CHAPTER 5 - UNIDEAL FIRST ENCOUNTER

296 10 3
                                    

Almost 6:00 PM na noon kaya nagmamadali na akong umalis mula sa school upang makaabot sa happenings sa birthday ni Earl. Dahil madilim na sa hallway nang ganoong oras ay hindi ko na halos makita ang aking mga dinaraanan. Hanggang sa kalagitnaan ng aking mabilis na pagtakbo ay hindi ko inaasahang isang bagay ang aking makaka-bangga. Doon ay may narinig akong sumigaw na dala rin siguro ng kanyang pagka-gulat sa nangyari, kaya naman naisip ko na siguradong tao ang aking nabanggang iyon. Talaga namang ramdam ko kung gaano kalakas ang pwersang tumama sa akin kaya malamang ay nasaktan din kung sinuman ang taong ito. Sa pangyayaring iyon ay maraming papel ang nagliparan na siguradong dala niya noong oras na iyon, at tumilapon sa pagkakabangga naming dalawa. Madali ko namang kinapa o hinanap ang mga ito sa sahig gamit lang ang pakiramdam sa aking kamay, upang pulutin at tulungan siyang simutin ito.

"Hala! Ano ba naman! Ang tagal ko itong inayos eh! Uulitin ko nanaman tuloy ngayon. Bakit kasi di ka nag-iingat! Ang lawak ng daanan oh!"

Sa tono pa lamang ng pananalita niya noon ay tila nag-aalala ito at talagang naiinis sa pangyayari, kaya ako naman ay walang masagot sa kanya kung hindi "Sorry! Sorry! Sorry!". Hindi ko naman sinasadya at lalong hindi ko kasalanang walang ilaw sa lugar na iyon sa ganoong pagkakataon, lalung-lalo na ay sino ba naman ang walang utak na taong babanggain siya nang walang dahilan kung pati ako ay masasaktan din naman?! Kinakain niya ang oras ko ngunit tinulungan ko pa rin itong sumimot ng mga papel na nagkalat sa sahig. Dahil nagmamadali na rin ako ay hindi ko namamalayan pa kung ano-ano ang aking nahahawakan dahil sa pag-kapa, at maya-maya pa nga ay isang mainit at malambot na bagay ang aking nadama sa kanang palad ko. Ilang segundo pa ng aking pagkakahawak rito ay hindi ko inaasahan ang pagbubukas ng mga ilaw sa lugar kung saan kami naroroon. Masakit sa mata ang biglang pagliwanag kaya inilibot ko muna ang aking paningin sa kapaligiran upang makapag-adjust dito. Hindi ko naman namalayan agad na aking hawak pa rin pala ang bagay na malambot at mainit na iyon, kaya tiningnan ko kung ano ba ito. Doon ay laking gulat ko sa aking nakita na isang kamay pala ang kanina ko pang pinipisil! Lubos akong kinabahan sapagkat batid kong mainit ang ulo ng aking nakabangga, kaya baka sampalin niya ako ngayon dahil hinawakan ko ang kanyang kamay! Unti-unti akong tumunghay habang napapalunok ng laway, sapagkat naglakas loob akong tingnan ang mukha nito. At nang makilala ko kung sino ang nasa aking harapan noong oras na iyon, ay mas lalo pang tumindi ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Siya kasi ang taong matagal ko nang pinapangarap na maging akin magmula pa noong pumasok ako sa school na ito. Hindi ko akalain na aking mahahawakan ang kamay ni Faye kaya sobrang saya ang naramdaman ko sa pagkakataong iyon, sapagkat makausap nga lang ito ay sapat na sa akin, subalit higit pa iyon sa pinapanaginip kong mangyari sa una naming paghaharap! Tila huminto ang aking mundo't hindi malaman ang gagawin sa mga oras na iyon. Biglang nabasa ng pawis ang aking mga kamay habang nanginginig iyon kasabay ng mga tuhod ko. Binitawan ko na lamang itong bigla nang bumalik ako sa aking normal na pag-iisip o wisyo.

Me: Ah... Faye pasensya ka na, hindi ko intensyon yung nangyari. Medyo madilim kasi at...

Faye: At takot ka sa dilim kaya nagmamadali kang dumaan dito?

Me: Hala hindi ganoon! Tumatakbo ako para maabutan ko pa ang mga barkada ko kaya...

Faye: Kaya wala ka nang pakielam sa kasalubong mo kahit mabangga mo siya?

Me: Naku hindi ganon yun Faye! Hindi lang talaga kita nakita, pasensya ka na! Hindi ko sinasadya!

Faye: Hmm... Paano na iyan? Dalawang oras kong pinaghirapan ayusin itong documents tapos ganito lang ang mangyayari! Uulitin ko nanaman tuloy! Teka anong oras na ba?!

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now