CHAPTER 9 - MYSTERIOUS ADMIRER

230 10 5
                                    

Pabalik na ako noon sa classroom galing sa faculty office pagkatapos kong makausap si Miss Grace. Naglalakad ako sa hallway, habang nakangiti at ini-imagine ang mga posibleng mangyari sa contest na sasalihan ko sa Intamurals kasama si Faye. Hanggang ilang saglit pa ay nakita kong papalapit siya mula sa hindi kalayuan, at siguradong makakasalubong ko ito sa aking dinaraanan ngayon. Excited akong ibalita rito ang aking pagpayag na sumali sa activity na iyon kaya naman patakbo akong sumalubong sa kanya. Hindi ko na rin nakausap si Faye after ng party ni Jeff dahil nga tila umiiwas siya, kaya gustong-gusto ko talaga itong makaharap ngayon, para na rin malaman ko kung galit pa ba siya sa akin dahil sa nagawa ko sa kanyang kaibigan.

"Hi Faye! Kumusta ka na?" - ang bati ko sa kanya habang ako'y nakangiting para bang wala ng bukas. Ngunit, nang makita ko ang kanyang mukha ay aking nabatid na hindi pa rin ito komportable sa akin, at tila wala siya sa mood para makausap ako ngayon, kaya pinilit kong kahit papaano ay pagandahin ang aming usapan, upang sa ganoon ay makita ko ang maganda nyang mga ngiti at gumanda rin ang araw niya.

Faye: Hi! Okay lang naman ako! Medyo busy dahil sa Intrams. Ang dami pa naming dapat gawin eh.

Me: Oo nga pala! 3 weeks to go na lang pala iyon ano?

Faye: Yes, nag-oovertime na nga kami after class para ma-prepare lahat on time.

Me: Hmm... Ganon ba? Kailangan niyo ba ng tulong? Pwede naman ako!

Faye: I know you're attending a tutor session every after class. Ayokong maabala ka. Don't worry, nama-manage pa rin naman namin.

Me: Hmm... Sige Faye pero sabihan mo lang ako kapag kailangan niyo ng tulong ha? Siguradong darating ako agad!

Faye: Parang Superhero lang ah! Hehe Sure! Thank you.

Me: Ako ang Superman mo. Hehe.

Ah... Eh... Faye, pumayag na nga pala akong maging representative para sa Mr. Intrams.

Faye: Really? Wow! Then, goodluck to you!

Me: Yup! Goodluck sa ating dalawa! Alam kong mananalo tayo hindi ba?

Faye: Hmm... It's good to be confident, pero... kaya mo ba talagang maging role model Paolo? I mean... I can still remember what you did to my bestfriend, Grey.

Me: Faye, Alam mo naman kung ano yung dahilan ko kung bakit ko nagawa iyon.

Faye: Yup! Kahit gaano pa karaming valid reasons ang ibigay mo sa akin, pero kung mali naman ang way mo para makuha ang gusto mo, these reasons are still unacceptable!

Me: Okay, I understand. Please give me time. Pinipilit ko namang itama iyon Faye eh. Hintayin mo ko please?

Faye: Hindi kasi tayo nabuhay sa mundo para sa sarili lang natin. Like you, may feelings din kaming nasa paligid mo. Sana maging sensitive ka!

Sige, kung gusto mo talaga ako, bibigyan kita ng panahon. Pero hindi ko sinisiguradong magiging tayo talaga unless, makita kong deserving ka. Sige una na ako. See you around!

Me: Wait Faye!

Haay! Bakit ba naman kasi ang hirap manligaw! Baka tama nga si Cholo? Dapat siguro hinalikan ko na agad siya tapos magiging kami na! Pero hindi pwede yun! Ayoko! Ayoko! Siguradong magiging doble pa ang galit ni Faye kung nagkataon. Pati hindi ako ganoon! Okay Pao kalma lang!

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now