CHAPTER 1 - A DISASTROUS DAY

1.8K 32 10
                                    

(September 2016)

Isang umaga, ginising ako ng mainit na sikat ng araw na tumatama sa aking mukha, na pumapasok mula sa bukas kong bintana. Kay gandang pagmasdan ng kulay ubeng kalangitan na tanaw ko mula rito sa aking malambot na kama. Ang sarap naman ng hanging nalalanghap ko na tangay ang amoy ng mga bulaklak na nakatanim sa garden ni mommy. Taliwas sa nakasanayan ay nauna pa akong gumising kesa sa alarm clock na naka set ng alas- sais kinse ng umaga. Madalas kasi ay nakakailang tunog na ito bago pa ako tumayo sa aking pagkakahiga, o hindi kaya ay ginigising pa ako ni mommy para sabay-sabay kaming mag-almusal ng aming buong pamilya. Napupuyat kasi ako sa paglalaro ng online games at inaabot hanggang alas-dos ng madaling araw dahil doon. Ngayon naman ay bumangon na ako sa masarap kong pagkakadapa sa kama at naligo't nagbihis, pagkatapos ay bumaba na upang kumain.

Mommy: Pao! Tamang tama kakain na tayo. Why are you up so early? Excited ka ba sa card distribution niyo? (Habang siya ay nakangiti).

Me: Mom, please don't make fun of me!

(Sabay kamot sa ulo at pag-lukot ng mukha. Hindi dahil nainis ako sa sinabi ni mommy, pero sapagkat naalala kong card giving today, at baka disappointing nanaman ang grades ko kaya pinilit kong kalimutan ang araw na ito).

Ako nga pala si Paolo Isaiah Montecillo. "Pao" ang tawag sa akin ng pamilya ko at mga malalapit na kaibigan. 17 years old na ako ngayong taon. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. Pinaka makulit at pasaway pero, pinaka sweet dahil mama's boy ako at proud! Hindi ko ikinakahiya iyon. Ang aking kuya at panganay namin ay si Nico na isang consistent honor student at kasalukuyang kumukuha ng bachelor's degree in Engineering (sinusundan ang yapak ni daddy). Si Nikki naman, ang bunso naming kapatid at nag-iisang babae, ay 8th grader student sa isang private school na exclusive for girls, kung saan Principal naman ang mommy namin. Ako naman ay nasa 11th year na sa grade school o senior high sa Sacred Heart Academy, na popular at pinaka malaking private highschool dito sa aming syudad, at halos lahat nga ng nakatira rito sa village namin ay roon pumapasok o nakapagtapos, dahil sa magandang kaledad ng pagtuturo sa paaralang iyon.

Pagkatapos ng umagahan ay dumating na ang school service ko. Kadalasan ay 6:45 AM ito dumaraan sa tapat ng aming bahay, pero dahil matagal akong kumilos at tamad na tamad ako tuwing umaga ay alas-siete na kami nakakaalis. (Sinubukan kong mahiya sa servicemates ko pero sanay na siguro sila sa akin kaya wag na lang hehe). Kalahating oras ang travel time mula sa village namin at kasama na ang traffic doon. Dahil maaga akong nagising ngayong araw, at busog sa rami ng kinain ko nitong umagahan ay hindi ko namalayang unti-unti palang nawala ang aking ulirat, at hindi napigilang makatulog sa sulok ng school service kung saan ako palaging umuupo. Makalipas ang ilang minuto kong pagiging unconscious ay nagising ako bunga ng biglaang pagpreno ng aming sinasakyan. Sa kasamaang palad, dahil hindi ako nakakapit ng husto ay dumulas ang aking puwet sa upuan at tuluyang nalaglag sa aking pagkakaupo! Sadya namang nakakahiya iyon kaya hindi ko tuloy makuhang tingnan ang reaksyon ng aking mga kasakay na estudyante. Maliban sa nakapwesto sa harapan kong upuan, na tila ba nanginginig dahil sa pagpipigil ng kanyang pagtawa sa nangyari sa akin. Ang sarap suntukin sa mukha! Nakakainis! Ngunit yumuko na lamang ako sa oras na iyon at kunwari ay tulog na ulit. Ramdam ko ang init na mula sa aking tenga at sa buong mukha na siguradong namumula sa oras na iyon dahil sa kahihiyan.

Nakarating na kami sa school at medyo late na noon sapagkat inabutan kami ng malalang traffic dulot ng isang aksidente sa daan. Lahat ay nagmamabilis sa pagbaba para umabot sa flag ceremony, subalit tamad na tamad pa rin ako kaya huli akong tumayo kahit pa nasa may pinto lamang ng service van ako nakaupo. Noong pagkakataon ko nang lumabas ay napansin ko ang isang libro na nasa sahig ng kalsada. Tiyak na nalaglag ito kanina at malamang ay pagmamay-ari ng isa sa mga servicemate ko ang bagay na ito. Dahil may ginintuan naman akong puso (haha), ay kinuha ko iyon at naisip na ibigay sa taong may-ari nito sa oras ng aming breaktime. Tiningnan ko kung may nakasulat ba na pangalan sa libro upang malaman ko kung kanino ko isasauli, at kabutihang palad naman ay mayroon nga sa unang pahina nito.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now