CHAPTER 15

268 11 3
                                    

Chapter 15

Who is creepy?

Sophie's P.O.V

Grabe hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kagabi. Buti na lang nando'n si Bryan yung kaibigan ni kuya huhu kung hindi pira-pirasong karne na sana ako ngayon.

Mukha kasing mangangatay ng baboy yung lumapit saakin kagabi. Marami siyang tattoos at amoy sigarilyo pa ewwiee.

Nakakainis yung si Stalene, yung masungit na kaibigan ni kuya. Si dabog naalala niyo pa? Yung classmate ko.

Alam ko naman na nakikita niya ako habang minamanyak ng baboy ramo na 'yon pero di siya pumunta hmp!

"Everyone! Ibalik niyo si Sophie sa katauhan."Narinig kong sabi ni Alodia

Nako kutsarain ko bibig nito eh.


"Manahimik ka nga gaga ka!"sabi ko nasa room na kasi kami ngayon

Kakatapos lang ng lunch at may natitira pang ilang oras bago mag-dismissal. Hindi rin pumasok yung si dabog kaasar yun..

"Yie kinikilig talaga ako! Alam mo ba kasi naman eh. Hinatid ako ni Jake kagabi hihi."sabi ng maharot na si Alodia

"Manahimik ka nga makukutsara ko na talaga 'yang bunganga mo."sabi ko at inirapan siya

"Eto naman oh parang nagshe-share lang ng thoughts eh. Pero maiba nga tayo uy ah! Ang taray mo do'n Em para kang niligtas ng knight in shining armor mo."sabi niya habang nags-sparkle ang mata

Loka-loka talaga 'tong babaita na 'to.


"Oo nga ang bait niya no."sabi ko at humarap kay Alodia

"Uy! Crush mo siya no? Yie crush mo siya diba."sabi niya habang kinikiliti ako

"Eh ano ba h-hindi no."sabi ko habang nakangiti

Syempre kinikiliti niya ako, nako 'tong babaeng 'to malisyosa.

"Eh ba't ka nakangiti diyan?"sabi niya ng may pang malisosyang tingin at ngiti pa rin

"Gaga ka ba eh kinikiliti mo ako eh!"sabi ko at tiapik ang kamay niyang kanina pa ako kinikiliti

"Yie! Crush mo lang si Bryan eh yie."sabi niya at tumayo pa habang tumatawa

"Uy ano ka ba umupo ka nga loka-loka!"sabi ko at hinila siya papaupo

"Aminin mo muna!"sabi niya

"Oo na, slight lang ah. Sige na umupo ka na!"sabi ko at umupo naman siya agad at niyugyog ako

Tao ba talaga 'to? Wah! Kuya tulong.

"Yiee! Crush mo si Bryan sabi ko na eh yie."sabi niya at niyugyog ako

"Shut the fuck up, stop blabbing. Your interrupting me with your ugly voice."

Tumingin naman kami sa nagsalita noon dahil syempre nagulat kami. Nakakatakot siya, kuya! Kuya ilayo mo na ako dito huhuhu.

Si Stalene, oo si dabog nandito siya. Ewan ko nga kung bakit eh wala naman akong napansin na dumaan diyan kanina.

Pero jusko naman iisipin ko pa ba 'yon kung mamatay na ako ngayon? Nakakatakot talaga siya wah mommy!

"A-ah e-eh a-ano, so-sorry po huhu."sabi ni Alodia at umupo na habang hawak ang mga kamay ko


Bastos na dabog 'to hindi naman pala 'to pabaya hmp! Arogante pa. Aba loko 'to, saka ko na siya aawayin pag wala na yung makakatakot na awra niya.

Swear kahit kayo sasabihin niyo na sa sarili niyo ngayon na 'Lord kunin niyo na ako'


"Sophie ang creepy niya huhu."Bulong ni Alodia

"Oo nga eh huhu, asaan na ba kasi si kuya huhuhu."sabi ko

At ayon pumasok na si sir.

Ang bilis ulit ng oras at ngayon ay dismissal na. Jusko sa mga oras na nasa room kami ay hindi kami makagalaw ng maayos ni Alodia.

Knowing na nasa likod namin ang monster na dabog na 'yon.  At sa hindi sa nagiging assumera ako ay palagay ko talaga nakatitig nanaman siya sa likod ko huhuhu nakakatakot talaga.


Kaya hindi rin talaga ako komportable na nandon sa room. Ano ba 'yan pwede bang magpalipat ng klase wahh!


"Sophie akala ko maggo-goodbye na ako sa mundo kanina huhu."sabi ni Alodia habang umiiling pa

Hindi ko siya masisi ang dilim ng awra no'n ni dabog eh.

"Tama magpalipat na lang kaya tayo."sabi ko

"Gaga hindi pwede no."sabi niya at ayon hinantay na namin sila Yellow

Ang tagal kasi magpauwi ng last subject nila gusto yata dito na sila patulugin. Kaya eto antay portion nanaman kami.



Bryan's P.O.V

Nandito ako ngayon sa rooftop kasama si Jake at Simon.

Katabi ko si Simon na nagce-cellphone.

"Simon ano."sabi ko habang nagce-cellphone pa rin

Kanina ko pa gustong sabihin 'to pero nababakla ako fuck.

"Ano?"

"Ano kasi."sabi ko

"Ano ba 'yon ugok ka. Nga pala salamat sa pagligtas kay Sophie."sabi niya

"Ah wala 'yon, nga pala pwede ko bang maaya si Sophie. Dinner."sabi ko

Kanina ko pa hindi masabi 'yan fuck.

"Kakain lang kayo pare hindi magkakainan ah Hahahaha. You can date her, nine pm dapat nasa bahay na siya."sabi niya

"Date? Nagkakamali ka. Gusto ko lang mag-dinner kasama siya ang saya niya kasi kasama. Huwag ka mag-alala iuuwi ko siya ng buo ulok."sabi ko at tinapik ang braso niya


Nakukuha naman na siguro ni Simon ang ibig kong sabihin.

Nagkaroon ako ng interes kay Sophie mula nong nakasama namin sila sa party. Ewan basta alam ko doon nagsimula. She's funny and cute haha.

Gusto kong maging ka-close siya, kaibigan ganon.


"Dami mo pang sinabi tsk ge na."Simon

Bigla namang pumasok si Arlo na nakabusangot at nagdabog pa. Hindi ko na siya pinansin at lumabas na.

Nakita ko agad sa hallway ng si Sophie kasama si Alodia.

"Hi Sophie, Alodia."sabi ko

"Hi Bryan."sabay na sabi nila

"Sophie bang samahan mo ako sa mall?"tanong ko

"Ah sure para naman makabawi ako sa pagtulong mo saakin hehe. Pero teka paano si kuya?"tanong niya

"Naipaalam na kita kay Simon so don't worry."sabi ko

"Oh yun naman pala Em! Gora na ako na lang maghahantay kila Neo bilis alis na shoo."Alodia

Tapos nagpaalam na kami kay Alodia. Dinala ko siya sa malapit na mall sa school at kumain kami sa jollibee. Gusto niya daw do'n haha ang cute niya talaga.

"Uy! Gusto ko mag-timezone tara."sabi niya at hinila ako papunta ng timezone


Ano pa nga ba? Haha.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's note~

Hello everyone! Saturdate nga naman hehe. Ang cheesy no may pag-jollibee pang nalalaman. Kamusta naman kaya si dabog? Este Arlo hahaha. Abangan sa next chapter!

Just keep on voting, commenting and sharing guys. Lovelots mwah!

The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon