CHAPTER 30

31 1 0
                                    

Chapter 30

Silent jealous.


Sophie's P.O.V

May 1 na ngayon.. May one na nila akong lahat. Char! Pero seryoso wala na talaga sila lahat. Mga kapatid ko super busy, friends ko nag-out of town ay ganda oh. Si dabog patay na ata..

Bihira na kang kaming magkita, lalo na mag-usap kasi naman di ko alam kung ano pinagkakaabalahan nong loko kong boyfriend. Sabagay ganito rin naman siya kasi yang si dabog parang araw lulubog lilitaw AHAHAHA.



Pero eto na ata yung pinakamalala sa may 5 mag iisang buwan na kaming di nagkita. Hmm may surprise nanaman kaya yon sa akin? Kasi pag nawawala siya may surprise yon pagbalik.. Ay nako bongga ata yung surprise niya sakin this time nakakacurios nemen!




Hindi na talaga ako mapakali, puntahan ko kaya siya sa bahay nila? Nakakahiya kasi kila tita eh. Pero boto naman sa akin yon si tita, gora na kaya?



Nagbihis ako syempre para presentable naman tayo tignan kahit naman nerd ako inaamin ko namang maganda ako. Well, I'm proud. Pag baba ko nakita ko si kuya.. Nakatutok sa laptop wow si kuya ba to?


"Kuya! Alis lang ako punta ako kila Arlo."nagpaalam ako syempre naman para alam nila kung sakaling mabubuntis na ako AHAHAHAHA JOKE.

"Ba't di mo na lang papuntahin dito?"

"Mukhang busy siya kuya, ito naman dapat mas alam mo yun no!" adik lang kuya?

"Wala naman siyang nabanggit.. Ge ingat."sabi niya tapos ay nag-type ulit




Umalis na ako nag-commute lang ako no. Kasi baka nga dito na ako matulog you know naman! Pero joke lang nakakahiya naman kasi kay manong kung pag-aantayin ko siya.



***

Nag-doorbell ako, pinagbuksan naman ako agad ng gate ni Ana. Ay wow naman na-sense na ba nila na darating ako na ko sinasabi ko na nga ba may surprise nanaman si Dabog sa akin eh!



"Taray ah parang pinaghandaan byung pagdating ko."

"Pfft napadaan lang ako dito no! Tara pasok ka na nga."Ana





Okay pahiya ako doon ah.




"Hinahanap mo ba si kuya? Wala yun dito kaaalis lang eh. Pero kung gusto mo pwede ka na don sa kwarto niya mag-antay. Di naman magagalit yun love hif his life ka niya no! Tsaka di kita maaasikaso busy ako right now."


So bakit na parang lahat sila maraming pinagkakaabalahan ako na lang ba talaga walang kwenta sa mundong ito? Kaya di umuunlad Pilipinas ng dahil sa akin eh AHAHAHAHA.



"Sige!"sabi ko na lang alanagan namang tumanggi pa ako, parang tanga lang yon mo papabebe pa ba?

"Sige maiwan na kita may kailangan talaga akong tapusin eh! Kung gusto mo ayusin monna yung kama para ready na agad kayo mamaya sa paggawa ng pamangkin ko."Ana

"Ikaw na gaga ka!"babatuhin ko sana siya kaso tumakbo manang mana tong babae na 'to sa loko loko niyang kuya



Ayon pumasok na ako bukas eh.. Pagpasok ako namangha ako sa dumi ng kwarto niya. Pero mabango naman, kaso ang dumi yung mga can, labahan lahat na nakakalat.


Ano ba yan kinulang nanaman ako sa pag-aaruga sa boyfriend ko.. Dahil diyan! Maglilinis na ang future asawa niya. Sinimulan ko ng pulutin yung mga labahan nag-walis ako.




Mga ilang minuto rin ay natapos na ako. Pero syempre dahil froglet ako hehe kakalkalin yung mga drawer niya. Magnanakaw ako ng panyo!



Syempre inumpisahan ko sa mga panyo kasi magnanakaw ako ng isa diba? Ayon ambango hihi. Ayon sunod na kinalkal ko yung parang study table niya. Pero parang hindi kakaiba kasi siya. Kinalkal ko yung mga drawer tapos may nakita akong box ng singsing..


Shet.. Mag po-propose na ba siya sa akin.. kaya ba ilang araw na siyang wala?  Naiyak ako... Ito na ba yung tinatawag nilang tears of joy?



Itatago ko na sana yung box na yun dahio ayoko naman na Ma-spoil ako masyado pero may naisipan pa ulit ako! Susukatin ko yung ring tignan ko nga kung alam niya yung size ko hihi.




Pero sobrang nadismaya ako nung makita ko na walang laman yung box.. Potek prank ba to?! Pero nakita ko yung resibo niya sa gilid.. So hindi prank.. Nasaan yung singsing? Siya kaya magbibigay non?




Sasaya na sana ako ulit nung mapansin ko nanamang may kakaiba sa drawer.. May picture... Bat sila may picture na magkasama? Baka naman wala lang pero kasi...



Hindi na kinaya ng sistema ko yung nakita ko inayos ko ulit yon at binalik sa dati. Bumaba ako at nagpaalam na kay Ana sakto namang dumating si Dabog pinilit kong ngumiti sakanya..


"Oh Nerd kanina ka pa?"

"Oo kuya tsk, bat ko naman siya pinag-antay ng matagal?"Ana

"Hindi okay lang ano ba naman kayo.. Kaso lang ano, kailangan ko na umalis eh kakatawag lang si dad."sabi ko gusto ko na makaalis dito bag maiyak lang ako

"Hahatid na ki-"

"Ah wag na magpahinga ka na, sigurado pagod ka."

"No, ihaha-"

"Nandiyan na rin naman si manong, sige na aalis na ako thank you Ana! Bye."

"Ihahatid na kita palabas."

"Baliw wag ka na mag-abala."tapos ay umalis na ako



Naglakad ako palabas hanggang sa kanto pero nagulat naman ako ng may bumusina sakin.. Si Arlo..



"Liar."

'Gago ka, ako pa sinungaling? Siguro nga sinungaling ako pero di sing lala ng pagsisinungaling mo!'

"Ganon ba sige balik ka na don, pahinga ka na."yun na lang ang nasabi ko


"Get in."

'Para ano? Para mapaiyak mo ako? para malabas ko tong hinanakit ko?'


"Ayan na yung bus oh, bye."sabi ko at dere deretcho na sumakay sa bus hindi ko siya nilingon kahit isang beses


Pinigil ko yung iyak ko hanggang sa nakarating ako sa kwarto saka na ako umiyak.

The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon