CHAPTER 35

31 1 0
                                    

Chapter 35



I don't want to see you anymore!




Sophie's P.O.V

Mula nung sinabi ko kay dabog na tapos na kami ay parang nagiging gaga na ako sa sarili ko. Tamang ngiti lang ako kahit di masaya, lol lakas maka-drama sa tv ng bolayf ko. 




Pero seruoso.. Sabi nga sa isang kanta 'you always smile but in your eyes you're sorrow show.' ganito pala feeling ng broken hearted. Sana pala di na naging nerd na lang ako forever haha.




Pero wag kayo ibahin niyo ako sa lahat ng broken, ako pak na pak. Kung yung iba nagiging dugyot, loner, mahirap at iskwater ako kalamadong kalmado lang.





Tamang lamon okay na sakin.. Pero haha, may kulang talaga..






Buti nga tinutulungan ako ni ate, nakikilamon din siya. Halos nilibot na namin lahat ng restau dito lipat naman kami iba lugar well. Ako na ata yung yayamaning broken duh.






"Ahm Sophie.. Si Arlo-"

"Paalisin mo ulit ate.. Thanks."sabi ko mula nung sinabi ko na tapos na kami the day after that day nagsimula na siyang magpunta dito na parang gago lang






Araw araw nagdadala siya ng breakfast like duh, sinabi ko bang magdala siya ng breakfast? Don sa fiancee niya mas kailangan yon non. Taba taba ko na eh.





Bumalik si ate na may dalang sandwich.





"Ate diba sabi-"


"Umalis na siya.. Iniwan niya lang to. Ano ba wala namang kasalanan yung sandwich sa breakup niyo. Napakaarte niyo no. Maniningil na talaga ako ng service fee sayo ginagawa mo na akong secretary!"sabi ni ate at nilapag yung sandwich sabay alis






Ay ganda! Ngayon paalis na ako papasok na ako ng school syempre. Kahit broken, going strong ang ate Sophie niyo. Pagdating ko sa school ay pumasok ako nakita ko naman agad si dabog sa hallway at dahil kupal siya sumabay pa siya sakin maglakad.




Mag-aapply ba yang body guard ko? Hays. Iba talaga pag ex na. Kaloka joke lang hahahaha!





"Sophie.."nagsalita siya




May nagsasalita ba? Wala naman akong narinig ah.




"Psst.."dere deretcho lang ako tapos ay binilasan ng lakad hanggang sa makarating sa room buti nga di kami magkaklase hihi






Yung fiancee niya sabayan niya nako alagaan niya yon payatot pa naman yon tas lakas pa magsuot ng dress na labas likod magka-pulmonia sana 'yong stick na yon.




Hindi naman sa sinasabi kong bitter pa ako ah pero parang ganon na nga. Siya rin naman ah ano makapal mukha niya naka-move on siya agad agad? Pektusan ko siya.






Ayon nagpakabuti nalang ako sa pag-aaral.. Pero sad to day ay nagcellphone lang ako. Nasa likod ako naka-pwesto sa baba ng upuan para di makita hihe. Ayos ba?


****


Uwian na ngayon at nandito na si ate, gawain na namin to. Kada uwian na lang lumalamon kami sa restaurant. Nae-excite ako hihe. Japanese restaurant kami today. Chika ko lang ah, yung Shio ramen ng hokkaido ay nako pamatay yon sa sarap.





Ayon nag-drive na si ate 18 na siya eh so buti pa siya. Nakarating na kmi sa restaurant naamoy ko yung order ng katabi naming table. Enebeyen parang gusto ko kainin 'yong kumakain ang wafuu.. Charot lang lantod ko naman.





"Sophie nag-order na ako. Dalawang shio ramen tsaka yung sushi as side dish.
Umuorder din ako nung parang siopao basta di ko magets yung name. Alam ko siopao yun hehe."




"Keri na yon ate uubusin naman natin lahat yon eh."sabi ko at taimtim na nag-antay




Ilang minuto lang hmm lami.. Ayan na mga beshy nalalanghap ko na ang heaven.. Nilapag na sa table namin yung order nagkatinginan kami ni ate at sabay na kumain...





Maya maya pa ay nagulat kami ng dumating si kuya, kasama si Arlo.. Napatigil ako sa paglamon ko.





"Sorry we're late."sabi ni kuya tinignan ko naman si ate umiwas siya ng tingin



Tumabi sakin si Arlo.




"Masarap ba yan yan na lang oor-"



"Pwede ba? I don't want to see you anymore. Get lost."sabi ko at nagwalk out bahala sila grr parang di ko sila kapatid ah.








Talagang tinulungan pa nila 'yong dabog na yon. Lalo ba yang si kuya mas nauna niya lang tulungan si dabog kesa sakin.





Kinuntsaba niya ba si ate. Grr nakakainis talaga sila! Magsama sama sila.

The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon