CHAPTER 14 - DREAMS DO COME TRUE

249 10 2
                                    

Matapos ang aming Intramurals ay bumalik na sa normal ang lahat. Nakafocus na ulit ako sa pag-aaral dahil wala nang kailangang paghandaan, maliban sa exams namin bago ang Christmas vacation. Kailangan ko nang makapasa upang makabalik na ako agad sa aking paglalaro ng basketball. Sa totoo nga niyan ay medyo nanghihina ang katawan ko nitong mga nakaraang linggo sapagkat nasanay akong may practice araw-araw pagkatapos ng klase, tapos bigla naman itong natigil dahil nga sa tutor sessions ko. Hindi na kasi nababanat ang aking mga laman at buto kaya nawawalan din ako ng sigla. Magmula noong matapos ang contest na aking sinalihan ay hindi ko pa ulit nakakausap si Faye. Nahihiya kasi akong lumapit, mag-text o tumawag sa kanya sapagkat baka disappointed siya sa akin dahil sa pagkatalo ko sa Mr. & Ms. Intrams. Ngunit, isang araw ay siya na mismo ang lumapit sa akin sa hindi ko inaasahang pagkakataon. May dala itong balita na talaga namang literal na nagpalundag sa akin sa sobrang bugso ng emosyon ko.

Lunch break noon at dahil maaga akong natapos sa pagkain ay sumali muna kami ni Cholo sa mga estudyanteng naglalaro ng basketball sa quadrangle. Ilang minuto pa nga ay nagpahinga muna ako sa bleachers at uminom ng tubig. Medyo mabilis akong napagod dahil wala akong warm up bago kami sumabak. Sa kalagitnaan ng paghingal ko at pagtulo ng aking pawis ay nagulat ako nang ilang saglit pa'y may isang taong umupo sa aking tabi, at umakbay pa sa akin na talaga namang napakabango ng kanyang amoy.

Faye: Hi Paolo! Kumusta ka na?

Me: Oh Faye! Okay naman ako. Ikaw? Kumusta ang beauty queen ng school?

Hala, naku sorry ang baho ko na ha!

Faye: Ano ka ba! Tumigil ka nga dyan! Ako nga ang nanalo pero parang mas suplado ka pa sa akin! Bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam right after the contest?

Me: Sorry ha? Nahihiya kasi ako. Baka hindi ko napatunayan yung sarili ko sa iyo. Wala akong mukhang maihaharap.

Faye: Hmm... Ngayon ka pa ba susuko kung kailan maayos na kayo ni Grey?

Alam mo, doon pa lang sa pakikipag-ayos mo sa kaibigan ko, ipinakita mo na sa akin na sincere ka talaga sa nararamdaman mo. Huwag mo nang isipin ang resulta ng contest. Hindi mo na man kailangang manalo roon para manalo rin sa puso ko.

Me: Teka... Anong ibig mong sabihin? Sinasagot mo na ba ako? Tayo na ba Faye?

Faye: Hmm... Dahil sa efforts na ginawa mo para sa akin, deserve mo talaga ang maging masaya. Kaya... Okay sige! Sinasagot na kita Paolo.

Me: Talaga? Final answer na ba iyan? Walang bawian?

Faye: Oo na! Tayo na nga! Hehe

Me: Yes!!! Narinig niyo ba iyon mga bro? Kami na ni Faye! Yehey!!!

Sa tuwang nararamdaman ko noon dahil sa dalang balita ni Faye para sa akin, ay isinigaw ko ito sa buong quadrangle. Hindi ko napigilan itong ilabas at hindi ko na rin nakuha pang mahiya noong oras na iyon sapagkat ang matagal ko nang pinapangarap na mangyari ay tuluyan ng natupad. Ipinagtapat sa akin ni Faye na matagal niya na rin pala akong nagugustuhan ngunit, dahil busy siya sa kanyang pag-aaral ay hindi niya muna ako binigyan ng pansin. Isa pa ay hindi naman daw ako nagpapahiwatig noong una kaya hindi raw siya naging confident sa feelings niya para sa akin.

Pagkatapos ng klase.

Pumunta ako sa faculty room para sa tutor session ko. Hinanap ko si Teacher Liza ngunit sabi ni Miss Grace ay wala raw ito dahil umattend ng seminar. Nabanggit na nga pala ito sa akin ni Maam pero nawala naman sa isipan ko kung kailan siya aalis. Dalawang linggo siyang mawawala kaya si Grey muna ang papalit sa kanya pansamantala. Dahil doon ay agad akong dumeretso sa classroom nila upang tingnan kung naroon pa si Grey. Gusto ko rin kasing ibalita sa kanya na sinagot na ako ng kanyang kaibigan. Dapat niyang malaman ito agad bilang mag-bestfriends sila. O hindi kaya ay baka alam na niya ito dahil nasa iisang klase lang naman siya at ang aking nobyang si Faye, kaya magpapasalamat na lamang ako sa kanya sapagkat kung hindi dahil sa pagpapatawad niya sa akin, ay malamang na hindi pa kami magkasintahan ngayon ng babaeng pinapangarap ko. Subalit, hindi ko naabutan si Grey sa kanilang classroom, sabi ni Jeff ay pumunta raw ito sa library kaya roon na lamang ako nagtungo.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now