CHAPTER 17

213 15 8
                                    

Chapter 17

Killer sa ano, sa ano kasi...

Sophie's P.O.V

"Totoo Em? Ikaw ah baka naman nanjo-joke time ka nanaman naku! Babatukan na talaga kita."sabi ni Alodia

Tignan niyo 'tong kabastusan nito. Siya yung nagpapakwento tapos ayaw maniwala may krung krung talaga sa utak 'to eh.


"Gaga ka edi sana di ka na nagpa-kwento di ka naman pala maniniwala."

"Kasi naman yung creepy na yun kasabay mo umuwi?! Buti buhay ka pa hanggang ngayon friend!"sabi niya ng tinatapik pa ako sa braso



Nandito kami ngayon nakaupo sa bench na malapit sa building namin. Break tim na rin kasi.


"Oo nga tapos ano kasi, kasi ano."

"Ayan ka nanaman! Pabitin nanaman 'tong  nerd na 'to!"sabi niya


"Kasi ano nga, ganito yun nakatulog siya-"

"Tapos nakahiga siya sa balikat mo diba? Tama ako diba?! Wahahaha! Yan yung nga napapanood ko sa movie eh yie. Ang haba ng hair mo Em ah uyy!"sabi niya ng kinikiliti nanaman ako


"Manahimik ka nga saksakin ko yang ngala-ngala mo eh. Anong mahaba ka diyan! Kung killer lang din ang makakasama ko sa mga ganong pagkakataon iisipin ko na ang paraan ng pagtakas ko aba."sabi ko at ininom yung iced tea



"Uy sino yun?"


Napatingin naman kami sa nagtanong. Ano ba nakakagulat kaya!

"Hoy ano ka ba naman! Di ba uso sa'yo ang excuse me ha!"sigaw ko eh sa nagulat ako eh adik na Xeian 'to.


Madali lang naman silang makilala eh. Si Xeian laging naka-ayos ang buhok at laging naka t-shirt at pants. Samantalang si Xyjan laging naka-polo o hindi naman ay jacket na may sando sa loob tapos laging messy hair. Ang galing ng memorya ko no!



Well sa ilang araw na nilagi na namin dito ay silang dalawa ang lagi naming nakakausap ni Alodia. Ewan ko nga basta lagi na lang silang nasulpot. Si kuya laging busy varsity kasi siya.



"Ito naman parang di ka na nasanay sa kapogian namin!"sabi naman ni Xyjan

"Sus kapogian mo mukha mo!"sabi ni Alodia at kinurot si Xyjan sa pisngi

"Aray! sino ba kasi yun?"tanong ni Xyjan nang alisin ni Alodia ang kamay niya

"Si ano-"

"Si Arlo Vince Stalene!"sabi ni Alodia ng outulin ang sasabihin ko


Echosera ano eksena niya? Eksena niya?


"Si master este si Arlo? Hahahaha! Mukha siyang killer no."sabi ni Xeian at tumawa na silang dalawa



Nagkatinginan naman kami ni Alodia, nabaliw na ba sila? Bakit ba ang we-weirdo ng tao dito tsk tsk tsk.



"Killer siya sa sarap HAHAHAHA!"sabi ni Xyjan

Killer sa sarap? Ano 'yon? May namamatay bang nasasarapan pa? Ang adik nitong mga 'to.



"Ano daw Alo?"tanong ko

"Ewan ko diyan mga baliw."sabi ni Alo


"Sorry hahaha! Inosente pala kayo hihi lagot kami kay babe Simon nito tsaka kay Arlo hahaha!"sabi ni Xeian


The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon