CHAPTER 20 - SUPPORT SYSTEM

183 11 3
                                    

Sumunod na Lunes, matapos ang naganap na eskandalo sa akin sa beach resort, ay hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari iyon sa amin ni Faye. Dahil doon ay may dahilan ako upang tamaring pumasok sa umpisa ng linggong ito. Ganoon pa man ay hindi tamang lumiban ako ngayon sapagkat simula na rin ng training ko sa basketball. Nakakahiya naman kay coach kung sa unang araw ko pa lang ay hindi ako agad magpapakita, ngayon pang nalalapit na ang inter campus league. Kailangan ko ring kausapin si Faye para pag-isipan kung anong magiging plano namin sa aming relasyon. Kung dapat ko bang ligawan ang magulang niya? O hindi kaya ay mas matinding pagtatago pa para siguradong wala nang makaalam nito. Hindi kailanman magiging option sa akin ang paghihiwalay, sapagkat naniniwala akong kung mahal mo ang isang tao ay dapat mong ipaglaban ito, o gawin ang lahat upang hindi siya mawala sayo. Basta ang mahalaga para sa akin ay tiwala sa isa't isa, dahil pundasyon ito ng isang pagmamahalan. Buo ang aking tiwala kay Faye kaya confident akong hindi niya ako iiwanan sa ere. Hangga't may maiisip na solusyon ay gagawin ko ito! Lahat naman sa pag-ibig ay sugal, at ang nakataya rito ay walang iba kung hindi ang iyong nararamdaman.

Mommy: Oh anak, bakit hindi ka kumakain? Kailangan mong magkaroon ng lakas para sa training mo mamaya! Hindi ka ba masaya na pinayagan ka ng daddy mong bumalik na sa team?

Me: Syempre masaya po! Sa school na lang po ako kakain pagdating. Wala pa lang po akong gana Mom.

Mommy: Hmm... May problema ka ba, Pao? Kailangan ko pa bang hulaan? O sasabihin mo na lang sa akin?

Me: Wala naman po mommy. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Okay po ako.

Mommy: Noong nakaraang mga linggo ang saya mo. Ang aliwalas lagi ng mukha mo kapag umuuwi ka after tutor. Tapos ngayon sadsad naman sa lupa ang nguso mo.

Me: Mommy naman!

Mommy: Totoo naman Pao. Oh, siya sige!

Natatandaan mo dati, dahil injured ka ay hindi ka nakapaglaro sa inter campus league? Natalo ang team niyo sa basketball dahil ikaw ang inaasahan nila eh. Pero hindi ka nila sinisi, instead ay inalala pa nila ang kalagayan mo. Sa amin din ng daddy mo, kakampi mo kami palagi ano man ang mangyari! Kahit ikaw pa ang may mali, ay ikaw pa rin ang ipagtatanggol namin at iintindihin. Team tayo dito, okay? Kaya huwag kang matakot magsabi sa amin kung meron mang problema.

Me: Opo. Thank you, mommy!

Mommy: Hmm... Oo nga pala Pao! Pupunta tayo sa bahay ng girlfriend ng kuya mo next Saturday. Haharapin natin sila ng pormal para mapag-usapan ang nangyari. You have to be there. Dapat kumpleto tayo doon ha?

Me: Ahh... Sige mom, wala naman po akong lakad that day.

Mommy: Good! Ikaw Pao ha! Huwag ka munang maghahanap ng girlfriend. Bata ka pa naman eh! Huwag mo nang tularan ang kuya mo. Ienjoy mo muna ang pagiging bata. Mahirap pumasok sa mabigat na sitwasyon kung hindi ka pa handa.

Me: Ah... Sige po mommy. Pasok na po ako.

Noon pa man ay hindi ko naconsider ang parents ko upang sabihan ng aking mga problema. Unang-una ay dahil nahihiya ako sa kanila. Pangalawa ay naiisip kong baka hindi nila ako maintindihan at pagalitan pa kung magkataon. Pangatlo ay sapagkat ayokong dumagdag pa sa iniisip nila. Panghuli ay sapagkat lalaki ako, gusot ko ito kaya dapat ay kaya kong lusutan kahit pa ako ay mag-isa. Ngunit, dahil sa mga sinabi sa akin ni mommy noong oras na iyon ay napagtanto kong tama naman lahat ito. Na ang unang tutulong at uunawa sa akin ay ang aking sariling pamilya, kahit pa masama o mali ang nagawa ko ay sila ang tatanggap sa aki't magiging kanlungan. Dahil bilang isang pamilya o team, dapat ay nagdadamayan at nagmamahalan upang magkaroon ng magandang samahan. Ganoon pa man, hindi alam ni mommy na ang problema kong dinadala ngayon ay tungkol sa aking nobya, kaya gustuhin ko mang sabihin ito ay hindi ko magawa, sapagkat kagaya ng mga magulang ni Faye ay hindi pala siya pabor na magka-girlfriend ako ngayon dahil nga sa nangyari sa kapatid kong si Nico. Dati-rati ay sinasabi nila mommy at daddy sa akin na dapat ay tularan ko ang aking kuya dahil maganda itong halimbawa bilang isang mag-aaral at anak, pero ngayon naman ay nais nilang umiwas ako sa tinahak nitong daan dahil maliligaw lang daw ako kagaya ni Nico.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now