CHAPTER 26 - THE SUM & DIFFERENCE

219 8 5
                                    

(FAYE'S POINT OF VIEW)

Talagang sobrang nabigla ako sa mga sinabi ni Cholo noong araw na iyon patungkol sa kaibigan kong si Grey, na ito raw ang totoong secret admirer ng nobyo kong si Paolo. Dahil hindi ito agad matanggap ng aking utak ay tumakbo ako papalayo sa kanila, habang sila ay nagkakagulo roon sa gitna ng daan. Matagal ko nang kaibigan si Grey ngunit hindi ko man lamang nalaman na lalaki ang tipo nito, na nagugustuhan niya rin pala ang taong aking natitipuhan. Nasaktan ako sa aking mga nalaman sapagkat tingin ko ay nagmukha akong tanga sa mahabang panahon! Parehong mahalaga si Pao at Grey sa akin, tapos ngayon ay malalaman kong may namamagitan na pala sa kanilang dalawa. Lingid sa aking pagkakaalam ay straight si Paolo, subalit hindi mawala sa akin ang matakot na baka piliin niya si Grey sapagkat minsang nabanggit ng nobyo kong mahalaga sa kanya ang secret admirer niya. Ano ba namang laban ko na kahit babae ako ay wala namang nagawa para sa kanya. Kahit nga noong nagplano ako ng surprise para kay Paolo ay si Grey pa rin ang naging punong abala, na sa katunayan ay siya ang naghanda ng lahat ng iyon. Iniisip ko tuloy ngayon kung talaga bang naging mabuti akong girlfriend sa mahal ko, at sapat na bang dahilang babae ako upang manatali siya sa akin? Matapos ang araw na iyon ay pinilit ni Paolo na manumbalik ang dating sigla ng aming samahan. Palagi akong sinusuyo nito at sinabing gusto niya na lang daw talagang itago sa akin ang katotohanan upang sa ganoon ay hindi na masira pa ang pagkakaibigan namin ni Grey. Kahit naman daw siya ay nagulat noong oras na nalaman niya iyon. Ngayon ay sinigurado niya sa aking ako ang pinipili niya dahil babae lang daw ang kanyang nagugustuhan. Dahil doon ay agad ko namang pinatawad si Pao sapagkat mahal na mahal ko siya, at ayokong mawala ito sa akin nang hindi ko man lamang nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Tungkol naman sa amin ni Cholo, ang totoo nyan ay wala akong nararamdaman para sa kanya. Sinabi niya sa aking handa siyang maging kaibigan ko sa lahat ng oras, at iyon ang ginawa niya noong nangungulila ako sa aking nobyo. Pinipilit niya akong pangitiin tuwing kami ay magkasama, at talaga namang hindi siya sumukong gawin iyon kahit pa walang humpay ang aking pag-iyak. Noong araw na iyon ay hindi ko naman inaasahang aakbayan niya ako. Aalisin ko na nga sana ang kanyang braso sa aking balikat ngunit, bago ko pa man magawa iyon ay huli na ang lahat. Naintindihan naman ito ni Paolo sapagkat ipinaliwanag ko sa kanya ng maayos at totoo ang namamagitan sa amin ni Cholo. Sana lamang ay manumbalik pa ang pagkakaibigan nilang dalawa. Alam kong naging maganda ang takbo ng kanilang samahan, at ayoko itong masayang dahil lang sa isang hindi pagkakaintindihan.

(PAOLO'S POINT OF VIEW)

Linggo ng umaga, matapos ang nangyaring gulo sa pagitan namin ni Cholo malapit sa Aubé bar ay nagising na lamang ako kinabukasang nakahiga sa aking kama sa aming bahay. Ang natandaan kong huling eksena kagabi ay hinahabol ko si Faye hanggang sa nawalan na ako ng malay. Salamat naman at may naghatid sa akin dito ngunit, malamang ay galit sa akin si mommy at daddy sapagkat umuwi akong lasing. Mabuti na lang at hindi nila ako hinayaang matulog sa kulungan ni Puchi (aso namin)! Itong araw ring ito ay tinawagan ko agad ang aking nobya noong ako'y nagising, upang makapagpaliwanag sa mga binanggit ni Cholo tungkol sa amin ni Grey. Subalit, wala akong pagpipilian kung hindi ang magsinungaling muli sa kanya, at sinabi kong wala akong nararamdaman para sa kaibigan nito. Baka sakali namang magkatotoo talaga iyon dahil sa ngayon ay pinipilit ko ng kalimutan ang mahal kong secret admirer. Awa ng Diyos ay naging maayos naman kami ni Faye sapagkat mabilis niya akong pinatawad. Doon ay sinubukan kong ibalik ang sigla ng aming relasyon magmula noong sumunod na Lunes habang kami ay magkasama sa school, upang sa ganoon ay hindi na siya mangamba pa sa kung anong pagtingin ko sa kanya, at para magsimula na rin kami ng aming bagong yugto bilang magkasintahan.

Dumating ang araw ng Miyerkules, habang sabay-sabay kaming kumakain ng almusal sa bahay.

Me: Mom, medyo late na po ako makakauwi mamaya. Laban na po kasi namin bukas kaya kailangan naming magtraining ng mabuti.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now