Ewan ko ba, tapos tangina lang sa public ako nagturo. Sabi nga sakin ni dad nagsasayang lang daw ako ng lakas kasi kung sa company ako may comfy. Nako hanggang kailan naman ako mabubuhay sa saya at barong ng parents ko diba.
"Eto naman highblood nanaman, hulaan ko binwisit ka nanaman nung advisory mo no?"sabi niya
"Ano pa nga bang gagawin ng mga hayop na yon, napatawag nanaman ako sa guidance bakla grrr! Gusto ko na manakit."
"Siya sige kumalma ka na jan para kang si San Goku, mauuna na ako friend pinapauwi ako ni mommy magdi-dinner daw."nako kunwari pa tong haliparot na to haharot lang to eh
"Fuck you, mommy mommy ayaw mo pa sabihin. Sige lumandi ka na di kita pipigilan ayoko maging hindrance sa kapokpokan mo."
Narinig ko naman na tumawa siya ng malakas, hmm makapaggala nga din. Waka namang tao sa bahay pag-uwi ko. Sa condo ko naman malungkot, yes kahit papano may napundar na ako no! Out of town sila mommy, si ate busy yon sa trabaho si kuya naman sa company. Magma-mall muna ako total patapos na rin naman yung grades send ko sa mga inggratang co-teacher ko mamaya HAHAHAHA.
**
Nandito na ako ngayon sa mall, dumeretso ako sa Dairy Queen. Ice cream lang katapat nitong kabadtripan ko. Nang makabili ako kumain na lang aq habang naglalakad gusto mo maglibot.
Ang taray may book signing sa activity center ng mall kaso nakakatamad bumaba. Bumili na din ako ng snacks. Magpapakabusog ako walang makakapigil sakin. Maya maya pa may narinig akong pumutok ano yon?
Tinignan ko yung lugar na parang pinanggalingan ng putok, nakasalubong ko yung mga tao palabas sila parang mga tanga ampota. May sunog na nga eh ano magagawa ng pagpapanic nila bobo ba sila?!
Tapos tanginang pangyayari may bumangga sakin argh! Naipit ako dito sa crowd nagsisimula ng dumami yung usok ano ba namang buhay to. Minsansanan na lang yung gala ko makaka-encounter pa ako ng ganito. Teka hayop pano ako makakaalis dito nastuck ako mga bobo tong nasa harap.
Tinry ko umalis dito na ba ako mamatay? Tapos nagulat ako ng may humila sakin di ko na tinignan kung sino kumakapal na yung usok nakaka suffocate na. Buti na lang matalino tong humila sakin binasa niya yung panyo niya at pinantakip sa ilong ko.
Nakipagsiksikan kami, palabas na sana kami ng may makita akong bata di ko natiis iniwan ko yung humila sakin para iligtas yung bata. Pinilit kong lumabas pero nagulat ako may tumulong saakin, nandon pa rin pala siya. Di ko makita yung mukha niya eh nakatakip ng panyo.
Ayon successful kaming nakalabas.. nakichismis ako sa nga guard, galing daw sa isang restaurant yung sunog.. mga hampas lupang yon ipapahamak pa kami!
Bumalik naman na ako don sa ba tsaka sa nanghila sakin syempre wag inggrata tinuruan naman ako ng nanay ko mag-thank you no.
"Thank- Arlo?"
Na-shock ako ng to the highest level, siya pala yung humihila saakin? Tinignan ko yung damit niya.. oo siya nga yung nanghila saakin. Anong ginagawa niya dito? Limang taon na rin nung huli ko siya nakita. Wala akong naging balita sakanya..
"Long time no see Nerd."sabi niya at ngumiti habang nakatulala pa rin ako hindi ako makapaniwala..
BINABASA MO ANG
The Nerdy Pambara Girl
Teen FictionShe's not the typical nerd you know.Yes she's different to other nerd. She's Sophie Emerald Ching and this is her story. How different she is? Let's find out.