CHAPTER 13

223 12 0
                                    

Chapter 13

Exchange students


Sophie's P.O.V

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon nila Alodia. Hays, nasigawan nanaman ako ni Anica hmp!

"Alam niyo girls parang gumagaan yung loob ko kay Jake."out of the blue na sabi ni Alodia

Nabilaukan naman ako dahil sa sinabi niya, maharot na Alodia 'to! Joke. Pero naalala ko kasi yung sabi ni kuya na cassanova daw si Jake.

"Ang panget mo kaya, wala kang pag-asa doon."sabi ko at nauna ng maglakad

Nagulat naman ako ng mag-vibrate ang cellphone ko. Si Anica, pumunta daw kami ng office. Nako if i know uutusan lang kami niyan hmp!

Dumeretso na ako sa loob at nakita ko na rin doon sila Neomi.

"Good morning sc students."Ms. Alvueva

"Good morning ma'am."sabi namin

"Hindi ko na ito patatagalin, nag-usap kami ng principal nang Empire High tungkol sa pagiging exchange student niyo."Ms. Alvueva

"What? I don't understand. Why do we need to do that?"nagmamaktol na sabi ni Anica

Pero hanudaw?! Ayoko doon huhu Lord naman.


"Hindi ko masasabi ang rason, confidential. By the way mananatali kayo sa Empire ng tatlong buwan. Kayo ang magiging student council doon dahil ang ginawa nilang pamalit ay ang student council nila. You need to do this, para maging maayos na rin ang pagsasama ng Empire at Saint Veronica."Ms. Alvueva



Anong pagsa-sama ang sinasabi nito ni ma'am? Ano may LQ pala tong school namin at ang Empire High? Ang taray nila ah. Sila luma-lovelife na samantalang ang mga studyante nagpapakabuti pa! Asaan ang hustisya.



"May choice pa ba kami?"nakasimangot na sabi ni Anica

"Tomorrow is your first day in Empire. Today aayusin niyo ang mga gamit niyo na ipadadala sa Empire. Sige na simulan niyo na."sabi ni ma'am

Dumeretso na kami sa locker room ng biglang magsalita ang baliw na si Alodia.


"Biruin niyo 'yon?! Pati destiny nakikisimpatya. Yes! Lagi ko ng makikita si Jake hihi."sabi niya havang nags-sparkle pa ang mata take note nakapose pa siya na parang nagde-daydream.

Ang gagang 'to binatukan ko naman siya. Kasabay no'n ang pagsasalita ni Neomi.

"Kalandian mo Alodia, tumigil ka diyan. Pupunta tayo para sa tungkulin natin."

"Ouch! Ang sakit naman nung word na ka.lan.di.an. Grabe hindi pa pwedeng paghanga lang ha! Landi agad eh hmp."sabi niya at nag-pout pa

"Gano'n na rin yun loka."panggagatong ni Yellow


"HOY KAYO! BILISAN NIYO NGA DIYAN. UGALI NIYO TALAGANG MAGPA-VIP NOH! KAILAN BA KAYO TATALABAN NG PAGBABAGO. BILIS!!!"sigaw ni Anica

Nako kakalbuhin ko talaga 'tong si Anica, baba at taas ah. Hmp. Sana mamaos siya wahaha!

"ITO NA PO!"sigaw naman ni Yellow

The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon