CHAPTER 43

30 1 0
                                    

Chapter 43

Farewell.



Sophie's P.O.V

Umaga na ngayon, natatakot akong magpakita kay Arlo.. baka huling araw ko nang makita siya ngayon haha. Kanina pa ako gising pero di pa rin ako kumikilos lara pumunta sa hospital. Bakit ganito.. ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Pero ilang minuto pa ayon nakakuha din ako bg lakas para makapag-ayos. Dumeretso na ako sa hospital.. bawat hakbang ko bumibigat yung habang papalapit ng papalapit sa room niya.



Nakita ko kaagad si Lovi sa labas. Nginitian niya ako.. ngumiti din ako syempre ano attitude ako sis? Huling araw ko na nga makikita si  dabog attitude pa ako.



"Don't worry everything will be alright. Wala pa sila tita ngayon bababa muna ako para kumuha ng food. Tulog pa naman si Arlo bantayan mo muna suya sa loob."di na ako sumagot



Okay lang na mapanis yung laway ko ngayon, wala ako sa mood magsalita. Pero parang dati lang walang araw walang oras na di ako nagsasalita.. nagma-mature na ba ako? Hahaha. Pagpasok ko ay parang anghel si dabog na natutulog. Pag gising niyan may sungay nanaman yang hinayupak na yan..

Lumapit ako para i-check yung mga sugat niya. Tinignan ko lang wag ano! Baka pag hinawakan ko yan mapatay nako niyan. Lahat naman sila halos galing na.. mag-iiwan nga lang ng bruises. Yung maganda ang maputing katawan ni Dabog mapupuno na ng bruises..



"You still have a chance to confess."nagulat naman ako nang magsalita siya


Masasaktan ko na to lagi na lang ako nagugulat sa taong to!





"Confess what?"tanong ko at tumalikod

"Kung sino ka talaga at kung anong koneksyon mo sakin."sabi niya at bumangon shit sis


Tangina mo hindi mo ko kilala? Matapos ng mga pinag-daanan natin. Matapos lahat ng asaran matapos lahat ng maliligayang nangyari satin kinalimutan moko sa isang iglap?! Kupal ka! Ako lang to, yung nag-iisang nerd sa buhay mo Dabog.. nalimutan mo na ba na mukha kang tanga nalimutan mo na pati mga asaran natin yunh mga pangarap natin! Gusto kong sabihin yan sakanya ngayon din pero alam kong maapektuhan siya pag pinilit ko na alalahanin niya ako..



Ngayon alam ko na yung sagot.. hahayaan ko na siyang maging masaya. Hahayaan ko na makalimutan niya ako habang buhay. Sapat na yung mga panahong nagsama kami.. thankful na ako dahil nakilala ko siya.. mas bubuti yung kalagayan niya kung wala ako sa tabi niya.. sorry sa lahat dabog.. sa bandang huli duwag pa din ako.



Pero sana naintindihan mo na ginagawa ko to para sayo.. kahit masakit, sapat na sakin maalagaan ka kahit na isang buwan lang..




"Hindi ko alam yang sinasabi mo, baliw ka na ba."sabi ko ng nakatalikod pinipigilan ko yung luha ko

"Then leave."


"Don't worry last time na tong makikita moko dito.. mag-aaral na ulit ako. Magpagaling ka sir."sabi ko at lumabas na




Naglakad ako ng mabilis papunta sa CR. Sa cubicle ko binuhos lahat ng iyak ko. Nagtext na rin ako kay Mom and dad. Sinabi ko na nagbook na ako bg ticket pauwi ng Pinas. Mga ilang minuto lang kumalma na ako..

Inayos ko na yung sarili ko.. magpapaalam na ako sa family ni Arlo. Nakita ko naman sila sa labas ng kwarto ni Dabog.



"Tita, Tito, Anna.. magpapaalam na sana ako.. mamayang gabi uuwi na ako sa Pinas. "Sabi ko at ngumiti


"Sigurado ka ba jan hija? Hindi mo na ba aantaying maala-"



"Sapat na po saking makita na okay siya.. kahit hindi na po kami bumalik sa dati basta makita ko lang po siyang masaya at ligtas okay na po ako don. Sapat na po saakin yung maalagaan siya ng isang buwan. Sorry po ulit.. alam ko po dahil sakin nangyari to sakanya.."sabi ko at yumuko

"Stop blaming yourself."sa ni Tito


"Alam ko po na makakasama sakanya kung ipipilit ko na maalala niya ako.. Salamat po sa lahat tito at tita.. salamat dahil hinayaan niyo ako na alagaan siya sa loob ng isang buwan. Mahal na mahal ko po si Arlo, tanggap ko po na hanggang dito na lang kami."shit nadudurog yung puso ko sa mga sinasabi ko napakasinungaling ko talaga


"Ihahatid-"



"Wag na po kayong mag-abala.. mas kailangan kayo di ni Arlo. Baka magtaka pa yun pag di kayo nakita dito.. salamat po aalis na po ako hanggang sa muli nating pagkikita."sabi ko at tumalikod na




"Sophie!"tinignan ko naman kung sinong mahaderang bitch yung tumawag sakin.. si Lovi pala inantay ko na siya alangan namang bumalik pa ako don eh tulong tulo na nga tong luha ko



"Take care.. I know na magkakabalikan kayo. Maybe not now but sooner or later. Alam ko kung haano niya kamahal yung isa't isa. Sorry for interfering to your relationship."sabi niya gaga ka buti alam mo! Chos lang.



"Ikaw din. Alagaan mo si Arlo nako kung hindi kakalbuhin ko talaga yang kilay mo. Sige na walang bantay yon si Dabog una na ako."sai ko at tumalikod na kasi di ko na talaga kaya




Pagdating ko sa kwarto ay umiyak muna ako. Gabi la naman yung flight ko may ilang oras pa para mag-emote.. habang nagaayos ako ng dati kadiri natulo yung sipon ko.. para akong tanga iyak tawa hahaha..



Sana maging masaya ka na Dabog.. magiging masaya ako kung pagdating ng panahon mabalitaan ko na settled ka na.. sorry hanggang dito na lang yung kaya ko.. magfo-focus na lang siguro muna ako sa pag-ayos ng sarili ko. Kampante nako basta alam kong ligtas ka.. kahit na di mo nako kasama sa pagbuo ng sarili mk ulit ayos lng yon..

The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon