CHAPTER 23

140 6 2
                                    

Chapter 23

Kami na! (Accidental lang uy)


Sophie's P.O.V

Naglalakad ako ngayon sa hallway kasabay ang napakadaldal na si Alodia. Nanghihingi nanaman ng balita, chismosa talaga 'tong batang 'to eh.



"Em kung ganyan ka nang ganyan paano ko masusuportahan yung lovelife mo?"

"Ay nako tigilan mo ako Alodia ah baka dalhin kita sa punerarya ngayon din nang mapaglamayan ka na."

"Eto naman oh! Bakit ka ba ganyan."



Naglakad na lang ako ng naglakad ayoko nang kung ano mang chismis ngayon. Well aaminin ko nung magkasama naman kami ni dabog natuwa naman ako hehe.

Yung sa stick-O hihi, oh wag green minded sipain ko yung nga ano diyan hehe. Pero natutuwa talaga ako kay dabog.



Once in a lifetime lang magpakabait yung walang hiyang dabog na 'yun. Demonyong yun. Oo nabadtrip ako pero at the same time natuwa ako wag kayong maingay ah!






Maraming nagtatakbuhan, may mga banner tsaka balloons. Anong meron? May birthday ba.



"Alo anong meron?"tanong ko



Parang isang araw lang naman akong absent ah. Ano ba naman 'tong buhay na 'to. Imposible namang may laro tapos na ang intrams ah. Tsaka kung may laro man edi sana nandito yung mga cheering squad ng Empire high.


Parang parehas rin naman kasi ang kaganalan sa Empire high tsaka sa St. Claire.



"Ewan ko nga eh, tara silipin natin!"




Hinila naman ako ni Alodia wala na akong ginawa. Aminin ko man o sa hindi gusto ko talagang mamk-chismis hehe.



Nang matunton namin ang lugar na pinupunyahan ng lahat ngayon ay di na ako nagulat. May laro nga, basketball at teka? Sila kuya? Ay antaray ni kuya may plano rin pala 'to sa buhay niya minsan HAHAHAHA!



Nilibot ko pa yung paningin ko. Sa mga kaibigan ni kuya tatlo ang mga naka-jersey. Si Xeian kulit, Jake tapos si John. Yung natitirang tatlo ay nakaupo at mag nawawala. Wala si dabog!




Nagulat naman ako ng kaladkadin ako bigla ni Alodia, anak ng!




"Hoy ano ba!"sabi ko habang huminto edi huminto rin siya

"Tinatawag nila tayo oh! Wag ka na ngang makulit magmumukha lang tayong tange dito tara na!"sabi niya at hinili ulit ako



Ano pa bang magagawa ko!





"Nakita niyo ba si Arlo?"tanong ni Bryan

"Hanapan ba kami nang nawawala? Joke lang hehe. Hindi eh bakit ano bang atraso ni dabog sainyo?"sabi ko


"Hindi pa makapagsimula yung game siya na lang inaantay."sabi ni John

"Sophie hanapin mo nga si Arlo, alam mo naman siguro kung saan siya napunta diba?"sabi ni Jake






Mga seryoso sila ngayon ah, mga ulok na 'to ano kayang nakain ng mga 'to. Tinignan ko yung kalaban nila, mga kasing edad lang naman namin yun eh. Bakit ba sila nabo-bother, bakit ba sila naduduwag di nila simulan nang wala pa yung isang kupal na yun.




"Go and find him Sophie, bilis asap na 'to."sabi ni kuya




Tumango na lang ako at hinila na si Alo.



"Huy bruha ka hahanapin talaga natin si Stalene?"

"Malamang alangan namang dasalan natin siya diba?"

"Hal-"

"Shut up! Ganito maghiwalay muna tayo para mas mabilis na mahanap si dabog. Diyan ka sa may 4rth year dito ako banda sa locker room."




---

Iniwan ko doon si Alo at unang pinuntahan ang locker room. Syempre baka nagbibihis siya diba? Tatanga-tanga naman ako kung iikot agad ako asan yung common sense doon.



Hanggang sa nakaabot ako sa parang pantry na ewan basta kwarto siya. Puro lang naman mga tubig nandoon eh, pumasok ako tapos umikot ako nang umikot hanggang sa may marinig na akong boses.




"Get out on my way bitch, whose interested for whom?"






Boses nga ni dabog! Tsaka salita pa lang no halata na. Nagtago muna ako sa likod nang cabinet at pinanood kung anong sunod na gagawin ng mga babaeng nakapalibot ka dabog.



Nagulat naman ako nung ni-corner nila si dabog tapos ay hinawakan siya sa mukha. Akmang hahalik aba liktek!



"Fuck, it gross. Leave me alone bitches, I never spend my time on whore. Get loss."sabi habang at tinulak sila

"Aalis lang kami kung may girl na hihila sayo dito at kunin ka.
Haha."maarteng aabi nung isa





Kutsarain ko kaha yang ngala-ngala niya! Patully nilang binastos si dabog. Literal ah! Mga naka-lingkis pa kadiri! At dahil sa di ko na natiis ay lumabas na ako!




"HOY BRUHA KA UMALIS KA DIYAN KUNG AYAW MONG MAKALBO KITA. INGRATA KA!"sabi ko kasabay ng paglabas ko sa lungga ko




Napaka-kapal ng make up niya back hug pa nga lang nakukuha ko kay dabog tapos siya! Mukha niya ah.





"And sino ka naman? Nerd."

"Excuse me pero gusto ko munang umalis-alis ka diyan sa tabi ng boyfriend ko, opps di na tuloy surprise!"sabi ko at nagkunwaring nagulat


"Look at her, napakataas naman ng pangarap mo nerd."


"Excuse me! Kahit itanong mo pa diyan sa nilalandi mo ako ang original kaya umalis-alis ka diyan baka masampal ko sayo tong two inches na takong ng sapatos ko."


"Tayo na?"



Nagtatakang tanong ni dabog, kahit kailan talaga napakahina nang utak nito ni dabog eh. Dinadaig pa mga walang utak tatanga-tanga.



"OO DIBA TAYO NA SINAGOT NA KITA KAHAPON NAG-DATE PA NGA TAYO DIBA."mariin kong sabi





Ang hina nang connection sa utak ni dabog grabe. Bobo pa sa lahat ng mga bobo.


Bigla namang nag-spark yung mata niya tapos ay mabilis na lumapit saakin.




"Let's go then, I want to saw you watching me playing."sabi niya habang naka-ngiti ng abot langit



HALA SUS MARIA YOSEP! ANONG MGA NASABI KO? ANONG MGA KEME YUNG NAGAWA KO JUSKOOOO! SERYOSO NA BA? HALA WALA AKO SA SARILI KO!



Hinila niya ako hanggang makarating kami kila kuya. Take note abot-langit pa rin yung ngiti niya.

The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon